Part 4 - Bampirang Walang Pangil

6 1 0
                                    


Lumaking kahali-halina ang prinsesa. Bukod sa maganda nitong mukha, balingkinitang katawan at mahabang buhok, mabait ito makitungo sa lahat, kaya naman marami ang humahanga sa kanya.

Pagtuntong ni Serez ng bente singko anyos, nagsimula na syang magkainteres sa espada. Ninais nyang matutong pakipaglaban, gaya ng nakikita nya tuwing nagsasanay ang mga mandirigma. Nakita nya din kung paano kagaling makipaglaban si Furton, at gusto nyang gumaya sa ama.

Minsang nakiusap sya rito...

Furton:
"Nahihibang ka ba? Para saan at gusto mong humawak ng espada."

Serez:
"Ama, nais ko po itong matutunan, para narin kaya kong protektahan ang sarili ko kung kinakailangan."

Furton:
"Bakit pa, napakarami mong bantay na poprotekta sayo. Kung nais mo, magdagdag pa tayo."

Serez:
"Ama, tingin ko po kasi...masaya ang magsanay. Kasama ng mga bagong mandirigma. At paano kung mag-isa lang ako. Paano ko ipagtatanggol ang sarili ko."

Furton:
"Hindi! Dahil hindi ka naman lalayo, ni lalabas sa loob ng palasyong ito!"

Serez:
"Malaki na po ako Ama, baka maari na po akong lumabas ng palasyo at makita ang labas nito---."

Furton:
"Wag mo nang ipilit pa Serez! Kakasabi ko lamang, hindi ka lalabas ng palasyong ito. Tapos na ang usapan. Magpapahinga na ako."

Masama ang loob na nilisan ni Serez ang silid ng Hari. Naiinis sya sa kalagayan nya. Kung naging ordinaryong bampira lang sana sya, baka hindi ganito ka miserable ang buhay nya.

Sinadya nyang magtungo sa arena kung saan may kasalukuyang pagsasanay na nagaganap. Napahanga sya sa kisig at liksi ng mga mandirigma. Maya-maya, napako ang atensyon nya sa matipunong lalaking matikas ang tindig habang nanunuod sa pagsasanay.

Si Rogan, ang heneral ng mga mandirigma. Matangkad, matikas, malinis manamit, at gwapo. Ngunit hindi sya interesado rito.

Iba ang naisip nya.
Tama, maari nya itong lapitan at hingan ng tulong. Siguradong hindi ito tatanggi sa kanya dahil prinsesa sya.

Naglakad sya palapit, napalingon ang lahat sa kanya at agad na yumuko. Ngunit hindi si Rogan, nagulat sya ng makita ang prinsesa, saglit syang natulala. Natauhan lamang sya ng sikuhin ng kaibigang si Mohep.

Napatikhim at ninalma ang sarili bago buong galang na yumukod kay Serez ang matikas na heneral.

Serez:
"Tumayo kayong lahat.
Heneral, nais kitang makausap sa hardin--- nang tayo lamang dalawa."

Pagkasabi nito ay tumalikod ito at naglakad palayo sa arena.

Takang napabaling ang mga kasama kay Rogan.

Mohep:
"Anong pakay sayo ng prinsesa?"

Rogan:
"Hindi ko rin alam. Marahil ay may problema?"

Lukan:
"Problema saan?"

Mohep:
"May problema? Baka naman nasabik sayo. Abala ka sa pagsasanay, di kana nagbabantay sa kanya. Hahahha."

Rogan:
"Tumigil ka nga Mohep, hindi magandang biro yan. Hindi naman ako lumalapit sa kanya. Hindi nya pansin kahit wala ako palagi."

Lukan:
"May nais lamang siguro syang isangguni."

Mohep:
"Rogan...mula pagka sanggol isa ka sa mga bantay nya, bakit di kayo malapit sa isa't-sa ng prinsesa?"

Rogan:
"Dahil nga prinsesa sya. Ako mandirigma. Hindi naman ako pwedeng lumapit at basta lang kausapin sya."

Mohep:
"Pagkakataon mo na kung ganun. Kausapin mo na. Alam namin may gusto ka sa kanya kahit di mo
sabihin."

Bampirang Walang PangilDär berättelser lever. Upptäck nu