"Gusto mo bang hindi na mahirapan ang mama mo?"

"Jarred!" sabay na sigaw ni Teo at Nald. Bigla kasi silang kinabahan sa sinabi ni Jarred. Alam nilang galit ito kay Ella. Pero hindi naman nila kayang hayaan na may madamay na inosenteng bata dahil lang sa galit nito.

"What!"

"Kung ano man iyang iniisip mo. Tigilan mo na. Jarred walang kasalanan sayo ang bata. Patahimikin mo na ang ang mag-ina. Hindi ka naman nila ginugulo. Ikaw ang gumugulo sa kanila. Maayos na ang buhay nila. Pero ikaw ang dumating at nanggulo. Ano iyang sinasabi mo? Hindi ka namin kukonsentihin dyan sa binabalak mo," ani Nald na halos mapasabunot pa sa buhok.

Nakatingin lang naman si Jarra sa dalawang lalaki na kanina naman ay natutulog tapos ngayon ay gising na.

"Jarred, huminahon ka. Oo galit ka pero wag ka namang ganyan sa bata," pakiusap pa ni Teo.

Muli namang ibinaling ni Jarred ang tingin kay Jarra. "Gusto mo na bang hindi mahirapan ang mama mo?" ulit na tanong ni Jarred na ikinatango ng umiiyak na si Jarra.

Halos padabog na umahon sa kama si Teo at Nald dahil sa inis na nararamdaman para kay Jarred. Ngunit bago pa nila mabuksan ang pintuan ay nagsalita na si Jarred.

"Sumama ka sa akin sa Maynila, ako ang gagawa ng paraan para makapagpagamot ka ng maayos. Alam kong malulungkot kang hindi mo kasama ang mama mo. Pero mawawala naman ang problema niya kasi pagbalik mo sa kanya magaling ka na. Mas magagaling ang doktor sa Maynila kaysa dito. Ano sa palagay mo?"

Laglag pangang napatingin naman ang dalawa kay Jarred. "Masyado na ba akong praning?/ Baka kahit ako masasabing kong nababaliw na rin ako," sabay na saad nina Teo at Nald na muling nagbalik sa kanya-kanyang kama.

"Akala ko lalabas na kayo?"

"Nagbago isip ko."

"Ako din. Pero tama siya Jarra, hindi na mag-aalala mama mo paggumaling ka na," sabat ni Nald.

"Totoo po? Paano po iyon kung wala naman po kaming pera. Hindi man po sinasabi ni mama pero alam ko po iyon."

"Magtiwala ka lang sa akin. Ako ng bahala sa iyo," ani Jarred. Totoo naman lahat ng sinasabi niya kay Jarra. Pero sa likod noon ang nais lang talaga niya mailayo kay Ella ang anak nito.

"Pero ayaw ko po sa ospital. Takot po ako pagtinutusok."

"Sasamahan kita at may mag-aalalaga sayo doon kaya naman wag ka ng mag-alala. Pag naging mabait ka, mas mabilis kang gagaling," napatango na lang si Jarra sa sinabing iyon ni Jarred.

Higit sa lahat ang mama lang talaga niya ang naiisip niya sa mga oras na iyon. Kung wala na siyang sakit hindi na iiyak palagi ang mama niya.

Hindi na sila nakatulog pang muli ng mga oras na iyon. Naghanda na lang sila ng pagkain para sa almusal. Matapos kumain ay humanda na rin sila para makapagbyahe na.

Napakamot pa ng ulo si Jarred ng hindi malaman kung paano ang pwesto ni Jarra. Oo nga at hindi naman ito malikot na bata. Pero sa liit nito. Nag-aalangan siyang basta lang ito hayaang maupo ng mag-isa.

"Ano ngayon may problema ka?" ani Teo habang natatawa kay Jarred.

"Sumama ka na lang kaya kay sa sermunan mo ako," ani Jarred na hindi malaman ang gagawin. Maayos naman ang plano niya. Bakit kasi nakalimutan niyang bata pa rin si Jarra.

"Ayaw ko, problema mo iyan kaya solusyunan mo," pagmamatigas pa ni Teo habang nasa likuran lang naman ng dalawa si Nald at buhat si Jarra.

"Ilang taon ka na Jarra?" hindi mapigilang tanong ni Nald sa bata na nagbubukas pa rin ng hawak nitong lychee. May hawak itong dalawang plastic. Ang isa ay lalagyan ng lychee at ang isa ay lalagyan ng balat.

"Mag five na po ako sa mga susunod pong mga buwan. Sabi po ni mama mga limang buwan pa daw po," napahagik pa si Jarra habang sinasabi ang bagay na iyon.

Napakunot noo naman si Nald sa sinabing iyon ng bata. Hindi kasi talaga ito halatang maglilimang taon na. Mas mabuting sabihin na nasa tatlong taon pa lang ito. Iyon nga lamang ay bakit napakagaling naman nitong makipag-usap kung tatlong taon lang talaga ito.

"Seryoso ka?"

"Yes po. Pero mas okay lang po na hindi iyon ang tingin ninyo. Alam ko po ang pakiramdam ni mama pag napag-uusapan ang edad ko. Kaya po sinasabi ko pong three pa lang po ako pag may nagtatanong at hindi alam ni mama. Umiiyak po kasi si mama, dahil kasalanan daw po niya kung bakit mabagal ang paglaki ko. Hindi ko po alam ang ibig sabihin noon. Ang alam ko lang po nasasaktan si mama tuwing may masasabi ang ibang tao sa amin. Lalo na po sa totoo lang, wala naman po akong papa. Tuwing tinatanong po ni Tita Maric si mama at ni Lola Angela. Natutulala na lang po si mama at basta na lang iiyak. Kaya hindi na po sila nagtatanong. Basta po secret lang po natin iyong mga sinabi ko po ha. Wag mo pong sasabihin kahit sa kanila. Nabigla lang po ako sa iyo. Sorry po," wika pa ni Jarra.

"Oo wala akong pagsasabihan, pangako," bulong ni Nald kay Jarra at hinalikan pa ang sentido ng bata.

Napatingin naman sila kay Jarred ng magsalita ito. "Kaya mo na Nald dito. Hindi ko pwedeng ibyahe si Jarra ng mag-isa. Magcommute ka muna, papunta sa site. Ipapahatid ko na lang dito ang kotse mo."

Napatango na lang si Nald ng kunin na ni Jarred si Jarra sa mga kamay niya. Nakita pa niya si Teo na ito ang nasa driver seat.

"Sige ako ng bahala. Kotse ko ha. Ipadala mo," bilin pa ni Nald. Sumakay na rin si Jarred sa back seat habang nasa tabi nito si Jarra.

Napatanaw na lang si Nald sa papalayong sasakyan. Hindi tuloy niya alam kung paniniwalaan ba niya ang sinasabi ni Jarra.

"Paano kung tama ang hinala namin ni Teo? Ano ang pinagdaanan ni Ella? Mababaliw na ako. Gusto kong malaman ang katotohanan pero paano. Ang gulo. Sariling buhay ko nga hindi ko pa maunawaan. Buhay pa ba ni Vergara ang isipin ko. Haist!" reklamo ni Nald sa sarili bago muling hinayon ang papasok sa hotel patungo sa kwartong inuukupa nila.



In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Where stories live. Discover now