C'17

15 3 0
                                    

Chapter 17

Katatapos ko lamang na mapakain at mapainom ng gamot si Stefano kaya't nagpapahinga na siya ngayon, inilagay ko naman sakanyang noo yung bimbo na ginamit ko sakanya para mas lalong mabilis ang kanyang paggaling.

He immediately fell asleep, and I almost chuckle when I heard him snore softly.

Pero iiling-iling na lamang akong nag-iwas ng tingin at sanang lalabas na pero hindi ko alam kung bakit ako napatigil at napatingin sa isang painting na nakasabit sakanyang pader dito sa loob ng kanyang silid, muntik na akong mapaatras dahil sa sobrang nakakatakot ang kuwadro na iyon pero dahil sa hindi ko parin mapigilan ang aking sarili at dahan-dahan ko itong nilapitan.

Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na tinitignan at inoobserbahan ang nakakatakot na kuwadrong nakasabit sa pader ni Stefano.

My forehead creased when I totally saw the painting and in my observation, it was a titan...who's eating his son?

What the hell? Bakit may ganitong painting dito sa kwarto ng lalaking ito? Hindi ba siya natatakot kapag gabi at matutulog siya eh ito yung isa niyang masisilayan?

This man is really unbelievable.

Napatingin uli ako kay Stefano at agad na ibinalik ang tingin sa kuwadro, pero kalauna'y napagdesisyunan ko na ring lumisan sa loob ng silid niya.

Saktong nakarating na ako sa ibaba ay narinig ko naman ang pagtunog ng doorbell, pahiwatig na may tao sa labas.

Mabilis akong nagtungo sa pintuan at agad ko itong binuksan pero hindi ko aasahan ang bubungad sa akin.

Huminga ito ng malalim at marahas na bumuga sa hangin "Why aren't you answering our calls? Why are you so-" napatigil sa pagsasalita ang lalaki ng makita niyang ako ang nagbukas ng pintuan, bahagya pang napaawang ang kanyang mga labi.

Tinignan ko siya ng maiigi at doon ko napagtanto na napakapamilyar ng mukha niya.

Kumunot ang noo ko.

Saan ko ba nakita ang lalaking ito?

A mischievous smirk plastered in his handsome face "Oh, nice to see you again...hmm Ms-" napatigil siya sa pagsasalita at mukhang nag-iisip kung ano ang itatawag niya sa akin pero agad ring bumalik ang pilyong ngisi sakanyang mapupulang labi "Sweetheart" he bluntly said and his smile widened.

Ako nama'y mas lalong nagtaka sakanyang sinabi...so he knew me too?

Where did the hell I saw him- Wait! I remembered. Hindi ko pa naman nakakalimutan ang gwapo niyang mukha.

He's one of Stefano's friends na nasa restaurant noong araw na iyon, that's why he looks familiar.

And I clearly remembered his name.

Sylvester.

Siya si Sylvester, ang lalaking pilit hinihingi ang numero ko.

Napakamot naman ako sa aking batok, it must be awkward and confusing that he found me inside Stefano's house.

Mas lalo namang lumawak ang ngisi sakanyang labi at agad na napatingin sakanyang likuran na sinundan ko rin ng tingin, at agad na nalaglag ang panga ko ng makita ko ang tatlong lalaking naglalakad patungo sa kinaroroonan namin.

Para akong hihimatayin sa sobrang pagkamangha...para akong nasa isang panaginip na pinalilibutan ako ng gwapo at nagmumukhang mga modelong mga lalaki.

They walked like they own the whole pathway, they didn't care if there's something obstruction in the way because the way they walk, you'll left your mouth hanging open.

Married To A Monster Where stories live. Discover now