"Anong ginawa mo sa anak ko? Nasaan si Jarra ano bang kailangan mo sa aming mag-ina!" sigaw niya kay Jarred ngunit parang baliwala lang iyon sa dating kasintahan.

Lumabas naman mula sa loob ng bahay sina Nay Angela at Maric.

"Anong nangyayari dito Ella?" tanong pa ng matanda. Napasinghap pa ito ng makilala si Jarred. Kahit kailan ay hindi niya makakalimutan ang lalaking kumuha kay Jarra.

"Siya nga Ella ang kumuha kay Jarra. Kasama pa niya ang kaibigan niya," anito.

Napasinghap naman bigla si Maric. Nakita na niya ang mukhang iyon noong nakaraan sa palengke. Syempre hindi naman niya kilala kaya naman hindi na niya napagtuunan ng pansin.

"Nasaan si Jarra?" tanong naman ni Maric na ikinatingin ni Jarred sa mag-ina.

"I came here for Ella. Sa ayaw at gusto niya, sasama siya sa akin sa Maynila."

"Hindi ako pumamayag. At ano ang karapatan mong utusan akong sumama sayo. Wala na tayo Jarred at wala ng rason para bumalik ka pa dito. Ibalik mo sa akin ang anak ko. Wala kang karapatan sa kanya," galit na saad ni Ella na lalo lang nangpangisi kay Jarred.

"Hindi namin hahayaang isama mo si Ella. Matagal na kayong walang relasyon. Ano bang problema mo at ginugulo mo pa silang mag-ina?" tanong Maric habang nakatingin sa umiiyak na si Ella. Hawak pa rin ni Jarred ang palapulsusan nito. Ang isang kamay naman ni Ella ay pilit na inaalis ang pagkakahawak ng huli.

"Hijo, pakiusap huwag mo ng dagdagan ang paghihirap ng mag-ina. Kung ano man ang problema mo, bakit hindi mo solusyunan? Hindi iyang ginugulo mo pa ang buhay ng mag-ina. Ibalik mo na sa amin si Jarra," ani Nay Angela na ikinailing ni Jarred.

"Hindi ko magagawa ang hinihiling ninyo. Sasama sa akin si Ella sa ayaw at gusto niya o kahit pa kayo."

"Isusumbong kita sa mga pulis. Gusto mo bang mabulok sa kulungan?" banta pa ni Maric kaya lalo lang natawa si Jarred.

"Go on miss. I'm not scared. Make sure I'll be rot in jail sa gagawin mo. Hmm," sagot lang ni Jarred kaya lalong nainis si Ella.

Mabilis niyong kinalmot ang mukha ni Jarred kaya naman nabitawan siya ng binata. Lalo lang nilang nakita ang galit sa mata ni Jarred ng makalapit siya sa mag-ina.

"Fine! Ayaw mong sumama sa akin. I'll make your daughter to suffer," singhal ni Jarred ng mabilis nitong kinuha ang cellphone niya at may pinindot doon.

"Mama, mama," tawag sa kanyan ni Jarra. "Ayaw ko dito mama, ayaw ko po. Mama," umiiyak na saad ni Jarra habang paulit-ulit na tinatawag si Ella.

Para namang dinudurog ang puso ni Ella dahil na narinig niyang pag-iyak ni Jarra. Hindi niya alam ang ginagawa ni Jarred sa bata, pero sobra talaga siyang nag-aalala sa pagtangis ng anak niya.

Nakita pa niya ang pagngisi ni Jarred. Mabilis niya itong nilapitan. Sa pagkakataong iyon ay nagawa niyang pagsusuntukin ang lalaki sa may dibdib nito.

"Hayop ka Jarred! Wala kang awa. Hindi ka naman ganyan noon ah. Bakit Jarred? Anong ginawa mo sa anak ko? Pakiusap Jarred, huwag mo siyang saktan. Ang anak ko na lang ang meron ako. Jarred," napaupo na lang si Ella ng mapagod ito sa ginagawang pagsuntok kay Jarred, at doon mas lalong ibinuhos ang pag-iyak.

Iniwan naman ni Jarred si Ella sa pwesto nito at doon naman ito nilapitan ng mag-ina at pilit na inaalo.

Nakatingin lang si Jarred sa likuran ni Ella habang yumugugyog ang balikat nito. Hindi niya maintindihan ang sarili. Naaalala na naman niya ang munting Ella na nakilala niya noong thirteen years old pa lang ito. Ang Ella na mahina at walang kakayahang labanan ang sakit na nadarama ng mawala ang daddy nito.

