C'6

30 5 0
                                    

Chapter 6

"STEFANO, anong gusto mo?" tanong ko habang chinicheck ko kung anong laman ng ref niya pero puro alak, gatas, tubig, prutas ang nakikita ko na laman nito. May itlog na mga fifteen pieces o higit pa at mga frozen foods, at ang tanging nakita kong matinong iluluto ay yung karne ng baboy pero ang hinahanap ko ay gulay hindi karne pero no choice ito lang yung meron.

Baka bukas, magkakaroon na ito ng gulay para naman makatikim siya nun hindi lang puro karne, frozen foods atsaka...itlog. Papakainin ko nalang siya ng petchay, mas masarap kaya yun kaysa sa itlog.

Tinignan-tignan ko yung karne at kailangan nitong mahiwa.

Tinanong ko ulit siya pero hindi parin siya sumasagot kahit na nararamdaman ko lang naman na nasa likuran ko lang siya.

Bakit hindi ito umiimik?

Alangan naman kaseng tawagin ko siyang,

Mahal, anong gusto mo?

O di naman kaya'y.

Hon, anong gusto mo?

Love, anong gusto mo?

Babe, anong gusto mo?

Baby, anong gusto mo?

Sweetheart, bae, atsaka yung mga jologs pa na call sign ng mga mag-jowa.

Ehe kung official nga kami ni Stefano baka ang itawag ko sakanya ay...

Stefano parin, of course pero nakyukyutan ako sa call sign na 'monmon' or should I call him 'Vinvin' nalang short for Galvin? Para naman magkasilbi yung second name niya at hindi puro first name yung ginagamit. Pero magiging official mag-asawang ba kami sa loob ng walong buwan?

Eh, kasal nga kami pero sa papel lang...duhh.

Imbes na tanungin siya ulit ay tinanong ko nalang kung ano ang nararapat tanungin "May allergy kaba?" tanong ko na hindi parin humaharap pero wala parin akong natanggap na sagot.

I immediately closed the ref and faced him and to my surprise he's just silently staring at me. Napakunot ang noo ko.

Problema nito? Kanina pa ba siya nakatingin sa likuran ko?

Ano bang meron?

Agad kong ipinilitik ang aking mga daliri dahilan para magising siya sa pagkakatulala.

Parang kanina lang hindi niya ako sinigawan, balik kami ulit sa dati.

Zero.

Lihim akong napangiti "Anong nangyari sa'yo? Ba't kanina kapa tulala?" natatawang tanong ko dahilan para maging seryoso ang kanyang mukha.

"Tsk. Nothing. I'm just complimenting your butt. Actually, you have a nice one" ngisi niya at agad ng naupo, ako naman ngayon ang natulala dahil sa sinabi niya.

Ramdam kong nag-iinit ulit ang pisngi ko, at alam kong namumula ulit itong buong mukha ko.

Nakakahiya! Yun pa talagang pwet ko yung tinitignan habang naghahanap ako ng mailuluto ko?

Pinanliitan ko siya ng tingin "Tss, pervert" naiinis na saad ko at agad ng sinimulan ang pagluluto pero mas nagulat ako sa mga susunod niyang sinabi.

"You are more pervert than me"

Natigilan ako pero hindi ko siya hinarap dahil alam ko kung ano ang tinutukoy niya, y-yung sinabi ko kanina.

Ahhhh! Sobrang tanga mo kase Joel! Obob mo! Minsan kase kontrolin mo lahat ng lumalabas sa bunganga mo, hindi yung dada ka ng dada!

Married To A Monster Where stories live. Discover now