Kabanata 11 : Fuego Ridge

19 4 0
                                    

Ayon sa nakakita sa tatlong turistang biktima, naglakad daw ang mga ito sa trail na patungo sa bulkang Fuego. Mula sa Base Camp ay umalis ang mga ito upang ipagpatuloy ang pagha-hike sa katabing bulkan. Binigyan sila ng babala ng tagapamahala na bukas na lamang ituloy ang binabalak ngunit sa kasawiang palad ay itinuloy ng mga ito ang nagustuhan. Nais ng mga ito na makitang malapitan ang paglabas ng lava sa gabi.

Bandang tanghali nang binaybay nila Mattia ang Fuego trail. Nakatulong ang makakapal na ulap upang matakpan ang init na nagmumula sa araw. Gayunpaman ay damang-dama pa rin nila ang pagtulo ng mga pawis sa mukha.  Madulas at matirik din ang daan na pinuntahan, mabuti na lamang at may dala silang mga trekking poles.

Bandang alas-kuwatro ng hapon nang makatunton sila sa Fuego Ridge. Sa kasamaang palad ay wala silang nakitang kakaiba sa dinaanang trail. Wala silang napala sa pagtungo roon kundi ang mag-sight seeing sa malapitang pagbuga ng usok nito.

Binilinan sila ni Señor Gonzales na bumalik na muli sa private cabin dahil baka abutan sila ng gabi sa daan. Matamlay na naglakad sila pabalik na walang nakuhang kahit ano.

"I already told you that you won't gain anything from it. The police have also been around here but they didn't find anything." Nangunguna sa harap nila si Señor Gonzales.

"We just wanted to ensure. It's preferable that we took action rather than doing nothing," tugon naman ni Caiden.

"Well, we need to hurry, its late," pansin ng señor.

Naging tahimik ang grupo habang iniilawan nila ang madilim na daan gamit ang mga headlamp at flashlight. Si Mattia ang nahuhuli sa pangkat at madalas ay lumingalinga sa paligid na para bang may hinahanap. Napansin ni Rainzel na hindi siya mapakali sa likod ngunit hindi naman nagtanong ang dalaga.

Tanging kaluskos ng mga paa nila ang maririnig sa paligid. Nauulinigan din ni Mattia ang mga kulisap at ingay na nagmumula sa nilalakarang gubat.

Napabuntong-hininga siya nang malalim bago makarinig ng isang huni kasabay niyon ay ang pagdaan ng pamilyar na presensya. Natigilan siya sa paglalakad at lumingon sa likod. Hindi siya nagkamali, may isang black cadejo na nakasunod sa kanila. Kitang-kita niya ang pulang mga mata nito na kumikislap sa kadiliman.

Luminga si Mattia sa mga kasamahang nangunguna. Nagpapatuloy ang mga ito sa paglalakad at hindi napansin ang nakikita niya. Bumalik ang balitataw niya sa nilalang ngunit hindi niya inaasahan na maglalaho ito agad. Napapikit-pikit si Mattia upang malaman kung nagmalik-mata lamang siya. Pero nararamdaman niyang naroon pa rin ang presensya ng cadejo at mukhang niyayaya siyang sumunod.

Ilang segundo pang pagtutumpik-tumpik ay nakapagdesisyon muli siyang lumakad nang nag-iisa. Sinunod niya ang sariling instinct.

***

Si Rainzel ang unang nakapansin na hindi sumusunod si Mattia sa likod niya. Natigilan agad siya sa paglalakad at natatarantang bumaling sa coach. "Si Mattia!"

Napatingin sa kaniya ang dalawang lalaki sa unahan at napahinto rin sa paglalakad.

"Nawawala na naman siya. Hanapin po natin siya!"

Walang emosyon na hindi tumugon si Caiden, samantalang nag-alala si Gonzales. "Where did he go?" anito.

"I-I think he goes back there!" Tinuro niya ang nasa likod.

"Damn, that kid! Let's follow him, " akmang kikilos si Señor Gonzales at pupunta sa itinuro ni Rainzel ngunit pinigil siya ni Caiden. Ipinatong nito ang kamay sa balikat ng lalaki.

"We can't do that," seryosong sabi ng coach na umiling. Nagtataka na napanganga naman si Gonzales.

"Wa-What?" — si Rainzel. Hindi rin siya makapaniwala sa narinig.

Adrenaline Junkies: El CadejoWhere stories live. Discover now