25

188 9 4
                                    

25: Yes

"Syempre ako diba?" Nakangiti niyang tanong habang ako ay tulala pa rin.

"Hey...are you still with me?" Nagising lang ako kakatulala nang kumaway siya. Itong babaeng 'to? Magiging girlfriend ko?

"Stop crying already." She wiped my tears using her thumb and caressed my cheeks.

"Totoo bang may boyfriend ka?"

She halted and frowned.

"What? Ew."

"Eh yung kasama mo na si Steven?"

"Oh Steven, just a friend of mine. Childhood friend." She said,

"Bakit sabi nila, boyfriend mo?"

"Who's them? Sila ba ako?"

Umiling agad ako bilang sagot. I'm glad. Parang nabunutan ako ng tinik. Masaya rin akong nakakausap ko siya ngayon. Iba pala kapag nasanay ka kaagad na nakakausap mo siya at nalalapitan. Ang sakit kasi nong hindi niya ako pinansin.

"Galit ka ba?" tanong ko.

"At you? Yes. You just ran away, I thought I was just imagining things and you're not real. I also thought I had scared you. Kaya lumalayo ako."

"Sorry kung tumakbo ako, nagulat lang kasi ako and I really thought, your..."

"Straight? Max was just kidding with you. But really... hindi ba halata?"

"Mas maganda ka kasi."

"Kumpara sa?"

"Sa study table ko."

Sinamaan niya ako ng tingin at agad ko namang napagtanto ang nasabi ko.

"Kumpara sa mga magaganda sa school...pogi ka lang rin.." Yumuko ako dahil nahiya ako sa sinabi ko.

"Ah haha!"

Agad akong umangat ng tingin sa kanya kasi tumawa siya. Ginulo niya ang aking buhok at hinalikan sa noo sandali.

"But I still have to go. I have a place where I can stay in peace."

"Bakit? Naiingayan ka ba sa amin?"

"Hindi sayo, kay Max."

I frowned and pouted.

"Wag ka ng malungkot, dadalhin naman kita don," sabi niya at hinalik-halikan ang kamay ko.

"Ayos na ba tayo?" I asked.

"Wait, hindi pa ba?" tanong rin niya pabalik. Parang parehas pa yata kaming nalito.

"Ako, nag-sorry na ako."

Our eyes met again. A myriad of emotions surged through my heart. It's like she has this magnetic pull that draws me closer to her. She reached for my hand and pulled me closer to her.

She bent down, wrapping her arm around my waist and rested her chin on my shoulder.

"Yayakapin lang kita baka, tumakbo ka ulit eh." She said while giggling and I just remained silent.

"Sorry kung nagulat kita. Can I ask you again?"

Naramdaman ko ang pagsikip ng dibdib ko. My heart is beating crazily. I can't even explain my emotions right now.

"Can I ask you again." She asked again in a soft voice. I just nod my head as my answer.

"I know we still don't know each other that much but I'm eager to learn more about you, would you consider being my girlfriend?"

I inhaled deeply. Wala namang masama kung subukan ko diba? I mean I'm in love with her. Obviously. Matagal ko na siyang crush. Matagal ko na siyang gusto at matagal ko ng hiniling na sana mapansin niya ako.

Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya at naramdaman ko ang hininga niya sa leeg ko nang isiksik niya ang mukha niya sa leeg ko. Alam ko ring nahihirapan na siya sa posisyon niya ngayon.

I hugged her back and answered, "yes."

fb: @Lisnaej

Captured by the beat (GXG)Where stories live. Discover now