C'9

30 5 0
                                    

Chapter 9

“WHAT happened to your feet?” tanong niya ulit dahilan para maitago ko sa aking likuran ang namamaga kong paa.

Pero dahil sa sobrang sakit nito, ay bigla akong nanghina at napaupo ulit.

Shit naman oh! Bakit ngayon pa na nandito na siya? Sana umalis na lang ako kanina para hindi niya ako nadatnan dito sa sala.

Napatingin na siya ngayon sa akin at nagtama na naman ang aming mga mata dahilan para matikom ko ang aking bibig pero ang paraan ng paninitig niya ay ipinapahiwatig nito na naghihintay siya ng kasagutan mula sa akin.

“U-Uhm, nabagsakan lang kanina. Kasalanan ko rin naman sa sobrang katangahan ko” medyo nauutal na sambit ko pero seryoso lamang ang kanyang mukha kaya agad akong nag-iwas ng tingin at ibinaling ito sa aking paa, para magpanggap na sinusuri ko ito.

Ang akala ko ay hahayaan na niya ako ngunit nagulat ako ng maramdaman kong pumunta siya sa gawi ko at agad na lumuhod sa aking harapan.

Pilit ko namang itinatago mula sa likuran ng aking isang paa ang namamaga kong paa pero walang kahirap hirap niya itong naabot dahilan para mapadaing ako dahil nahawakan niya ang banda kung saan ito namamaga.

“Sorry” he simply apologized. Ngunit wala sa sinabi niya ang atensyon ko kundi nasa kanya dahil kahit hindi niya ako tinignan ay nakikita ko kung paano niya suriin ang namamaga kong paa.

Nahihiya man ay “H-Huwag mo ng tignan, ako nalang b-bahala diyan dahil i-ipapahinga ko lamang ay magiging okay na iyan” nahihiyang sambit ko at pilit binabawi ang aking paa pero sadyang mahigpit lang ang pagkakahawak niya kaya hindi ko ito mabawi bawi.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko “Did you rubbed some ointment in your feet?” tanong niya ulit.

“Hindi”

“Did you used a hot compress?” dagdag na tanong niya at hindi parin ako tinitignan kase seryoso lang siyang nakatingin sa paa ko.

Nakakahiya pa at baka mabaho iyon dahil naka rubber shoes ako buong maghapon at baka namawis ang paa ko.

Kaya nga pilit ko itong inaagaw sakanya pero siya yung nagpupumilit eh.

“Hindi rin. Ngayon ko lang tinignan yan” I answered honestly.

At dahil sa sinabi ko ay bigla siyang napatingin sakin at nakita ko sakanyang mga mata na hindi siya makapaniwala dahil sa isinagot ko.

“Are you damn serious?” he asked with so much disbelief in his eyes. Nagtama rin ang aming mga mata at nandon na naman ang bilis na pagkabog ng puso ko. Pero...

Mariin akong napakagat sa aking pang-ibabang labi dahil sa bigla niyang pagmura.

Yes, I'm damn serious! Ahhh! Shucks ang hot nun! Parang nakakakilig naman!

Mahina akong tumango dahil baka iba pa ang lumabas sa aking labi kapag ibinuka ko ito.

Agad niya namang ibinalik ang tingin sa aking paa na ngayo'y namamaga parin pero hindi ko na iniinda ang sakit ngayon dahil naka'y Stefano lamang ang atensyon ko. Ito ang ayaw kong side ng mga lalaki.

Yung bigla biglang silang nagiging gentleman at bigla silang nagiging concern sa'yo. Kaya nga sabi nila...

Pa-fall ang mga lalaki!

Napangiti naman ako ng mapait at pilit itinatago ang lungkot na nararamdaman ko.

Why Stefano?

Why are you sudden like this? Why are you being concern?

Married To A Monster Where stories live. Discover now