26

166 7 0
                                    

26: Asks

We are officially together! August 31. Sa loob ng isang buwan marami palang pwedeng mangyari. She’s mine already!

“Oo na, kayo na.” Napalingon ako kay Max at inirapan ko lang siya. “Baka hindi na nakakahinga yang unan mo kakayakap mo ng mahigpit sa kanya.”

We’re also expecting a new roommate. Umalis talaga siya ng tuluyan pero kagabi hindi kami makatulog dahil parehas kaming nagbabad sa cellphone. Parang uubusin namin ang oras magkausap lang.

“Minsan lang ako maging masaya Max, hayaan mo na,” sagot ko sa kanya. “Eh ikaw? haha bat parang ang bitter mo kayo pa ba?”

“Break na kami,” sagot niya na ikinatulala ko sandali. Napaupo tuloy ako.

“Seryoso?” tanong ko. I’ve only seen her girlfriend once nong first time ko dito. Hindi na naulit ‘yon.

“Oo pero okay lang,” sagot niya. “Sanay na ako kaya stay strong nalang sainyo. Una na ako ah!”

Kumaway naman ako sa kanya at pinagmasdan siya hanggang sa makalabas. Bumangon na rin ako at binuksan ang sociant ko.

Sarah: Good morning! I miss you!

Ewan ba kung korni or what basta iba na ang feels dito dahil wala siya. Tapos alam kong mamaya pagkabalik ko galing school wala siya.

Tulog pa siguro ‘yon. Naligo nalang muna ako at agad na nagbihis. Pinatuyo ko lang ang buhok ko tapos lumabas na para kumain sa canteen.

Nang makabili na ako ay agad akong kumain at binuksan ulit ang SoCiant ko. Girlfriend ko na talaga siya diba? Hindi ko alam itong nararamdaman ko kinakabahan na excited na hindi ko maintindihan.

Casey: Good morning. i miss you most. kumain ka na?

Sarah: kumakain na 🥰 ikaw?

Casey: Magluluto palang.

Sarah: you know how to cook?

Casey: Basic.

Natawa ako ng mahina. Siguro kahit siya lang makausap ko buong araw busog na ako. Sana hindi na matapos ‘tong kilig ko.

Sarah: after kong kumain, punta na akong school

Casey: okay po. ingat.

Sarah: Magkita tayo agad ah!

Casey:  of course 😌 I’ll shower you with kisses.

Nag-init ang magkabilang pisngi ko. Kagabi nga bago siya umalis hindi ko na mabilang kung ilang beses niya ako hinalikan sa pisngi tapos sa labi. Pumikit ako ng mariin at napailing-iling. Kailangan kong kumalma at baka sabihin ng ibang tao dito ay baliw ako.

Bumalik ako sa room para kunin lang ang gamit ko. Pero pagkabalik ko ay nandito na ang bago naming roommate.

“Hi.” Kumaway siya sa akin at kumaway rin ako pabalik.

She’s…handsome.

“Don't worry I’m a girl,” sabi niya agad sa akin.

“Alam ko,” sagot ko at natawa ng mahina.

She has a boyish haircut that's why. Kung hindi ko alam na all girls lang ‘tong dormitory siguro baka sabihin kong lalaki siya. Mahahalata rin kasi the way she dresses.

Ang judgemental ko talaga.

“Komportable lang ako kung ganito suot ko,” sagot niya.

Kung hindi niya sinabing girl siya baka sabihin ko ng trans man siya.

Captured by the beat (GXG)Where stories live. Discover now