Chapter 2

12 0 0
                                    

THE EDGE OF TONIGHT
Future Hearts #4

CHAPTER TWO

Pagod. Iyan lamang ang nararamdaman ko noong mga oras na 'yon pagkagaling sa trabaho bilang isang call center agent.

Tuluyan na nga akong nawalan ng gana sa pag-aaral at binitawan na ang kursong hindi ko naman talaga gusto. Pagka-drop ko nga ay nag-apply agad ako kinabukasan at laking pasasalamat ko na lang talaga na natanggap ako kaagad din.

Noo'y nagpapasalamat ako na may trabaho na ako. Ngayon ay gusto ko na mag-AWOL dahil ayaw ko na pumasok. Gusto kong umiyak sa tuwing tila naririnig ko pa rin kung paano ako pagsigaw-sigawan at pagmura-murahin ng mga customer ko kanina. Sobrang stressful.

Tatawag sila kasi kailangan nila ng tulong, pero mas magaling pa sila sa 'yo. Sasabihin mo ang tamang dapat gawin, pero sasabihin nilang hindi ganoon 'yon. Stressful. Too much stress is killing me.

Papasok pa lamang ako ng bahay ay nakita ko kaagad ang mukha ng mga kapatid kong may mga kaba sa mukha. Hindi ko alam kung bakit. Baka may kasalanan na naman sila kay Mama at pinagalitan na naman sila. Marahil ay hindi na naman sila naghugas ng pinggan o anuman.

Ayon sana ang hinala ko, pero pagpasok ko ng kwarto ko ay laking gulat ko na lamang nang nagkalat na ang mga damit ko sa sahig. Pati ang mga ibang gamit ko ay nagkalat na rin na tila dinaanan ng bagyo.

Ang mga damit kong maayos na nakasalansan ay nagkalat sa sahig. Ang mga libro ko ay pinagbabato na lamang kung saan-saan. Binaliktad ang kama ko, at ang mga unan at kumot ay tinapon na lang kung saan.

"Ano ba, 'ma?!"

Parang natutuliro ang isip ko noong oras na 'yon sa puntong hindi ko maiwasang hindi masigawan ang sarili kong ina dala ng pagod at pagkainis sa hindi mapaliwanag na dahilan. Walang kung ano ay bigla na lamang dumapo sa mukha ko ang kaniyang palad.

Masakit.

Sobrang sakit. . .

Sa sobrang sakit ay umabot na sa puntong natagpuan ko na lang ang sarili ko na humahagulgol at hinahanap ang pangalan ng lalaking ilang buwan ko nang pilit iniiwasan.

Nagtatanong ako sa sarili ko no'ng mga oras na 'yon. Anong ginawa kong mali? Ano na naman bang ginawa ko para maging ganito ang reaksyon ni Mama?

"Ano 'to, ha? Sa 'yo ba 'to?"

At doon nasagot ang katanungan ko nang makita ang puting parihaba na hawak ni Mama. Something that I bought a month ago. Something I bought that changed my life forever.

So, I did commit a mistake.

Mabilis kong inagaw iyon at hindi sumagot. Umiiyak kong pinulot ang mga gamit ko na tila binging walang narinig ngunit pilit lang winaksi ni Mama ang kamay ko dahilan para bumagsak ako't mapaupo sa sahig.

"Ano ba, Shasta?! Sumagot ka naman! Kanino 'yan? Sinong tatay? Kailan pa?" sunud-sunod niyang tanong ngunit tila wala akong narinig.

Tinamaan ng kung anong sakit ang sistema ko. Binalot ako ng kirot at hapdi. Gusto kong sumagot ngunit bigla ko na lang hindi makayang magsalita laban sa kaniya. Gusto kong ipagtanggol ang sarili ko at pagtakpan ang ginawa namin ni Nikolas, ngunit walang lumalabas na boses sa bibig ko.

