Chapter 8

7 1 0
                                    

CHAPTER EIGHT
FUTURE HEARTS SERIES

CHAPTER EIGHT

"Tell your mom that you're not going home tonight," Nikolas said while preparing the meals.

"Huh?" tanging nasambit ko. Para akong nabalik sa ulirat mula sa pagkakatulala. It feels like it has been an hour since we had an argument, now we are sitting side by side, eating together. "I can't, Nikolas. Hahanapin ako ni Hani."

He sighed. Hindi niya talaga ako ma-so-solo lalo na may anak kaming naghihintay sa akin pag-uwi. Yari rin ako sa lola niya kung hindi ako umuwi. Walang magbabantay sa kaniya lalo pa't abala ang mama sa kung anumang pinagkakaabalahan nito.

"Ngayon lang. Day off mo, hindi ba?"

"Hindi nga pwede," pagpupumilit kong pagtanggi. "Sa trabaho lang kita boss."

I heard him sigh before giving me a plate of spaghetti and a glass of cold iced tea— not a typical breakfast for Filipinos. Umupo ito sa tabi ko at pumangahalumbaba sa lamesa habang nakatingin sa akin.

I started eating, ignoring his gazes. At least if he would insist me not going home, I have energy to argue. It's Hani over anyone else, not even her father who is in front of me with swollen eyes.

"What are the things that she loves?"

Napatingin ako sandali sa kaniya, pretty sure he's pertaining to his child. Saglit akong nag-isip. Ano nga ba ang mga gusto ni Hani? She's a simple child and her condition doesn't help with her likings.

"Dinosaurs. She's just a simple child. She doesn't want anything nor interested in anything aside from dinosaurs. She have mild dyslexia and level one autism making her less interested in a lot of things. She's focused in reading and dinosaurs."

Saglit itong natigilan ngunit pagkatapos no'n ay tumango-tango rin siya. Mukha siyang may sasabihin ngunit minabuti na lang na itikom ang kaniyang bibig, which I appreciate.

"You can see her today. Don't expect any affection from her. Baka tatango lang 'yon kapag nakita ka."

His mood lighten up. Bakas na bakas 'yon sa biglang ngiti na sumilay sa kaniyang mga labi. Bagaman, tila bumigat ang pakiramdam ko dahil doon. It feels like he's so eager to see her and I am always the hindrance.

"Sige, pero dadaan muna akong mall."

I sighed. "No need to give her a lot of things. Again, her attention span is too short. She might lose interest immediately if you buy her toys."

Muli siyang natahimik. Nakatulala lang habang nakatingin sa akin. Ayon din siguro ang ikinatipid ko kay Hani. Hindi siya gaanong magastos o nagpapabili ng laruan.

"She likes reading and writing despite her dyslexia. Sometimes, she do arts."

I regret saying that. Pagkatapos na pagkatapos ko kumain, naghintay lang siya ng ilang oras, kinalakad niya na ako kaagad sa mall. Ni hindi na nag-pro-process sa utak ko ang binibili niya dahil sa antok, pero natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakasakay sa kaniyang kotse sa passenger seat habang ang kaniyang mga pinamili ay nasa backseat at trunk.

Hindi lang yata tatlong paperbag ang nasa backseat na galing sa bookstore at stationery store. Papaano'y nagbili ba naman ng humigit kumulang bente pirasong children's book at meron ding may makakapal na novel na sabi niya ay dapat babasahin lang ni Hani kapag magdalaga ito. Sa trunk naman ay boxes ng groceries na tatagal na siguro ng isa o dalawang buwan.

"Napaka-oa mo," kumento ko sa kaniya.

"Ikaw ba naman, bigla kang magkaroon ng seven years old na anak, sinong hindi?"

FHS #4: The Edge of Tonight Where stories live. Discover now