C'22

15 1 0
                                    

Chapter 22

“Prepare yourself” I heard a cold and familiar voice behind me and I already knew who it was.

Kasalukuyan akong nagtitimpla ng kape dito sa kusina at hindi ko inaasahan na basta-basta na lamang siyang susulpot sa likuran ko pero hindi na ako nagulat dahil kami lang namang dalawa ang nasa malaki at mala-palasyong bahay niya.

“Tomorrow, we where going into my grandma's house” he added but I remained silent as I continue stirring my coffee “We'll go there at exact 9 a.m, so don't be late and wake up early” he said sternly.

Mahina lamang akong tumango at hindi siya pinagkaabalahan pang lingunin pa.

Ano naman para batiin siya ng good morning? At tanungin siya na. Kamusta yung tulog mo?

Naenjoy mo ba yung araw mo kahapon?

May gusto ka ba sa babaeng iyon?

Napailing-iling ako. I will be pathetically stupid if I ask those kind of questions.

Ano bang karapatan ko na tanungin siya?

Anong bang karapatan ko na maramdaman ang ganito?

Atsaka ano ba itong ginagawa ko? Hindi ba pag-ooverthink na ito? Hays, nahahawa na yata ako kay Marvie.

Napailing-iling ulit ako at dahan-dahang iniangat ang basong may lamang kape, hinipan ko muna bago tuluyang sumimsim.

Sa pagharap ko ay sa hindi inaasahan ay napatigil ako at muntik ng maibuga yung kapeng nanatili sa loob ng aking bunganga ng makita kong nakatayo parin siya sa kanyang pwesto at seryosong nakatingin sa akin na para bang kinikilatis niya ako.

Mabilis kong nilunok yung kapeng nanatili sa bunganga ko at naramdaman ko ang mainit na pagdaloy nito sa aking lalamunan bago pinatapang ang aura at seryoso ring sinalubong ang malalamig niyang mga mata.

Gusto kong ikunot ang noo ko pero hindi ko magawa dahil mapapansin niya at nasa harapan ko pa man din siya. Gusto ko ring huminga ng malalim pero hindi ko rin magawa dahil nga nasa harapan ko parin siya.

“Bakit may sasabihin ka pa ba?” tanong ko at tamad na nag-iwas ng tingin.

He knotted his forehead and looked at me mysteriously, like he was observing me “Are you avoiding me?” hindi ring napigilang tanong niya.

Saglit akong natigilan pero agad ring nagpakawala ng isang pekeng tawa “Huh?” panimula ko “Bakit naman kita iiwasan?” balik na tanong ko kahit na medyo may pagka-bitter yung boses ko habang nagsasalita.

Agad akong sumimsim ulit sa kape na tinimpla ko, sa mismong harapan pa niya.

“But why I have this feeling that you're avoiding me?”

Muntik ko ng hindi malunok yung iniinom ko dahil sa tanong niya, mabuti na lamang ay napigilan ko pa ang sarili ko.

“M-Malay ko sa'yo. Baka feel mo lang kahit totoo” nagsilbing mahinang bulong na lamang ang huling mga katagang sinabi ko sapat na para hindi niya marinig pero nagkamali ako dahil sadyang malakas lang yata ang pandinig niya at mukhang nakuha niya kung ano yung sinabi ko.

“And why?”

Napatigil ako at sa hindi malamang kadahilanan ay bigla akong pinagpawisan.

Gaga, talaga.

Mabilis kong pinaandar ang utak ko para mag-isip ng dahilan pero parang nablangko nang magkaharap na kami.

Pasimple kong inilapag ang mug na hawak ko at sinalubong ang kanyang mga mata na siyang pinagsisisihan ko rin agad dahil para akong nanghina noong nagtama ang aming mga mata.

Married To A Monster Where stories live. Discover now