"Ayos lang po mama, sabi po ni Tita Maric, maghahanap daw po ulit siya," napahagikhik pa si Jarra.

Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ni Ella. Ang kanyang anak talaga ang nagbibigay lakas sa kanya. Kaya naman gagawin talaga niya ang lahat para makahanap ng pera, para maipagamot ang anak.

Kinagabihan ay masayang-masaya si Jarra ng madaming dalang lychee si Maric.

Ang nangyari kay Ella ng araw na iyon ay inilihim na lang nila kay Maric para hindi na ito mag-alala pa.

Sa mga sumunod araw ay sumama na ulit si Ella kay Maric sa pagtitinda sa palengke. Medyo maayos na ang pakiramdam ni Jarra. Hindi na ito nilalagnat ulit at hindi na rin gaanong namumutla. Nasa oras din ang pag-inom nito ng gamot. Ang kailangan lang talaga niya ay makaipon ng sapat na halaga para masimulan ang chemotherapy ng anak. Hindi naman pwedeng iasa lang iyon sa gamot na iniinom nito ngayon. Dahil iyon ay pampabagal lang para hindi lumala ang sakit ni Ella.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Ella. Napalingon naman dito si Maric at kitang-kita ng dalaga pagod at stress sa mukha ni Ella.

"Ang lalim naman noon," biro pa ni Maric na kahit papaano ay nagpangiti kay Ella.

Wala namang namimili sa mga oras na iyon,  kaya naman nakakapagpahinga silang dalawa. Habang nakaupo sa pwesto nila.

"Hindi ko alam Maric kung ano ng gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ganoong kalaking halaga. Pakiramdam ko wala talaga akong silbing ina," malungkot na saad ni Ella. Pero hindi niya magawang iiyak ang bagay na iyon. Mas nasasaktan siya sa sitwasyon ng kanyang anak. Hindi sa buhay niyang sa tingin niya ay wala namang halaga. Kung hindi lang talaga dahil kay Jarra.

"Ella naman. Ang drama mo. Paano ka mawawalan ng silbi, syempre kahit mahal namin ng inay si Jarra, wala pa ring ibang mas mahalaga kay Jarra kung ikaw na kanyang ina. Kaya wag kang mag-isip ng ganyan. Makakahanap din tayo ng pera. What if ibenta natin iyong singsing na matagal ko ng tinatago?"

Napakunot noo naman si Ella sa sinabing iyon ni Maric? "Anong singsing?"

"Ganito kasi iyon. Siguro ay nasa ten or eleven years na sa akin iyon. Ang tagal na di ba? Dati kasi nagtungo kami ng inay sa Maynila, hindi ko maalala ang dahilan. Basta parang fiesta iyon, madami kasing tao. Tapos hindi naman ako pwedeng makasama sa inay dahil madami ngang tao di baka mawala pa ako. Kaya naman iniwan na lang ako ng inay sa isang kakilala na nagtitinda noon sa may parke. Syempre Maynila iyon at madaming makikita ka doon na wala dito kaya nagpaiwan ako. Hanggang sa makakita ako ng magandang ayos ng mga bulaklak sa gitna ng parke. Na curios ako. Tapos may nakita akong lalaki na nakaluhod sa harap ng magandang babae. Sa edad ko noon wala akong alam sa bagay na iyan. Ngayon ko naisip na nagpo-propose iyong lalaki. Kaso tinanggihan ng babae iyong proposal ng lalaki, at iniwan ito ng babae. Tapos sa sobrang sama yata ng loob ng lalaki itatapon yata sa basurahan sa tabi ko iyong singsing. Kaso ibinigay sa akin at iniwan na ako. So ayon end of the story. May singsing nga pala ako, baka mamahalin iyon." masayang saad ni Maric ng maalala ni Ella ang singsing na bigay ni Jarred.

Nang itapon ni Jarred ang singsing na ibinalik niya dito, ay pinilit niyang hanapin iyon sa mga natapong basura kaya naman hanggang ngayon nasa kanya pa.

"What if ibenta ko ito Maric?"

Kinuha ni Ella ang dalawang singsing sa kanyang maliit na pitaka. Alam niyang wala ng halaga iyon kay Jarred. Pero ang halaga noon sa ngayon ay napakahalaga. Hindi man sapat ang halaga noon para maipagamot si Ella ay malaking tulong iyon para sa anak niya.

"Saan galing yan Ella?" inabot ni Maric ang dalawang singsing. "Ella Shelley Vergara? Iyon ang pangalan mo?" hindi makapaniwalang saad ni Maric ng makita ang pangalang naka-engrave sa isang singsing.

In Love With The Sinner (Sinner Series 01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon