Part 5 - Bampirang Walang Pangil

1 0 0
                                    


Di na dinalaw pa ng antok si Serez. Ikatatlumpu't limang kaarawan nya ngayon. Gaya ng ilang taon pang lumipas, walang kasiyahang naganap.

Umiyak nalang sya sa isiping nakalimutan na talaga ito ng Ama. Lingid sa kanyang kaalaman, alam ni Furton na ngayon ay kaarawan nya.

Pero takot ito na maulit pang muli ang pangitaing naganap nuong sya ay basbasan ng mag dalawang taong gulang sya.
Ang pangitain ng puting nilalang na may tabak sa kanyang ulunan.

Bukod sa wala ring talaga itong balak magdiwang para mapasaya sya.

Lumabas si Serez ng silid upang magpahangin sa tore. Hindi naman sya sinusundan ng mga bantay kapag sinabi nyang nais nyang mapag-isa.

Habang binabagtas ang mahabang pasilyo patungo roon, natanaw nya ang dalawang kawal na may dalang sisidlan ng pagkain at kopa ng dugo.

Patungo ang mga ito sa dulong bahagi ng palasyo. Nagtataka man kung ano ang gagawin ng mga ito sa bahaging iyon at para kanino ang pagkain ay di na nagsuri pa ang prinsesa.

Sa toreng iyon madalas syang maglagi kahit nuong bata pa sya. Nauupo at nakatingala sa pulang buwan. Sa ganuong paraan gumagaan ang loob nya.

Lalo na tuwing naiisip nya kung bakit wala syang ina. Kapag tinatanong nya si Efres, umiiwas ito. Kapag ang Ama naman, nagagalit.

"Ano nga bang pakiramdam ng may ina." malungkot na tanong ng isip nya.

Sa gitna ng pagmununi-muni, tila nakarinig sya ng tinig. Napalingon at inilibot sa paligid ang paningin ngunit walang ibang naroon.

...

Habang nakatingala sa pulang buwan, isang maliit na kulay itim na ibon ang dumapo sa beranda. May sugat ito at hirap lumipad. Kinuha nya ito at ikinulong sa loob ng mga palad.

Serez:
"Ikaw ay may sugat, kaawa-awa ka naman. Dito ka muna sa akin at aalagan kita."

Ilang saglit lang ay nagpumilit kumawala ang ibon sa kamay nya. Binitawan nya ito at lumipad palayo. Wala na itong sugat ngunit hindi batid ni Serez.

May koneksyon sya sa mga hayop at halaman. Kaya nyang gamutin ang mga hayop, kaya nyang buhayin ang patay na halaman.
Ngunit ang bagay na ito ay malalaman pa lamang ng prinsesa.

.....

Nang magpasyang bumaba na ng tore, sa kanyang muling paglalakad sa mahabang pasilyo ay narinig nyang muli ang tinig ng mas malakas at malinaw. Tinatawag ang isang pangalan.

Tila nagmumula ito sa dulong bahagi ng kastilyo. Malalim ang pinagmumulan. Inisip ng prinsesa na ito ay guni-guni lamang kaya di nya na ito binigyang-pansin. Tulad lamang ito ng panaginip.

Ilang araw din ang lumipas matapos ang kaarawan ay nawala din ito sa isip nya.
Palagi rin sya sa arena para manuod ng pagsasanay ng mga mandirigma

Kapansin-pansing wala palagi ang heneral sa pagsasanay at maging sa pag-iikot sa Halmero.
Tila may pinagkakaabalahan na iba si Rogan bukod sa posisyon nito.

.....

Nang mga sumunod na araw, naging mas madalas naman ang pagpunta ni Core sa palasyo.

Hindi nya alam ang pakay nito sa Ama, pati ang pagiging salamangkero nito ay inilihim kay Serez. Ang alam lang nya ay may ikinukunsulta si Furton sa matandang bampira.

.....

Isang araw, maghapon na wala sa palasyo ang mahigpit na Heneral. Pagkakataon muli yun ni Serez para pumuslit. Sa paanan ng bundok muli syang nagtungo.

Palagi syang namimitas ng mga bulaklak ng Chipoa para amuyin at ihagis sa hangin. Nagiging kalmado sya at kahit pano ay nakakalimutan ang malungkot na buhay sa palasyo.

Bampirang Walang PangilWhere stories live. Discover now