Chapter 1

49 1 0
                                    

THE EDGE OF TONIGHT
Future Hearts #4

CHAPTER ONE

We are humans. We commit mistakes. We make errors. Madalas, nakadepende ang life choices natin sa mga nangyayari sa paligid natin. Tipong kahit ayaw mong gawin, wala kang choice kundi gawin dahil walang gagawa no'n para sa 'yo.

Napabuntong-hininga na lamang ako nang marinig ang usapan ng mama ko at ng bago niya na namang boyfriend. Ito na naman tayo. Mayroon na namang feeling kasama sa pamilya. Nakikidesisyon, hindi naman hinihingi ang opinyon.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Mama nang makita na palabas ako ng bahay.

Suot ko lamang ang pambahay kong black graphic tee at itim na maong shorts. Ni hindi na nga ako nagsuklay, basta ko na lang inipitan gamit ang metal clam.

"Diyan lang," malamig kong sagot.

Bago tuluyang makaalis ay narinig ko pa ang hirit ng boyfriend niyang feeling tatay. "Tingnan mo, lalayas na naman. Hindi magtatagal, buntis na 'yan."

Madali akong tumakbo palayo sa bahay na iyon. Sometimes, home is really not a home. Minsan talaga ay ang sarap na lang na huwag umuwi kung ganoon din naman ang bubungad sa 'yo. Parang mali pang pagbigyan ang sarili mo.

Natagpuan ko ang sarili ko sa isang malawak na parke kung saan madalas akong nagpapahangin. Nakalimutan ko pa yatang magdala ng pera pambili man lang ng palamig.

I sighed. Umupo ako sa isa sa mga plant box, doon sa may maliit na puno na may malagong dahon. Inilabas ko ang phone ko para lang sana magpalipas ng oras nang mag-notif sa akin ang message ni Nikolas.

6:12 PM
Nikolas Advincula

Nikolas Advincula:
Hoy

Ash:
Bakit?

Nikolas Advincula:
Labas tayo.
Libre ko.

Napakagat na lamang ako sa ibabang labi ko bago nag-reply ng pagpayag at pagsabi na nasa usual kaming tambayan.

Nikolas has been my best friend from college. I met him by chance. Friends of friends lang. Simula nang palagi na kami nagkakausap at makapalagayan kami ng loob, hindi na yata kami mapaghiwalay. Halos araw-araw na kami nagkikita, madalas kaming dalawa lang.

Mula rito ay natanaw ko siya na sakay ng kaniyang road bike. The usual get up of the great Nikolas Advincula. A jacket, a black graphic tee, a short, his iconic socks, and his cleets. Magrereklamo na naman siya na hindi siya makalakad pero gustong-gusto namang suot ang cleets niya.

"Anong mukha 'yan?" bungad niya saka mahinang tumawa.

Ayan na naman siya. Ang mahinahon niyang pananalita at mga mahinhin niyang tawa. Dinaig pa ako sa pagiging feminine.

"Tanong mo sa puno. Different day, same bullshits," tugon ko sa kaniya.

Muli siyang natawa. Hindi ko mapigilan ang sarili kong tumingin sa kaniya. Isa na siguro akong hipokrita kapag sasabihin ko pang hindi ko siya gusto. Lahat naman siguro tayo may hidden crush at kung mayroon man ako, siya 'yon.

What a shame to secretly like your best friend, but shit happens. He's a good man. He's a gentleman, soft-speaker, at higit sa lahat, masipag. Every woman would definitely like him if it's not only for the way he put himself away from the show.

FHS #4: The Edge of Tonight Where stories live. Discover now