37

137 7 0
                                    

37: Her

"Okay ka lang?" Natatawa kong tanong kay Casey, nakasakay na rin kami ng bus, papunta na kami sa amin. Idea niya 'to eh tapos ngayon parang kinakabahan siya na parang aatras. Natatawa ako.

"Stop laughing," sagot niya.

"Nakakatuwa ka lang kasi," sagot ko. "Sayang pamasahe natin papuntang south kung titigil lang tayo," sagot ko.

"Eh bakit pa kasi sumakay tayo ng bus? I have a car," sagot niya.

"Hindi ka ba naaawa sa kotse mo? Palagi nalang siyang nagagamit, pagpahingahin mo naman," sabi ko. Reklamador 'tong batang 'to. Eh ako simula nang magkasakit si papa, nasanay na akong sumakay ng bus. Mas nakakapagod nga lang kapag bumabiyahe ng malayuan.

"I have 5 cars babe," sagot niya. Natulala ako sandali pero agad akong umiling.

"Mas masaya kaya sumakay ng bus," sabi ko.

"Yeah for you."

"Grabe naman 'to parang hindi niya ako kasama. Diba dapat masaya ka kahit anong sakyan natin basta kasama natin ang isa't isa."

"Yeah but...I'm not used to this," sabi niya.

"Tsaka marami kayang kagandahan sa pagsakay ng bus, sa jeep."

"And what are those?"

Echos lang, kahit ako napapagod pero trip ko ngayon eh tsaka hindi naman marami ang tao ngayon.

"Hmm makakakilala ka ng iba't ibang klaseng tao, iba't ibang ugali ng tao tapos minsan magkakaroon ka pa ng memorable moments," sagot ko. Yon lang ang naisip ko pero wala talaga akong naiisip.

"Oo na," sagot niya at natawa ako ng mahina.

"Where did you get your eyes from?" I asked.

"Oh...from my mom."

"Totoo yan 'no? Hindi contacts?"

"Yes, babe."

"Nakakainggit naman, so hindi ka hundred percent na filipino?"

"I am."

Nasabi naman na niya sa akin 'to, mommy niya ay half swedish, don niya nakuha kulay ng mga mata niya. Sobrang ganda ng mga mata niya.

"Hmm yong akin ba maganda rin?" tanong ko. Pinapagaan ko lang naman ang nararamdaman niya. Alam kong kinakabahan siya makilala sila mama at papa tapos alam ko ring ayaw niya talagang sumakay ng bus.

"Of course love." Nakangiti niyang sabi at agad akong umiwas ng tingin sa kanya tapos umayos ng upo.

Bakit sobrang kinikilig pa rin ako sa kanya? Sa kilig kong 'to gusto ko talagang tumili.

Tumikhim ako bago magsalita ulit. "Hmm pero mas maganda yong sayo."

"But I prefer the color of your eyes more than mine."

"Ha? Bakit naman? Napaka-rare nga 'yang sayo dito eh," sagot ko.

"It's magical," sabi niya na ikinatulala ko sandali. Napalo ko pa tuloy ang braso niya,

"Ouch?"

"Sorry, sorry. Anong magical? Ikaw talaga," sabi ko at sumandal sa balikat niya. Ang bango pa niya. Ay ewan nalang talaga, nakakagigil.

"It's true."

"Ikaw lang nagsabi niyan."

"Totoo nga."

Pero may halong kaba palagi ang kilig ko. Kasi pakiramdam ko, mabilis lang niya rin akong iwan. Kasi sino ba ako? Ano bang meron ako na wala sa iba? Anong meron ako na wala siya? She's too perfect for me.

"Babe, keep talking."

"Ha? Bakit?"

"Don't you know I'm addicted to your voice." Pinisil ko tuloy ang kamay niya. "Hilig talaga manakit eh 'no?" Tapos tumawa lang ako.

Ayoko na siyang mawala. What if her parents won't like me? Sigurado naman ako don. Alam ko rin na mabilis lang rin niya akong papalitan.

"Casey."

"Yes Sarah?"

Napangisi ako dahil halata sa tono ng boses niya na ayaw niyang magpatawag sa pangalan niya.

"Hindi naman tayo kilala ng mga taong nandito," sabi niya.

"Sorry, babe?"

"Hmm?"

Ang lambing bigla ng boses. Umiwas ako sa pagkakasandal at inilapit ko ang aking labi sa tenga niya. "I love you." I whispered.



"Ma? Pa?" Pagkabukas ko ng pinto ay tahimik sa loob. Baka nasa balkonahe sila ni papa. Lumingon ako kay Casey at ngumiti lang siya sa akin, pero alam kong kinakabahan siya. Ngayon ko lang yata nakita ang apo ng presidente ng school namin ay kinakabahan.

"Wag kang mag-alala," sabi ko sa kanya. Hindi rin naman judgemental sila mama at papa. Magpapaalam lang naman kami papuntang japan diba kaya hindi kailangang mag-overthink. Siguro iisipin lang rin nila mama at papa ang mga gastusin ko papunta doon.

Mahal rin kaya mag-travel. Lalo na't si papa todo tipid talaga siya dahil nga sa nangyari kay papa hindi na siya makapagtrabaho. Si mama na ang naging lakas ng pamilya namin dahil sobrang gumuho ang mundo ni papa nang magkasakit siya.

"Papa?" Nakita ko sila sa balkonahe at nasa likuran ko lang naman si Casey nakasunod sa akin.

"Oh anak! Kumusta ang biyahe," sabi ni mama at yinakap agad ako. "Tagal ka ring hindi umuwi."

"Papa." Yinakap ko rin si papa.

"Oh sino itong kasama mo?" tanong ni papa.

"Kaibiga–"

"Hi sir, ma'am." Hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ay nagsalita na siya at hinayaan ko naman siya na kunin ang mga kamay nila mama at papa.

"Kay gandang bata," sabi ni mama. "Hindi kami nakapaghanda ng papa mo. Hindi rin ako nakapagluto pasensya na kayo anak."

"Okay lang po ma," sagot ko.

"Oh, are you two schoolmates? Are you in the same class?" tanong ni papa.

"I'm Casey po, her girlfriend po," sagot ni Casey na ikinatulala ko sandali.

Hindi lang ako natulala, kinabahan ako. Lumingon ako sa kanya at nakatuon lang ang atensyon niya kayna mama at papa. Anong ginagawa niya? Tumingin ako kay mama at nakatulala rin siya sa akin. Wala 'to sa usapan namin.

fb: @Lisnaej

Captured by the beat (GXG)Where stories live. Discover now