01

391 13 0
                                    

01: Crush

Three years ko na siyang crush. Kuntento na akong makita ko lang siya sa malayuan. Hindi ko naman hinihingi na magkagusto rin siya sa akin. Dahil napaka imposible naman diba?

She's just my happy crush. She brings joy and excitement, butterflies in my stomach.

I never wished for her to look at me back. Pero para akong matutunaw ngayon na nakatingin siya sa akin.

Umiwas nalang ako ng tingin.

Bakit ngayon kinakabahan na rin ako? Mga kaibigan ko palagi akong tinutukso sa kanya simula nong nalaman nila na crush ko siya.

Pero hanggang don lang naman ‘yon. Imposible namang mabigyan niya ako ng atensyon at chance.

Hindi naging boring ang araw-araw ko simula nong nakilala ko siya. Pero ewan ba hindi na ako nagkaroon pa ng ibang crush.

And I lied.

Gusto ko rin siyang tumingin sa akin pabalik. Gusto ko ring mapansin niya ako. Pero ayokong pilitin ang sarili ko.

Besides, she's a girl. A woman.

Babae rin ako.

Baka masampal pa niya ako or what. Kaya I need to act straight!

I mean straight naman ako, oo no boyfriend since birth ako pero hindi ibig sabihin na wala akong naging crush nong junior high at senior high student pa ako.

Marami nga akong crush na mga lalaki.

Pero nong nakita at nakilala ko siya parang hindi na ako nagkakaroon ng interest sa sino mang heartthrob sa University.

“Natapos din! Kain ako sa labas sama kayo?”

Napalingon ako kay Max. Nakita kong hindi pa siya tapos. Ang kalat pa nga, pero bakit niya sinabing tapos na siya?

“Oy, nga pala papuntahin ko dito girlfriend ko ah?”

Natulala ako sandali. This dormitory is for all girls only. I mean oo babae siya at wala akong problema don. Nakakagulat lang na may girlfriend siya, she's too girly hindi halata sa kanya.

Sabagay, nakapatay kasi ang gaydar ko.

“Sure.” Natulala ako sa sagot ni Casey.

Is she fine with it?

“Ah sorry Sarah. Okay lang ba sayo? kung hindi…”

“Okay lang,” sagot ko.

“Ayiie kasi kung hindi malulungkot ako!” sigaw niya na parang bata.

“Kain muna ako ah!” sigaw niya at lumabas na agad ng kwarto. Naiwan na naman ako sa kanyan Kung lumabas nalang kaya ako? o tignan ang cr muna?

Kapag malaman ‘to ng mga kaibigan ko alam kong pipilitin nila akong makipagkilala sa crush ko. Kaso ayoko! Baka matakot pa sa akin!

Okay na ‘to. Baka kasi hindi rin siya para sa akin eh bakit ko ipagpipilitan.

“I’m Casey by the way, you can call me Cas.”

Napalingon ako sa likuran ko at nakatayo siya ngayon mismo sa harapan ko! Hindi ako makahinga!

She has a perfectly proportioned face, well-shaped. Her nose is slender and straight. She also has beautifully shaped lips.

“Hey.”

She suddenly snapped her fingers.

“Ah.. Sarah, po.”

She's one year older than me. Sayang hindi kami sabay gra-graduate.

Mauuna siya sa akin.

She's a 4th year engineering student. While I’m a 3rd year architecture student.

Bagay naman diba?

In my dreams.

Siguro mas busy na siya ngayon. Last year kasi hindi ko siya halos mahanap sa malawak naming University. Kami nga busy na busy. Hindi ko alam kung nag-summer break pa ba ako dahil sa pagod.

Pero kailangan ko kasing hindi sayangin ang binigay na chance ni tita Kaya sa akin.

“Are you okay?”

“Ah opo sorry,” sagot ko at tumalikod na.

Bahala na! Hindi ko kasi alam! Parang dati, hangin lang naman ako na dumadaan. Ngayon binigay niya pa pangalan niya and I can call her Cas!

Nakahinga lang ako ng maluwag at nakaupo na rin sa wakas ng lumabas siya! Salamat naman!

Ayoko na siyang makita! Ewan ba! Crush ko siya oo pero sa sobrang kaba at hiya ko ngayon gusto ko ng lumipat ng dormitory o apartment!





Dito na ako kumain ng dinner sa room. Binilisan ko lang kumain at naligo na rin ako. Ayokong maabutan nila akong kumakain. Sakto ring pagbalik nila ay tapos na ako sa lahat.

Nakapagpalit na rin ako.

“Chloe, girlfriend ko,” sabi ni Max. Maganda rin nag girlfriend niya.

Ako naman kailangan kong ihanda ang sarili ko bukas. Balik pasukan na naman! New academic year.

Tumingin ako kay Casey na tahimik lang na nakaupo na naman sa window seat.  Siguro paborito niyang spot diyan.

Ano kayang music pinapakinggan niya, madalas talaga nakikita ko siyang may headset at paborito niya siguro magsuot ng hoodie jacket.

“Oy, wag kang mahulog diyan ah. Masasaktan ka lang. Straight ‘yan.”

Nagising lang ako nang marinig kong magsalita si Max. Is she talking to me?

“Baka matunaw si Cas sa titig mo.” Natatawa niyang sabi pagkalingon ko sa kanya at nakita ko ring nakangiti ang girlfriend niya.

Gosh! Hindi ako nag-iingat! Ayoko pa namang tinutukso ako mismo sa harapan niya!

“Crush ka na siguro nito agad Cas!”

“Hindi ah!” sigaw ko agad. Malakas naman ang boses ni Max siguro dahil nakasuot ng headset si Casey pero mas napalakas ko yata ang boses ko dahil guilty.

“Woah chill.”

First day ko pa nga lang dito nahalata agad ako. Umiwas nalang ako ng tingin sa kanya at ng girlfriend niya. Kunyari may ginagawa nalang ako sa laptop.

“What?” Natigilan naman ako nang marinig ko ang boses ni Casey.

“Wala nag-uusap kami, hindi mo narinig dahil bingi ka na kakasuot ng headset!”

“I’m listening to music.”

“Whatever!”

Oh right. She once played a guitar in an event in the University. Doon niya nakuha ang atensyon ko. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nagkaroon ng crush sa kanya. Dahil sa pagkaalala ko marami ang sumigaw at tumili.

She loves music a lot.

Hindi ko lang alam kung anong genre talaga pinapakinggan niya.


Fb: @Lisnaej / lisnaej

Timeline:

Kirsten -- nauuna siya sa lahat. 3rd year na siya tapos si Mella first year. Sa kwento nila wala pa sila Saydie.

Graduating student na si Kirsten nong pumasok sila Saydie at Izzy.

Sa kwento ni Luna, 3rd year na sila Saydie.

At sa kwento naman ni Sarah, nandito pa si Kirsten dahil ka-batch niya si Casey.

Captured by the beat (GXG)Место, где живут истории. Откройте их для себя