Gaze

857 10 0
                                    

SIMULA

PLEASE BE ADVISED
Warning: There are scenes of violence. Contains mature themes and strong languages that are not suitable for young readers.

TRIGGER WARNINGS
(May contain triggering and sensitive material, topics. Sexual violence, sexual assault and abuse, abortion, suicide)

Some of the parts or words that are expressed here are not meant to offend any party.

READ AT YOUR OWN RISK

you'll find the grammar and the punctuation is a bit off, please bare with that

This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents and either the product of the authors imagination or used in a fictious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or actual events is purely coincidental

--

“Opo tita, nandito na po ako sa tapat ng room ko. Ipapadok at aayusin ko na po muna mga gamit ko,” sabi ko sa tita ko sa phone. Nakakuha agad ako ng tawag pagkarating ko palang sa nilapitan kong dormitory. Medyo may kalayuan sa University pero okay na rin.

“Okay ingat ka diyan, mga bilin ko sayo ha. Wag kakalimutan.”

Safe pa rin naman at mas mura kumpara sa University dorm at sa nauna kong dormitory. Kailangan kasing magtipid dahil si tita na ngayon ang nagpapaaral sa akin.

Hindi na kasi kaya nila mama muntik pa nga akong tumigil. Mahirap rin kasi kung lumipat pa ako ng school, third year student na kaya ako.

Hindi ko na kakayaning lumipat pa.

Mapapagod lang ako.

Isa pa ayokong umalis sa University. Nasanay na ako doon kahit halos lahat mayayaman. Nasanay na ako sa mga kaklase ko. Masaya na rin ako sa mga kaibigan ko doon.

Hindi ko na nga lang sila makakasama madalas dahil malayo na ako sa kanila. Hindi na sila roommates ko. Mahiyain pa naman ako.

Sana hindi suplada mga makakasama ko dito.

“Excuse me.”

Natigilan ako sandali nang may biglang nagsalita sa likuran ko. Bubuksan ko palang sana ang pinto gamit ang card na binigay nila sa akin.

“Ah sorry po,” sabi ko dahil baka isa sa mga roommate ko. Umiwas na muna ako at pagkaangat ko ng tingin ay hindi ko napigilang mapatulala.

Nakatulala lang ako sa kanya habang tumitibok ng mabilis ang puso ko. Parang may hinahabol na kung ano ang puso ko na hindi ko ma-explain.

My heart is starting to race again. It's beating a little faster.

Pero ganito talaga tumibok ‘tong puso ko. Lalo na kung…lalo na kung…

sa kanya.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang makapasok na siya!

Bakit nandito ang crush ko?! Bakit nandito siya?!

Imposibleng tagarito siya? Visitor?

Nagising lang ako kakaisip nang biglang sumirado ang pinto. Kinuha ko na ang maleta ko at isang travel bag. Ito lang naman ang mga gamit ko. Hindi ako mahilig magdala ng maraming gamit.

Pero lumulutang ang isipan ko ngayon. Hindi yata ako makakapagfocus sa mga gamit ko. Hindi ko nga alam kung paano ako papasok.

Totoo ba ang nakita ko o nanaginip ako?

Sinampal ko ng mahina ang pisngi ko. Gising naman ako. Sigurado akong hindi ito panaginip. Baka namalikmata lang?

I mean it's impossible for her to stay in a place like this?

Captured by the beat (GXG)Where stories live. Discover now