C'10

27 5 0
                                    

Chapter 10

ALAS siyete na nang nagising ako. Hindi ko alam pero parang ang gaan ng pakiramdam ko noong natulog ako kagabi.

Dulot narin siguro ng matinding pagod pero mabuti na lamang ay nakapagpahinga ako ng maayos kahit na malalim na ang gabi noong matulog ako.

Agad akong nagtungo sa ibaba pero mabagal lamang ang lakad ko dahil medyo masakit parin itong paa ko kahit na ginamot na rin naman ni Stefano, pero kailangan ko paring gamutin para tuluyan ng maghilom.

Siguro, kaya ko pa namang magtrabaho ngayon. Hindi naman masyadong malala tong kondisyon ng paa ko, OA naman kung oo...paputol ko nalang kung ganon.

Pagkarating ko sa kusina ay agad akong napaatras dahil sa hindi inaasahan ay madadatnan ko pa siya rito sa bahay...eh anong oras naba? Diba dapat nasa trabaho na siya ngayon? Wala ba siyang trabaho?

Napatingin ako sa kanyang likuran dahil sa hindi pa niya ako napapansin at abala pa rin siya sa pagluluto, ng siguro ay agahan niya. Nahuli ba siya ng gising dahil sobrang lalim na nang gabi ng natulog kami?

Pasado alas dose yata noong napagdesisyunan na naming matulog dahil siguro pareho narin kaming pagod mula sa trabaho, kahit na medyo napapasarap pa yung kwentuhan namin.

He's not literally a monster because he's actually nice, garrulous and...and... friendly.

Hindi ko alam kung bakit nasasabi ko yung ang mga bagay na toh, pero totoo lamang yung mga iniisip ko dahil sa totoo lang walang halong kaplastikan at dahil rin naramdaman ko iyon noong nag-uusap kami kagabi, medyo awkward pa nga eh pero medyo napapagaan naman yung pagitan namin.

Bahagya akong napaatras ng bigla siyang lumingon, siguro'y napansin niyang may nakatingin sakanya kaya bahagya siyang napalingon.

Tipid siyang ngumiti “Morning” bati niya. 

Tumango ako at bumati pabalik, hindi ko matukoy at malaman kung bakit sobrang nakakailang, but I act normal as I could so that I wouldn't make fool out of myself.

Para akong tangang nagtungo sa cupboards para sana maghanap ng kape pero pagbukas ko ay wala akong makita.

Aba! Kape na nga nagpapahanap pa. Ano ba naman yan!

“What are you finding?”

Napatigil ako pero hindi ako lumingon para tignan siya dahil nakakaramdam ako ng konting hiya “W-Wala” pilit kong huwag mautal pero tangina lang kase.

“I don't have any stocks of coffee because...” napatigil siya dahilan para tuluyan na akong lumingon sakanya at nakita ko ang pag-aalinlangan sakanyang mukha “I-I usually drink m-milk” he said shyly before turning his gaze away from me. Nakita ko pa na bahagya pang namula ang kanyang dalawang tainga.

Ang cute!

Alam kong nahihiya siya kaya ayaw kong mapahiya pa siya kaya “Okay lang naman” wala lang na sambit ko, pero medyo nagulat ako sa rebelasyon niyang iyon.

He looks like an intimidating man, a dominant and authoritative one and I was shocked to found out that he doesn't drink coffee but milk.

Wala namang problema kung mas prefer mong inumin ang gatas kaysa sa kape, it means baka nasanay kana kase siguro iyon ang palaging ipinapainom sa'yo nang mga magulang mo noong bata ka pa at walang masama doon, I like milk but I love coffee, more.

Coffee makes me stress-free. And I can't start a day without coffee in the morning.

“You will not laugh at me? You will not make fun of me?” tanong niya na may nanghihinala at nininerbiyos na boses.

Married To A Monster Where stories live. Discover now