Labis ang takot ang naramdaman ko nang makita ang dugo na unti-unting umagos mula sa pagitan ng aking hita patungo sa aking binti. Hindi ko alam ang dapat kong gawin nang mga oras na 'yon. Para akong mababaliw sa kirot at hapdi. . . mababaliw sa sakit. 

Napahawak ako sa tiyan ko habang pinagmamasdan ang dugo na nagmumula sa akin. Binalot ako ng takot. Hindi ko alam ang gagawin ko noong mga oras na 'yon. Parang sinagot no'n ang unang tanong ni Mama.

Dama ko ang pag-pa-panic ni Mama at ng mga kapatid ko nang makita ako. Palubog na ang araw at ako? Para rin akong lumulubog sa pagkalugmok. Anong nangyayari? Hindi ko maintindihan. Wala akong maunawaan.

"Simeon! Tumawag ka ng sasakyan!" batid kong sigaw ni Mama habang unti-unting dumidilim ang paningin ko.

Ramdam ko ang panginginig ng aking kalamnan. Ramdam ko ang panlalamig ng mga palad ko at ng mga talampakan ko kasabay ng paglabas ng buong dugo sa akin. Ito na ba 'yon? Ikaw na nga lang ang meron ako, mawawala ka pa ba?

Kagaya ng hindi ko pagkahanda nang dumating ka ay siya rin ang hindi ko pagkahanda na mawala ka. . . kung mawawala ka.

Natagpuan ko ang sarili ko na nakahiga sa isang hindi kalambutan na puting kama. Ang pader ng paligid ay puti rin maging ang kisame. Kasama ko ang ilang mga babae na kapwa may malalaking tiyan hudyat ng kanilang pagdadalang-tao. Labis akong nainggit. Sa hindi maipaliwanag na rason ay damang-dama ko ang pagkainggit sa sistema ko.

Dapat ba ay ganiyan din ako? Dapat ba ay ganiyan din ang sitwasyon ko? Kaya pa ba nating ialaban ito? Kakapit ka pa ba?

"Shasta Aguilar?"

Nalipat ang atensyon ko sa tumawag ng pangalan ko. Inalalayan ako ni Mama na umupo sa wheelchair at itinulak iyon patungo sa opisina ng kakilalang OB-GYN ni Mama. Malamang ay siya rin ang doktor ni Mama noon sa aming magkakapatid dahil napapansin kong malapit sila sa isa't-isa.

"Maselan ang pagbubuntis ni Shasta, ate. Sa ngayon, irerekomenda kong manatili siya sa bahay at huwag magkilos-kilos hanggang sa maging stable ang lagay nila. Mabuti't hindi nahulog ang bata matapos niyang duguin ngunit hindi ko rin masiisguradong magiging maayos siya. Kung magpapatuloy ito, wala tayong ibang pagpipilian kundi i-raspa siya."

Kung hindi ako mag-tra-trabaho, paano ko bubuhayin ang sarili't magiging anak ko? Kailangan kong kumayod, kailangan kong gumalaw lalo na't hindi pa naman ako pupwedeng kumuha ng Maternity Leave, at kung pupwede man ay hindi naman ito sobrang tagal.

Nakauwi kami ni Mama na kapwa tahimik at nagpapakiramdaman lamang. Pagkahiga ko pa lamang sa kama ko ay napayakap na agad ako sa unang kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.

Sasabihin ko ba? Sasabihin ba natin sa kaniya? Anong maigigng pinagkaiba kung sasabihin ko sa kaniya o hindi? May magbabago ba? Anong mababgo? Kaya ko bang sabihin sa kaniya?

Sa kabila ng mga tanong ko at takot ko, may isang sigaw lamang nagingibabaw sa puso ko na pilit kinakalimutan ng isip ko.

I wish you are here, Nikolas.

--

asereneko.

FHS #4: The Edge of Tonight Where stories live. Discover now