08

173 7 0
                                    

08: Conversation

“Ha–ah hindi! Ah okay lang ako!” Hinawi ko ang kamay niya pero bigla ko namang nahulog ang marker ko. Parehas pa naming pupulutin sana nang magtama ang noo namin dahil parehas kaming yumuko.

“Sorry,” sabi ko at agad na umayos ng tayo.

“I’m sorry too. Ako na.”

Siya na nga tuluyan ang kumuha sa marker. Kinagat ko agad ang labi ko. Kung hindi kami roommates ngayon? Panigurado na tumitili na ako ngayon sa sobrang kilig!

“I was just teasing you with the blush thing.”

“Ah hehe. geh.”

“Here.”

“Thank you.”

Agad kong kinuha ang marker at bumalik na sa study table ko. Huminga ako ng malalim paulit-ulit. Pero kailangan ko yatang pumunta ng banyo o tumakbo palabas.

Hindi ko kinakaya ‘to.

Parang lalabas na yata ang puso ko.

Tumayo ako at agad na lumabas ng room. Hanggang sa tapat lang naman ako ng pinto namin. Hinaplos ko agad ang dibdib ko. Gusto ko lang namang huminga ng maluwag.

My heart keeps beating fast but at the same time it's aching…Knowing that I might not get a chance to at least…be friends with her…

She's just so perfect to me. n angel.

Sino lang ba ako?

“Aray!” sigaw ko nang mantamaan ang likod ko at muntik pa akong mawalan ng balanse dahil nakasandal ako sa pinto at bigla itong bumukas.

“Sarah?”

Napalingon agad ako kay Casey.

“Ah…” hindi ko alam anong sasabihin ko.

“What are you doing here?” Nakangiti niyang tanong.

Even her smile makes my heart go crazy.

“Ah ano…may bibilhin sa canteen.”

Tumango lang naman siya agad. Kahit halata namang may tinatakasan lang ako.

“Me too. Sabay na tayo?”

Napaawang ang labi ko. Niyayaya niya ako na sumabay sa kanya?

“Kung ayaw mo, okay lang.”

Nagising lang ako nang lumakad na siya. Agad naman akong humabol sa kanya.

“Sorry. Marami kasing assignments at reportings. Research tapos projects pa, kaya medyo lutang ako.”

“Ah…prioritize yourself too.”

Lumingon siya sa akin at sinubukan kong ngumiti. Pero bigla siyang tumawa ng mahina.

“Your smile is weird. Mabuti nalang nakakatawa hindi nakakatakot.”

Natigilan ako nang sabihin niya ‘yon. Napanguso ako at agad na umiwas ng tingin. Sabi ko na kahit anong gawin ko hindi ko talaga siya maaakit.

“Hey, I was just teasing you.”

Hindi na ako nagsalita dahil nahaluan na ng hiya ang kilig na nararamdaman ko. Parang gusto ko na tuloy bumalik sa kwarto.

Nakarating kami ng canteen at doon ko lang namalayan na wala pala akong dalang pera. Kasi naman hindi naman talaga ako pupunta ng canteen.

“You alright?”

“Ah wala pala akong dalang…pera,” sagot ko.

“I can lend you money. Ano ba sayo?”

“Ah ano itong chocolate cupcake lang,” sagot ko.

Binilhan niya rin ako ng tubig.

“Are you going to eat here?” She asked.

“Ah balik lang agad ako sa room.”

“Okay watch your steps, see you later. I need to go to the visitor lounge.”

May bisita siya? oo obviously. Ano naman ipupunta niya don?

“Sige mamaya nalang rin ang bayad,” sagot ko.

“Sure.”

Pagkabalik ko ng kwarto ay agad akong napaupo at napatitig lang sa plate ko. Umayos ka Sarah. Umayos ka please.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung ano ang sunod na pwede kong gawin.

Start with small conversations.

Ang dali lang naman siguro nito. Syempre nagkakausap na kami. Nahihiya nga lang ako na pahabain ang pag-uusap namin. Nahihiya akong magtanong.

Baka rin kasi mahiwagaan siya sa akin.

Napasapo ako sa aking noo. Masiyado ko na siyang iniisip hindi ko na natatapos mga ginagawa ko.

Bigla namang bumukas ang pinto at nagulat ako sandali nang makita ko siya. Ang bilis naman niya yatang nakabalik?

“My friend bought chicken. Gusto mo?”

“Ah…sige.” Kahit busog ako.

“Come.”

Sumunod ako sa kanya sa window sit. Hindi ko akalain na makakatabi ko siyang umupo.

“Kaibigan mo pala bisita mo?” tanong ko. Nagbilang pa ako hanggang sampu bago ako nagsalita.

Small conversation won't hurt right?

“Ah yeah.”

“Mahilig ka ba sa fried chicken?”

Sabay tingin sa dala niyang bucket. Ang dami nito.

“Yes. how about you?”

“Okay lang.”

“What do you mean okay lang?”

“Kumakain.”

I just saw her smile as she took a bite of her chicken.

Tatahimik na ba? ano pa ba pwede kong itanong. Actually marami pero hindi ko alam saan ako magsisimula.

Ano ba…

“Ah kailan ka natutong tumugtog ng gitara?”

Sarah ‘yan talaga?.pwede namang favorite music genre niya muna o kanta diba?

“I was 8 years old.”

“Talaga? kaya pala ang galing mo.”

Ewan ba!

“Not really. I’m still learning. How about you? may alam ka bang instrument?”

Wala eh! Paano kung type niya pala o isa sa mga ideal niya?

“Ah ano ukelele,” sagot ko.

Marunong naman ako pero nakalimutan ko na kung paano? 10 years old ako nong natuto ako tapos hindi ko na pinatuloy.

“That's nice.”

Ano pa ba pwedeng itanong. Magsasalita sana ulit ako nang bigla siyang tumayo at may kinuha sa bulsa niya. Her phone..

“I have to take this call. I’ll be back.”


Captured by the beat (GXG)Where stories live. Discover now