Ibinaling ni Jarred ang paningin sa ibang direksyon. Hindi siya natutuwa sa bagay na kanyang nararamdaman ngayon. Ang nais lang niya ay maisama niya si Ella. Ang susunod niyang gawin ay bahala na, basta maisama niya ngayon si Ella sa Maynila.

"Ella," dinig niyang wika ng babaeng anak ng ginang. "Huwag kang sasama sa kanya. Baka mamaya ay kung ano ang gawim niyan sayo. Dapat masigurado nating nasa maayos na kalagayan si Jarra."

"Sisiguraduhin ko sayo miss na kung susunod lang si Ella sa lahat ng gusto ko at sa mga ipag-uutps ko sa kanya, magiging maayos ang kalagayan ni Jarra," sabat pa niya sa mga ito.

"Hijo, ano ba talagang gusto mong mangyari?"

"Labas po kayo nay dito at ang anak ninyo. Problema po namin ni Ella ito," napahugot naman ng hangin si Jarred matapos sagutin ng pabalang ang matanda. Hindi naman niya iyon gustong gawin. Ngunit kailangan. Kung hindi siya magmamatigas mukhang hindi niya maiisama si Ella.

"Isipin mo Ella ang anak mo. Kung talagang mahal mo pa ang anak mo. Sumama ka sa akin. Pero kung talagang wala namang halaga sa iyo si Jarra, katulad ng pagtatapon mo sa akin noong panahon na nagmamakaawa ako sayo ay wala na akong magagawa. Hindi mo na makikita pang muli ang anak mo. Binibigyan kita ng ilang minuto para mag-isip. Time is running out Ella. Have a right decision," ani pa ni Jarred na ikinailing na lang ng mag-ina.

Sa isip ni Maric ay gusto niyang kaluskusan ng balat ang ex na iyon ni Ella. Para magising sa katarantaduhang naiisip sa mag-ina. Kung pwede nga lang maging bayolente ay baka nakakuha na siya ng itak sa loob ng bahay at habulin itong dating kasintahan ni Ella. Ang lakas pa ng loob na magtungo sa kanila ng gabi na, tapos wala pang kasama.

"Don't go on with what's on my mind miss. It's harder to rub the bars than to just keep quiet," ani Jarred na ikinasinghap ni Maric. Mukha kasing nahuhulaan ng binata ang nasa isipan niya.

"Wag mong sasaktan ang anak ko Jarred, pakiusap. Sasama na ako sayo. Walang ibang mas mahalaga sa akin kundi ang anak ko. Kahit anong gawin mo sa akin kahit pahirapan mo pa ako. Pakiusap ibalik mo dito ang anak ko," pagmamakaawa ni Ella na ikinatango ni Jarred.

"Mabilis akong kausap. Sakay na."

"Ella, huwag kang basta na lang sasama sa kanya."

"Anak, hindi tayo nakakasiguro kung tutupad siya sa nais mo," pigil pa ng mag-ina.

Bigla namang may tumawag kay Jarred. Sinagot naman iyon ng binata at inilagay sa loudspeaker. "Mama, mama," umiiyak na namang sambit ni Jarra mula sa kabilang linya. "Mama," anito sa nagmamakaawang tinig na nagpaluhang muli kay Ella.

"J-Jarra," sambit ni Ella sa pangalan ng anak. Ngunit bago pa makapagsalita si Ella ay pinatay na ni Jarred ang tawag.

"That's enough sweetheart. Hop in the car," utos ni Jarred na wari mo ay hindi na pwedeng baliin.

Napatingin na lang si Nay Angela at Maric na wala na ring magawa. Hawak ng lalaki si Jarra. Kaya ano ang laban nila.

"Papaano ang mga gamit ni Ella," pahabol ni Maric.

"Hindi naman ako ganoong kasama. Sige na ihanda mo na ang mga gamit mo. Maghihintay ako ng thirty minutes. Lahat ng kailangan mo dapat madala mo na. Go," utos ni Jarred na mabilis hinigit ni Maric ang tulalang si Ella.

Kahit ayaw nilang payagan si Ella, wala na rin naman silang magagawa. Dahil kahit sino pa ang nasa katayuan ni Ella, Kung para sa anak ay kayang magsakripisyo. Huwag lang mapahamak ang pinaka importanteng tao sa buhay mo, lalo na kay Ella. Ang anak niya. Ang kanyang si Jarra.








In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now