Chapter 3

9 0 0
                                    

THE EDGE OF TONIGHT
Future Hearts #4

CHAPTER THREE

Sa tuwing napapag-isa ako ay palagi kong tinatanong sa sarili ko, 'maitatama ko pa ba ang pagkakamali ko?'

Lahat naman ng tao nagkakamali, lahat din natututo. Maituturing bang pagkakamali ang ginawa namin ni Nikolas kung alam namin ang pupwedeng maging kalalabasan nito ngunit pinilit pa rin naming gawin?

"Simeon," tawag ko sa kapatid ko na may bahid ng kaunting paghihirap dahil sa biglang sakit na akong naramdaman.

Nakaramdam ako ng paghihilab sa aking tiyan. Hindi ko alam kung nadudumi ba ako o hindi, pero pakiramdam ko ay dinaig pa nito ang sakit kapag inaatake ako ng acid dati. Napahawak ako sa lababo kung saan ako naghuhugas pa lamang ng pinggan na pinagkainan namin simula kaninang tanghali.

Hindi sumagot ang kapatid ko. Tila wala siya roon ngunit nang sipatin ko naman ay nasa katre lamang siya at nag-ce-cellphone, marahil ay naglalaro na naman ng Mobile Legends kasama ang mga tropa niya. Ang batang ito talaga ay nabibingi sa tuwing nakaharap sa cellphone niya.

"Simeon!" sigaw ko nang tamaan ako ng matinding sakit.

Contractions. Pakiramdam ko ay contractions ito. Nanonood ako sa YouTube ng mga vlog ng mga doktor at mga buntis no'n. Nabanggit nila na ang contractions daw ang pinakamasakit. Mukhang ito 'yon dahil kakaiba talaga ito. Sign na ba 'to ng pag-la-labor?

Manganganak na ba ako? Ngunit kulang pa siya ng ilang linggo.

"Huh?" tanging narinig kong sagot ng kapatid ko bago ito lumapit sa akin.

Noong mga oras na iyon ay bigo akong pigilan ang aking sarili na hampasin si Simeon nang sumigaw-sigaw ito nang banggitin kong manganganak na ako. Todo ang pag-pa-panic niya na hindi alam ang gagawin. Kung hindi ko pa nga siya inutusan na tawagin si Chief, ang tricycle driver naming kapitbahay, ay baka hindi pa siya gagalaw kundi mag-panic lamang. Mas takot pa siya kaysa sa akin. Putlang-putla siya habang nakasakay sa tricycle na animo'y siya pa ang mauunang maubusan ng dugo kaysa sa akin.

Akay-akay ako ni Simeon na lumabas ng bahay. Agad sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin sa probinsya— lugar kung saan ako pinatapon ni Mama kasama ang kapatid ko matapos niyang malaman na buntis ako at pilit kong hindi sinasabi sa kaniya kung sino ang ama.

Madilim na ang langit. Ang madilim na paligid ay nabibigyan ng liwanag dahil sa mga munting alitaptap na lumilipad sa paligid. Anong oras na ba at bakit hindi ko namalayan?

"'Te, okay ka lang?" pang-isang daang tanong ni SImeon.

Napairap na lamang ako sa kaniya. "Mukha ba akong okay? Ang sakit mag-labor, Simeon," pambabara ko sa kaniya.

Parang kay bilis ng oras. Noong isang araw ay nakakagala pa ako sa park kasama si Nikolas. Tmanag coker float lang gawa ng libre niya.

Parang kahapon lang kami nagkamaling nalasing at nagkamaling tuamwid sa linya. Ngayon ay pisikal ko nang mahahwakan ang naging bunga ng aming kapusukan.

Ngayon ay mahahawakan ko na ang batang siyam na buwan kong pilit na iginapang.

Napakasakit. Parang gusto kong sabunutan si Simeon nang maramdaman ang sunod-sunod na contractions ko. Parang napakahaba ng isang oras kong pag-la-labor sa ospital. Pakiramdam ko ay ubos na ubos na ang lakas ko at pagod na pagod na ako.

"Nurse, hindi ko na talaga kaya. Ilalabas ko na talaga 'to," banggit ko sa nurse na nag-check ng swero na nakakabit sa akin.

Tumingin siya sa kaniyang relo at ganun na lamang ang inis ko nang sabihin niyang, "Wala ka pang time, ma'am. One hour pa schedule mo."

Uminit ang ulo ko. I know to myself that I am crowning. I can feel that my child is on the way. At tama nga ang hinala ko nang pagsandal ko sa kama ay ganoon ko na lamang naramdaman ang pagdulas ng anak ko mula sa akin— effortlessly.

Napahugulgol na lamang ako nang marinig ang malakas niyang pag-iyak nang mahawakan ko siya. When I saw her face, I can't help but remember her father.

Bakit ganoon, Nikolas? Ako ang nagdala, ako ang naghirap, ako ang nangnak, bakit ikaw ang kamukha? Napaka-unfair. Pagkababae lang ang nakuha niya sa akin.

That day, I gave birth to my daughter. Hindi ko pa alam no'ng araw na 'yon kung kaninong apelyido ba susundan ko. Sa akin ba o kay Nikolas dahil hindi naman niya alam. The nurse who assisted me got suspended for not checking up on me.

For almost seven years, I stayed in the province as I grew my child on my own. I watched her take her first smile, her first laugh, her first attempt to sit, her first crawl, her first successful attempt to step, her first tooth, first haircut, first nail cut, and even the first time she entered daycare.

I did it all on my own. I made everything possible on my own.

Until I decided to go back to Manila.

--

asereneko.

FHS #4: The Edge of Tonight Where stories live. Discover now