“U-Uhm, ano po wala pong ano...masyadong nakakainteres na malaman tungkol sa buhay ko po, mamala” nahihiyang sagot ko.

Natawa naman siya sa sagot ko.

“Imposible hija, lahat tayo ay may may nakakainteres na buhay dahil lahat tayo ay may iba't-ibang istorya” she smiled “But anyway, I will not force you to tell me about yourself...just let me ask you a questions” dagdag niya dahilan para gapangan ako ng kaba.

Questions? May ‘s’ so ibig sabihin madami?

Anong gagawin ko?!

Napatingin ako kay Stefano at umaasang matutulungan niya ako pero tumango lang ang loko dahil mukhang may tiwala siya na hindi ako sasablay.

Pero wala akong tiwala sa sarili ko dahil baka may masabi akong wala sa pinag-usapan namin.

“What is your first impression to my apo?” unang tanong niya.

Bigla naman akong napangiti sa hindi malamang kadahilanan at napatingin kay Stefano na ngayo'y nakatingin sa kanyang pagkain na mukhang iniiwasan niya ang mga mata ko.

“Uhm, ano po mamala. Noong una ko po siyang makita ay napaka-ubod po niya ng sungit...palagi pong nakakunot yung noo at kung magsalita ay napaklalim at napakalamig ng boses niya po”

Napangiti naman ako ng makita kong naniningkit ang mga mata ni Stefano, nginitian ko ulit siya...ngiting proud na proud.

Mas lalo naman akong napangiti ng marinig ko ang tawa ni mamala dahil sa sinabi ko.

“That's true indeed. Hindi ko nga alam kung saan ba ipinaglihi ang batang ito...noong bata pa kase siya ay ganyan na siya...four years old palang eh napakatipid nang magsalita...ang akala ko nga ay late bloomer siya pero noong inobserbahan ko siya ay ganun naman talaga siya...talagang nagmana sa ama” natatawang sambit ni mamala kaya tuloy ay nakitawa narin ako.

Napatingin naman ulit ako kay Stefano na ngayo'y napakaseryoso at walang anumang emosyon na namumuo sakanyang mukha, maliban lamang sa nandidilim ang paningin niya. Hindi ko alam pero mukhang may nasabi yata si mamala na hindi niya nagustuhan.

“So anong nagustuhan mo sa apo ko, hija?” biglang tanong ni mamala kaya nabaling ulit sakanya ang mga mata ko.

Bigla naman akong natigilan at ang ngiti sa aking mga labi ay nabura.

Hindi ko alam kung bakit pero sa ngayon gusto ko munang magpakatotoo, sa sakanila man o sa sarili ko.

At sa tanong ni mamala ay nakuha namin ang atensyon ni Stefano dahil napatingin siya sa gawi namin, alam niya kaseng hindi namin iyon nasama sa praktis.

At alam ko rin. Pero kung ano man ang maririnig niya ngayon ay alam kong hindi siya maniniwala pero ayos lang, dahil basta ang importante sa akin ay magpapakatotoo ako sa aking sarili at sa harapan ni mamala.

“Noong una po ay ang akala ko, napakasama niyang tao dahil nga po sa unang impresyon ko sakanya pero habang tumatagal mas lalo ko po siyang nakikilala at doon ko napagtanto na hindi naman pala ganun kasama ang ugali niya dahil sa totoo lang po ay mabait at napakaalalahanin po niyang tao...at noong isinama ko po siya para bisitahin ang pamilya ko ay sa hindi malamang kadahilanan ay napakagaan na agad ang loob ng pamilya ko kay Stefano dahil nakikipagtawanan at makikipagkwentuhan ang mga ito sakanya kaya doon ko napagtanto na siya na...” saglit akong tumingin kay Stefano na ngayo'y nakatulala lang habang nakatingin sa akin, nginitian ko siya.

“Na kahit ano man ang mga posibleng malaman ko sakanya ay, tatanggapin ko parin siya ng buong puso at hindi labag sa aking kalooban” dagdag na sagot ko “Dahil nagustuhan ko siya kung sino man siya...walang rason at walang anumang dahilan dahil buong-buo ko siyang nagustuhan...mula ulo hanggang sa talampakan niya” mahinang tawa ko at nakitawa narin si mamala.

Married To A Monster Where stories live. Discover now