Dinial ko agad ang number ni Angel gamit ang lumang simcard ko. Agad niyang sinagot. "Bakla! Andito ako, asan ka?"

"Bakla ka! Saan?!" Tanong niya, halata sa boses niya ang excitement.

"Dito sa Pilipinas, kagabi lang ako nakarating dito, magkita tayo!" excited kong tugon.

"Loka ka! Bakit hindi mo sinabi sa akin na babalik ka?!" Napangiti na lang ako sa tanong niya.

"Mahabang kwento, magkita na lang tayo, dito sa Katipunan. . . See ya," At saka ko ibinaba ang tawag.

Napangiti ako, I really missed that girl so much, but because my mind was corrupted by Andre. Nakalimutan ko kung paano mag-enjoy na sa wakas ay nakabalik na ako sa sarili kong bansa. It's not been very easy to adjust after what happened. That traumatic event that happened in london left a scar on me. Parang kahit saan ako magpunta, hindi ligtas. At isa pa, kailangan ko pang mahanap si Andre ng mag-isa. Sa sobrang hirap makipagsabayan sa buhay, pakiramdam ko pinaparusahan talaga ako ng langit.

Mahirap ding intindihin kung bakit dumidistansya si Andre. Sinabi niya sa akin na mananatili siyang updated sa akin. Pero bakit pakiramdam ko iniiwasan niya ako? O nag-aassume lang ako ulit? Napakahirap intindihin ng taong nagbibigay sa iyo ng pangako na hindi naman niya tutuparin. Nasasaktan ako, knowing that Andre has serious matters to solve, pero masakit din sa akin na hindi man lang niya ako maisipang kontakin. Hindi ganoon kahirap makipag-ugnayan sa isang tao sa pamamagitan ng telepono. Gusto ko lang malaman kung ano ang nangyayari sa kanya, dahil nag-aalala ako, at nami-miss ko siya.

Habang nawawala ako sa malalim na pag-iisip, may tumapik sa balikat ko. Tumingala ako at nakita ko si Angel na may ngiti sa labi. Agad akong tumayo at niyakap siya ng mahigpit.

"Namiss kita ng sobra, bakla!" Masayang sabi niya habang magkayakap kaming dalawa.

"Ako rin!" I snicked with a lopsided smile.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na luluwas ka?" Tanong ni Angel na nakanguso.

"Mahabang kwento kasi, pero dahil andito ka na, mas mabuting sabihin ko na sa iyo," umupo kaming dalawa.

Sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari sa london. Hindi siya makapaniwala sa nangyari na ang sarili kong ama ang nasa likod ng lahat ng karumal-dumal na gawaing iyon. Nakakatuwang tingnan kung ano ang magiging reaksyon niya sa tuwing may sasabihin ako na hindi inaasahan. Hindi pa rin nagbabago ang mga reaksyon ng mukha niya sa tuwing nagkukuwento ako, ganoon pa din, parang dati lang tuwing nagchichismisan kami noong highschool days.

Pagkatapos kong sabihin sa kanya ang nangyari. Sinabi ko rin sa kanya ang nangyari sa nanay ni Andre. Doon nagtaka si Angel at kumunot ang noo.

"Huh? Ano bang sinasabi mo? Pinahirapan ang nanay ni Andre?" Tanong ni Angel na nakakunot ang noo.

Marahan akong tumango. "Oo, iyon ang sinabi niya sa akin," sagot ko. "Pero hindi ako sigurado kung ano ang sumunod na nangyari, o kung totoo ba 'yon o hindi."

Inilagay ni Angel ang kamay n'ya sa kanyang ulo at bumuntong hininga. " Maxine, nagsinungaling siya, masigla at sumisipa nga ang nanay niya. Just a week ago, tumatakbo siya sa campaign election."

Nanlaki ang mata ko, para akong sinuntok sa tiyan sa narinig ko. Sinabi sa akin ni Andre na may problema ang kanyang ina? Pero bakit sinasabi sa akin ito ni Angel? Pero hindi magagawang magsisinungaling ni Andre. . . Unless may dahilan siya para iwan ako.

"Sigurado ka, Angel? Kasi nung umalis si Andre nagmamadali siya," curious kong tanong. Nagbabakasakaling hindi nagsasabi ng kalokohan si Angel. 

Umirap ang babae. "Mukha ba akong taong magsasabi ng kalokohan sa ganitong sitwasyon, Maxine? Syempre hindi! Halatang nagsisinungaling si Andre sayo!" Nakasimangot na sagot ni Angel. I guess nagsasabi talaga siya ng totoo.

