Part 6 - Bampirang Walang Pangil

2 0 0
                                    


Matapos ang pulong, ibinigay ni Kawaye kay Rogan ang mga medalyon galing kay Core. Bagaman natatakot sya para sa kaligtasan ng anak, kailangan nitong tuparin ang misyon.

Rogan:
"Ama, ano ang magaganap kapag nahanap na ang puting salamangkero?"

Kawaye:
"Marami Rogan, maraming magaganap at magbabago."

Rogan:
"Ngunit, bakit hindi nyo ipabatid sa akin ang mga bagay na iyon. Nais ko rin sanang malaman."

Kawaye:
"Paulit-ulit kong sinasabi, magtiwala ka sa akin at kay Furton. Kailangan nating mahanap ang puting salamangkero, bago pa mahuli ang lahat."

Rogan:
"May tiwala ako Ama. Sa Hari, lalo na sayo. Ngunit wala akong maintindihan. Sinusunod ko ang lahat ng utos ninyo ng Hari ng hindi batid ng malinaw ang inyong mga plano. Mahuhuli ang lahat para saan?"

Kawaye:
"Wala akong ibang nais, kundi kabutihan mo Rogan. Hindi kita ipapahamak, nangako ako sa iyong ina, na aalagaan kita hanggat nabubuhay ako. Kaya magtiwala ka lamang."

Isang tapat na mandirigma si Rogan. Hindi man malinaw sa kanya ang ipinaglalaban ng Ama at ng bagong Hari, sinusunod nya parin ito. Bagaman may bahagi ng puso nya nagsisimulang magtanong, kung tama nga ba ang ginagawa nya.

Lalo na sa tuwing nakikita nya ang Prinsesa, hindi nya maiwasang makaramdam ng kirot sa kalooban. Isa sya sa mga dahilan kung bakit hindi manlang nasilayan ni Serez ang tunay na mga magulang. At alam nya kung paano lumaki ng walang ina, dahil ganuon din sya.

Sa lihim na silid:

Bumukas ang pintong bakal at kahoy. Dahan-dahang nagmulat ng mga mata ang bilanggo, kasalukuyan itong nakagapos at nakahiga sa sahig. Ang buong kwarto ay halos nabalot na ng iba't-ibang damo at halaman.

Nanlumo si Rogan ng makita ang kalagayan ng dating Reyna. Huli nya itong nakita ay nuong bago ito ikulong, sanggol pa lamang si Serez.  Walang nagbago sa mukha ng Reyna, napakaganda parin.

Napakalaki ng pagkakawig nila ng Prinsesa. Lumapit sya at kinalas ang mga gapos nito.
Nakatingin ito sa kanya ngunit walang namutawi sa bibig ng babae.

Ang mga tingin nito ay tila pumapasok sa loob ng isip ni Rogan. Natayo sya at napaatras. Sinusubukang pasukin ng Reyna ang isipan nya, marahil nais nitong makipag-usap at malaman kung nasaan ang anak.

"Tumigil ka!" utos ni Rogan.

Hindi manlang ito umimik at nakatitig lang sa kanya. Dahil naguluhan, mabilis na nilisan ng Heneral ang silid na iyon. Ngunit ipinagbilin nya sa mga bantay na huwag ng gapusin pa ang Reyna.

......

Sa paanan ng bundok, nauna sa tagpuan si Serez (Chipoa). Naikubli nya sa maskarang suot ang mga ngiti ng matanaw si Rio. Ngunit ang singkit na mga mata ng lalaki ay hindi naitago ang lungkot nito.

Gusto mang magtanong ni Serez ay nanahimik sya at nag obserba na lamang. Nagsanay parin sila kahit tila malayo ang lipad ng isip ni Rio.

Sa gitna ng kunwaring paglalaban, nagulat sya ng bigla ay hilahin sya nito palapit. Napayakap sya sa katawan nito ng mawalan ng balanse. Agad sya ninapit sa bewang upang hindi matumba.

"Anong ginagawa mo!" may nginig ang boses na tanong ni Serez.

"Huwag kang gagalaw." bulong naman ni Rio na nakatingin sa gawing likuran nya.

Hindi ito ang unang beses, alam ni Rio na palaging may nagmamasid sa kanila, pero ngayon nya lang naramdaman na tila hindi nag-iisa ang nakatingin sa kanila. Mukhang nasa peligro sila ngayon.

Rio:
"Marami sila. Nakapalibot sila sa atin."

Pagkasabi nuon ay mas hinigpitan ni Rio ang paghawak sa bewang nya dahilan para hindi sya makakilos. Inilapat ni Serez ang dalawang palad sa dibdib nito upang may pagitan sa kanilang mga katawan.

Bampirang Walang PangilUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum