Chapter 5: The Witch's tears

Start from the beginning
                                    

"Great! Tamang-tama tinawag ko na ang club president namin." Natutuwang sabi ni Iraine.

"Halatang pinagplanuhan mo 'to 'no?" naghihinalang sabi ni Zia habang napailing lang si Sir Emerson sa tabi ng anak.

Pero magkaganon man hindi niya maiwasang mag-isip, kailangan niyang timbangin ang sitwasyon dahil hindi pa nila ganoong kilala ang Blue Blood na nasa harap nila at saka ng half blood nitong anak. Hindi pa siya pamilyar sa mga bagay bagay rito pero kung ano man ang binabalak sa kanila ng mag-ama siguradong madali lang nila iyong malulusutan ng kakambal niya. Isa pa advantage na hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ng mga ito kung ano ang kakayahan nilang dalawa at lahi na pinagmulan nila.

Pero kung ang pagiging malapit sa half blood ang paraan para makausap nila ang witch na yon pati na rin ang hari na binaggit sa kanya ni Kieran kagabi ay walang magiging problema sa kanya. Sigurado siyang walang kaide-ideya ang mga ito sa panganib na maari ng mga ito kaharapin oras na may masamang binabalak ang mga ito sa kanila.

"Anyway parating na rito si—"Naputol ang sasabihin ni Iraine nang may kumatok sa kwarto at pumasok ang isang pamilyar na mukha.

"Hi Anne!" masigla niyang bati rito na sinuklian nito ng isang kiming ngiti. Mas lalo lang tuloy na lumawak ang ngiti niya mukha kasing medyo hindi na ito ilang sa kanya.

"Hello Rian. Anong ginagawa mo rito?" hindi na ito nagstutter pero napansin niya ang amazement sa mga mata ng mga kasama nila.

"Wow, first time ko lang narinig na hindi mag-stutter si Anne sa bagong kakilala." Sabi ni Lou habang nakatingin sa kanila.

"Alam ko naman kasi na mabait si Rian ehh.." katwiran nito. Hindi na tuloy niya napigilan pa ang sarili na yakapin ito sa likod, ang cute kasi ehh.. Obvious naman na nagulat ito sa ginawa niya maging ang iba pa nilang kasama na sa pangalawang pagkakataon ay nakanganga na naman sa kanya.

"'Oy oy!" agad naman na pinaghiwalay silang pinaghiwalay ni Lou. "Wag ka ngang basta-basta mangyakap diyan!"

"Boo... party pooper." Reklamo niya habang nakanguso.

"Anyway, Iraine ito na nga pala 'yung club application form." Untag sa kanila ni Anne. "Kaya pala hindi ka namin nakita kanina lunch." Aniya.

Hinahanap kasi niya ito para sana sabay ulit silang mag-lunch kaso hindi naman nila ito nakita sa classroom nito na katabi lang ng kwarto nila. Mukhang wala naman itong kaibigan 'don dahil kahit isa walang nakakaalam kung nasaan ito.

"Pasensya na, kinailangan ko kasing asikasuhin 'yung mga forms may isasali daw kasi si Irain sa club na ako 'yung president." Ang saya naman mukhang magkakasama pa sila sa isang club, anyway bakit nga ba masyadong interesado rito? Simple lang dahil may kakaiba rito pero hindi pa rin niya maintindihan kung ano 'yon.

"Tamang-tama, pakibigay na lang 'yan kay Kieran at Kyrian sila 'yung bagong members natin." Sabi ni Iraine.

Halata sa itsura ni Anne ang pagtataka pero ibinigay na rin nito sa kanilang dalawa ng kakambal niya ang forms.

"Anyway since okay na sa inyo na pwede silang sumali and everthing's settled then. This meeting is dismissed. Pakidala na lang ang forms dito sa club room after class at sa isang araw may meeting ang DC para maayos natin ang mga schedules." Sabi ni Sir Emerson.

"Anyway Anne." Sabi ni Lou. Lumingon dito si ang dalaga. "In case lang na hindi mo alam, lalaki nga pala si Kieran."

Napalingon sa kanya ito saka kinapa ang dibdib niya saka nanlaki ang mga mata nito sa naramdaman.

"Ehhh?!"

PAGTUNOG ng bell ay agad na tumayo si Kyrian sa kinauupuan niya, sa wakas makakausap na rin nila ng matino ang Blue Blood. Paglingon ko ay as usual tulog ang magaling niyang kakambal. Marahas niyang inalog ang balikat nito.

Eternal Vow (MBIAV 3)Where stories live. Discover now