"Pero bakit siya magsisinungaling sa akin?" I wonder, hindi siya basta-basta magsisinungaling at aalis ng ganoon dahil alam niya ang nangyayari sa akin.

"Maxine, minsan umaalis ang mga tao para tumakas mula sa problema ng isang tao, siguro ang laki ng problema mo kaya hindi ka na kinaya ni Andre...?" Seryosong sabi ni Angel. Napakunot ang noo ko, hindi si Andre ang tipo ng tao na tatakas sa problema ng iba. Lalo na't akong kong mahal niya ako.

Tumingin ako ng diretso sa mga mata ni Angel. "Hindi gagawa ng katangahan si Andre, Angel. Hindi mo siya kilala," bulalas ko.

Tumayo si Angel. "Sinasabi ko lang sa'yo, Maxine. Tignan mo ako, yung lalaking pinaniwalaan kong mahal ako, tumakbo dahil nabuntis niya ako, at alam mo iyon," Napalunok ako. Oo alam ko, pero si Andre ay hindi katulad ng lalaking iyon. May dahilan siya, at paniniwalaan ko iyon dahil ayokong tumalon sa clonclusion.

"Angel, hindi katulad ng typical na lalaki si Andre. Kaya naman patuloy ko pa rin siyang minahal hanggang ngayon. . . Alam mo kung gaano ko kamahal ang lalaking iyon, bago pa man tayo pumasok sa ganitong klase ng buhay," Mariin kong sabi na may maamong ngiti sa labi. 

Ang aking isip ay kasing lawak ng langit. Hindi ko hahayaang may sumira sa pananaw ko kay Andre. Kilala ko siya kaysa kanino man, at kilalang-kilala niya rin ako. Alam niyang mahahanap ko siya kahit saan man siya magpunta, at alam kong hindi siya tatakas nang walang dahilan. Pinaniwala ako ng lalaking iyon na mahal niya ako sa iba't ibang paraan. At kailangan niya iyong patunayan.

After the conversation with Angel, feeling ko malaki ang impact sa akin ng mga sinabi niya. Napagtanto ko na ang pagdura ng mga salita ay hindi gagawa ng paraan upang mahanap si Andre. Kaya kailangan kong mahanap agad ang lalaking iyon, dahil marami akong tanong sa kan'ya.

Napakahabang araw, at buong araw kong iniisip si Andre. Muntik ko nang makalimutan na kailangan kong bumalik sa hotel para kay mama. Kaya napagdesisyunan kong bumalik at baka ang mahabang pahinga ay magpapagaan ng pakiramdam ko.

Kahit nakabalik na ako dito, it's still feel the same as london. Pakiramdam ko hindi na ako magiging masaya, idagdag pa ang pag-uusap namin ni Angel. Well, hindi naging maayos ang usapan namin tulad ng dati. Before, we could talk without being serious. But now, it is necessary to reconsider the words that need to be released. A lot has really changed. Like the weather, so are the people.

"Are you still hoping na hindi nagsisinungaling si Andre, Maxine? O baka naman kaya tinakbuhan ka?" Tanong ni mama. Tiningnan ko siya ng may pagod sa mga mata at tumango.

Sinabi ko sa kanya ang sinabi sa akin ni Angel tungkol sa nanay ni Andre. At galit na galit si mama dito.

"Ma, siyempre I'm hoping na may rason talaga si Andre kung bakit siya umalis," pagkumbinsi ko sa kanya. Pero kahit ako mismo ay hindi makumbinsi. 

"Maxine. Nagsisisi ako sa pagtitiwala sa tatay mo, at ayokong maramdaman mo rin iyon," Nilagay ni Mama ang kamay sa balikat ko at tinignan ako sa maamong paraan.

"Ma, kilala ko si Andre. . . Hindi siya gagawa ng katangahan na makakasakit sa akin," pangungumbinsi ko pa rin sa sarili ko. Hindi makakatulong kung mag-iisip ako ng negatibo. May dahilan si Andre, sigurado ako.

"Anak, nakabalik na tayo sa bansang ito, sigurado akong magiging madali para sa iyo na mahanap siya. Pero, kung talagang iniwan ka niya. Magtatago siya mula sa iyo." Hindi man lang nakatulong ang sinabi ni mama. Iniisip ko na lang na walang silbi ang pagtalon sa konklusyon nang hindi nalalaman ang katotohanan.

Lost Love In Silence | College Series 1Onde histórias criam vida. Descubra agora