Nauna ako sakaniyang naglakad at hindi na nag-abalang kausapin pa siya. Hindi naman malayo, sadyang may pasikot-sikot lang na daanan. May mga kaedad at mas matanda lang din sa'min ng ilang taon ang nandito sa labas, some of them are just talking, some are also just smoking.

May ibang kakilala na bumati kay Tatum. Some even ask kung girlfriend niya ba ako kaya mas lumayo ako lalo sakaniya kaya nanatili lang siyang sa likod ko at nakasunod.

"Uhm... Elizabeth..." tawag niya. Pero hindi ako lumingon.

"Fourth were here. Dito ang daan." ulit niya.

Nakaramdam ako ng biglang inis at hindi naiwasang umirap. Kanina pa kasi, hindi nagsabi! Bumalik ako at diretso lang siyang nilagpasan.

Nang nasa pintuan na ako ay kinuha ko ang tirang tissue kanina at ginawang sapin sa doorknob bago ko iyon tuluyang hawakan at pihitin. Narinig ko ang pagsinghap niya at paglingon ko ay nakita kong kaunting nakaawang ang bibig niya habang nakakunot ang noo. Hindi ko siya pinansin at tuluyang isinara ang pinto.

Napabuntong hininga ako at mariing napapikit. Lumapit ako sa faucet at naghugas ng kamay, I checked myself on the mirror, kinuha ko ang lip gloss at nilagay sa labi ko. Dahil sa kaunting pink tint no'n ay parang mag-pumula lalo ang natural na kulay ng labi ko.

Binasa ko ulit ang kamay para gumana ang hand dryer, at doon ko pinatuyo ang nabasang parte ng skirt ko. It took me few minutes bago tuluyang natuyo 'yon, saka lang ako lumabas.


Naabutan ko si Tatum na nakasquat na. Nakatalikod siya sa'kin at paglapit ko ay may itim na pusa siyang hinahaplos na agad na kumaripas ng takbo pagkatikhim ko, nalipat rin ang tingin niya sa'kin.

He stood up at pinagpagan ang sarili. "Done?"

tumango ako "Thank you sa pagsama." tipid na sabi ko at nagsimula ulit na naglakad.

Pagbalik namin ay nasa table na si Thirdy. He asked me kung saan ako nanggaling bago lumipat ang tingin niya kay Tatum na nakasunod saakin.

Kinabahan ako dahil wala siyang reaksyon at sinabi. "It's not what you think." bulong ko sakaniya pagkaupo.

"I know." tipid na sagot niya.

Thirdy was calm the whole evening, kaya ako nagtaka. But since he's not making any fuss about so I just let it slide, for now, maghahanda nalang ako pag nagreklamo siya.

But surprisingly, he didn't. I kept on observing him the next few days, it's been three days since that night, pero wala talaga. Kahit salitang asshole ay hindi ko na narinig.

In those days, I realize something had change. It was strange pero parang bumalik ulit kami sa kapayapaan, did my cousin decided not to care about it anymore? Bati na kaya sila? Or did he realize na wala ng kwenta ang galit niya? or maybe he decided to just... stop?

I laid myself on my bed. Pagod sa gala naming magkakaibigan kanina, at bukas, papasok ulit. Ang bilis ng panahon, it was already February 11, hindi ko man lang na-enjoy sa sobrang bilis ng araw.

Valentines nanaman, busy na si Nero dahil magkakaroon kami ng three days celebration, naghahanda sila para ata sa booth. Sino kayang ide-date ko niyan? Dapat ata maghanap na ako para hindi na ako available pag February 14, para wala nang mag-aya sa'kin.

Don't Read Me Donde viven las historias. Descúbrelo ahora