36

226 5 0
                                    

36: Parents

“Saan ka punta?” Napalingon ako kay Max at ngumiti lang ako. Inaayos ko kasi mga dadalhin ko sa Japan. I already said yes, nagpaalam na rin ako kay auntie at pumayag naman siya. Pumayag siya agad nang sinamahan ako ni Casey magpaalam.

“Iwan mo na rin ako?”

“Hindi ‘no,” sagot ko. Napasilip naman ako sa bago naming roommate, ang tahimik naman niya. Pero okay lang dahil hindi ko rin naman alam paano siya kakausapin. Okay na ‘yong nagkakilala kami.

Nang matapos ako ay agad ko ng tinignan ang phone ko.

Sakto lang mga dala ko para hindi mabigat.

Casey:

I’m outside.

Napangiti ako at napatalon pa. Para talaga akong bata tuwing kasama ko siya.
“Nandito si Casey ‘no?” tanong ni Max. “Oy ikaw wag mong sinosolo ah.”

“Nasa heart ko, bleh,” sagot ko at agad na tumakbo palabas.

“Casey!” sigaw ko agad sa pangalan niya nang makarating ako sa labas. Sayang lang na hindi ako malayang yakapin siya kapag nasa labas kami.

“Hey.”

“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. Hindi pa naman ngayon ang flight namin eh.

“Hmm, I just want to see you,” sagot niya. “And I’m thinking, nagpaalam na tayo sa tita mo, magpaalam rin tayo sa dad and mom mo?”

Natulala ako sandali.

“Ha? Eh, hmm hindi ko alam,” sagot ko.

Kasi hindi naman siya kilala nila mama at papa. Tapos hindi ko alam kung papayag pa sila na siya ang kasama ko dahil nasanay sila kayna Scarlett eh.

“Para wala tayong masiyadong isipin while were in Japan?”

“Hmm sige,” sagot ko.

“I just want them to know that you're with me and you’ll be safe,” sabi niya at inabot ang kamay ko.

“May mga taong dumadaan,” sabi ko at nakita ko siyang natigilan sandali tapos binitawan ang kamay ko.

“Hmm kumain ka na?”

“Opo, tapos alam mo ba inayos ko na agad mga gamit ko, excited kasi ako.” Nakangiti kong sabi.

“Me too,” sabi niya.  “Ako hindi pa, samahan mo ako?”

“Ha? Bakit naman hindi ka pa kumain!” sigaw ko sa kanya tapos sinamaan ko siya ng tingin. Hindi pwedeng hindi pa siya kumakain. Anong oras na rin ngayon, late na. “Sa loob mo ba gusto kumain?”

“I ordered a food already,” sabi niya at napasilip ako sa sasakyan niya.

“Sige,” sagot ko at pinagbuksan niya agad ako ng pinto tapos sumunod rin siyang pumasok.  “Akala ko ba no fast food lang muna?”

“Can’t help it,” sagot niya at inuna niya ang burger. Sana all maganda pa rin, kumakain lang ng burger eh.

“Hmm are you close with your parents?” tanong niya bigla at inabutan niya ako ng fries.

“Thank you, hmm hindi masiyado, okay lang,” sagot ko.

“Are they strict?”

“Hindi rin, sakto lang rin,” sagot ko. “Eh ikaw ba? Close ka ba sa dad at mom mo?”

“Hmmm, with dad not really, but I’m close to mom,” sagot niya. “I’m also close with my grandpa.”

“Anong feeling na apo ka ng may-ari ng school?” tanong ko bigla.

“Hmm..ano ba? Haha wala lang?”

Ngumuso ako.

Grabe, ang lapit lapit na niya sa akin. Akala ko talaga imposibleng mangyari ‘to. Pero ito na, her life is totally different from mine but yet, she loves me. Panaginip lang ba ‘to?

“Weh?”

“Well… I felt a little different..not special just different. I don’t know.”

“Namiss mo ako ‘no?” pag-iiba ko ng usapan. “Eh kailangan ko kasing ayusin muna mga gamit ko, para diretcho na tayong Japan.”

“Hindi ka pa tapos?”

“Hmm tapos na pero baka may makalimutan pa ako eh.”

“Hindi pa kita pwedeng dalhin?”

“Babe, I love you. Bukas sayo ako matutulog,” sabi ko at hinalikan siya sa pisngi.

“I love you most,” sagot niya at hinalikan ako sa labi. Agad namang gumaganti ng halik ‘to. Kaya pakiramdam ko tuloy panaginip lang ‘to.

“What do I need to prepare? Ano pwede kong isuot?” tanong niya at napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko siya naintindihan agad. “I’m going to ask your parents so…”

“Hindi mo pa naman hihingin kamay ko diba? Hmm just be yourself,” sagot ko.

“Should I wear a shirt? Or a dress?”

“Kung saan ka lang komportable, okay lang naman parents ko eh,” sagot ko. “Isa pa magpapaalam lang naman tayo diba? Pumunta ng Japan?”

“Ah yeah.”

Umayos ako ng upo at napatingin sa labas.

“What’s wrong?”

“Wala napatingin lang sa labas,” sagot ko. Naisip ko lang rin kung what if, ngayon okay pa kami tapos sa mga susunod na araw hindi.

“Want to meet my parents?”

Naubo naman ako nang bigla siyang magtanong. Ako?

“Ha? Oo pero hindi ngayon,” sagot ko. “Nakakatakot kaya.”  Tumawa siya ng mahina.

“Yeah, nakakatakot, thinking about it,” sagot niya. “But I love to, I wish you could meet them someday. Pero hindi nga rin nila ako kilala eh.”

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.

“They don’t know I like girls,” sagot niya at tumaas pa ang sulok ng labi niya. Sinamaan ko naman siya agad ng tingin.

“Girls? Eh di okay,” sagot ko.

“Haha I love you!”

“Hindi kita love,” sabi ko at nakita kong natigilan siya sandali and she pouted like a child.

“Eh marami ka kasing like na girls.”

“Before, now I only like you, love…you,” sabi niya at hinalikan ako ng mabilis sa pisngi.

“Ako lang ah?”
“Ikaw lang po,” sagot niya at ginulo ang buhok ko.

“Eh..dito ka nalang matulog, tabi tayo,” sabi ko.

“Hindi ako makatulog ng maayos diyan, maingay si Max,” sagot niya.

“Ay! So ibig sabihin rin na hindi ka makakatulog kahit katabi mo ako?” tanong ko at napanguso.  Kasi naman, ayoko na siyang umalis tuloy. Sama nalang kaya ako sa kanya ngayon?

“Wait,” sabi niya at biglang tumunog ang phone niya.  “It’s mom.”

Tumango naman ako agad at sinagot na niya ang tawag. Kinabahan ako bigla, kasi syempre mommy niya.

“Yes mom, alright…but why? Fine.”

“Bakit daw?” tanong ko nang patayin niya ang tawag.

“Mom is at my place,” sagot niya

“Ay hala, sige puntahan mo na,” sabi ko.

“Sorry, I have to go back and see her.”

Tumango naman ako bilang sagot.

“Ingat sa pagdrive,” sabi ko at hindi ko na siya hinintay na lumabas pa para pagbuksan ako. Binuksan ko na agad ang pinto at lumabas. “I love you.”

“Love you most.”

Isinara ko na ang pinto at hinintay na makaalis siya bago ako bumalik sa loob ng dormitory.

--

Captured by the beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon