Part 2 - Bampirang Walang Pangil

6 3 0
                                    

Nang tuluyang humiwalay ang buwan sa mundo, nabigla ang mga bantay sa tarangkahan ng Halmero. Bagaman naghanda sa maaring maganap, hindi nila inakalang ganito susugod ang masasamang bampira.

Ang mga espada ng mga ito ay tila may apoy na sumusunog sa kanilang mga katawan. Sa ganito naubos ang mga bantay sa hangganan. Lumaban sila hanggang huli para protektahan ang kastilyo. Ngunit planado ng kalaban ang lahat.

Mula sa malayo ay nakatanaw si Furton. Umaayon ang lahat sa plano nya. Buti na lamang at naging kakampi nya ang itim na salamangkero.

Habang nauubos na ang nga bantay sa labas ng tarangkahan, puno naman ng takot at pag-aalala ang lahat. Hindi na gumagalaw si Hevacio. Ang pangatlong gintong mangkok ay mapupuno na rin ng dugong tumutulo mula sa sugat nya.

Anasia: "Efres, bakit di na sya gumagalaw! Anong nangyayari!"

Efres: "Wala na syang malay. Hindi ko alam kung mabubuhay pa sya. Ayaw maghilom ng kanyang sugat."

Anasia: " Hindi ito maaari! Gawin mo ang lahat Efres! Hindi pwedeng mawala si Hevacio, parang awa mo na!"

Umiiyak na ang reyna, batid naman nilang maaring mangyari nga ito. Pero hindi sya handang mawala ang kabiyak.

...

Maraming gamot ang inilapat sa Hari, ngunit nanatili syang nakapikit. Nahihintakutan na ang mga nasasakupan nya.

Ano nga ba ang mangyayari pag nawala si Hevacio? Sino ang hahalili sa kanya?

Tahimik na tahimik ang paligid. Nang biglang tila kulog na may tumama sa tarangkahan ng kastilyo. Yumanig ito at nagsigawan ang lahat sa loob. Nagtakbuhan at nagkagulo ang lahat.

Efres: "Anasia, itago mo sa ligtas na lugar ang bata!"

Anasia: "Hindi ko iiwan ang Hari. Kailangan nya ako!"

Efres: "Makinig ka! Alalahanin mo ang kaligtasan ng iyong anak. Sya ang dahilan kung bakit mamamatay ang Hari!"

Anasia: "Anong sinasabi mo? Hindi sya mamamat! Ayan ang katawan nya. Buhay pa sya Efres! Mabubuhay sya!"

Efres: "Dahil hindi pa nasasaid ang ang dugo sa katawan nya. Anasia ilayo mo na ang bata!"

Anasia: "Hindi! Mabubuhay si Hevacio!"

Sa huling dagundong ng tarangkahan, bumukas ito. Ang mga bantay ng Hari ay mabilis na pumalibot sa kanila.

"Protektahan ang Hari! Protektahan ang Reyna!" sigaw ng lahat.

Efres: "Dalhin ang reyna sa lihim na silid!"

Wala nang nagawa si Anasia ng ilayo sa lugar na iyon, pilit syang dinala ng ilang mandirigma sa lihim na silid. Isang silid na tanging mga bantay at matataas na tao lang ang may alam para sa kaligtasan nila.

Matatagpuan ito sa pinakadulong bahagi ng palasyo, sa ilalim ng lupa. Walang sinuman ang mag-iisip na may silid duon kaya ligtas ang bata.

Umiyak na lamang si Anasia. May kutob na syang mangyayari ito. Kung sana ay kumuha nalang sila ng dugo ng tao, hindi pa mapapahamak ang buong palasyo.

...

Minuto lang ay nakapasok na nga sa loob ng Kastilyo ang mga masasamang bampira. Mga ganid at walang puso.

Wala na ring bampira sa bulwagan, nakapagtago na sila lahat sa labis na takot. Tanging mga bantay na mandirigma ang naiwan at lumalaban. Ngunit ang mga manggagamot ay nanatili din. Handa nilang ialay ang buhay para sa kanilang Hari.

Kahit pa wala silang magawa habang unti-unting nauubos ang mga mandirigma, nanatili silang nakatayo. Ngayon lang nakasaksi ng ganito si Sola, at napaluha sya sa nasasaksihan. Nag gagamot sila, nagliligtas ng buhay ng bampira, taliwas sa nakikita nya ngayon na puro kamatayan.

Bampirang Walang PangilWhere stories live. Discover now