Kabanata 3: Rain in Anchorage

28 4 2
                                    

Napanganga si Mattia nang masulyapan ang bintana ng eroplano dahil sa labis na paghanga

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napanganga si Mattia nang masulyapan ang bintana ng eroplano dahil sa labis na paghanga. Sa ibaba ay kitang-kita ang mga bundok na nababalutan ng puting nuwebe.

"Some people paid a lot of money just to see these white mountains. Sa mga pictures ko lang 'to nakikita, ngayon abot kamay ko na," wika niya sa katabing babae, nahihiyang nagbawi naman ito ng tingin dahil nagtama ang linya ng mga mata nila.

"I can't tell we're different at all. Nagbayad at sumakay rin tayo rito pero napakapalad natin na nakita natin 'to," tugon ng dalaga at pagkatapos, hindi na naman kumibo,

Bumalik ang tingin niya sa labas ng bintana, nakalagpas na pala sila sa bulunbundukin at malapit nang maglanding. Habang pababa na ang eroplano ay napansin ni Mattia ang malaking usok na nagmumula sa labas. "Ano 'yon?"

"Wildfire." Si Coach Caiden ang sumagot sa kaniya.

"Huh?"

"Common lang ang wildfire smoke sa bansang 'to. Huwag kang mag-alala."

Hindi na siya nag-usisa pa, dumiretso ang tingin niya sa harap at naramdaman ang impact ng pagbaba nila. Inaamin ni Mattia, pakiramdam niya ay masusuka siya, hindi pa talaga siya sanay sumakay sa eroplano.

Maya-maya pa ay nakalapag na rin ang sasakayang himpapawid at nakita niyang nagsitayuan nang paisa-isa ang mga pasahero. Si Coach Caiden ang unang tumayo sa kanila. "Let's go. Follow my lead."

***

Nang makatapak siya sa ibang lupain, hindi mailarawan ni Mattia ang nadarama niyang kasabikan. Kaagad niyang inilibot ang paningin sa malawak na kapaligiran ng Anchorage International Airport. Pansamantala silang mananatili rito sa Alaska. Humahanga siya sa kutis at tangkad ng mga dayuhang nakikita. Sa Pilipinas ay matangkad ang tingin sa kaniya ng karamihan ngunit dito ay nagmukha lamang siyang average height. At kahit nakasuot ng jacket ay nararamdaman pa rin niya ang lamig ng klima.

Naputol ang kaniyang pag-iisip nang tapikin siya ni Coach Caiden sa likod. Luminga siya rito at itinuro agad ng lalaki ang isang parte ng lugar.

"Sa Baggage Claim muna tayo, pagkatapos sasakay tayo ng shuttle bus papunta sa South Terminal. We have 11 hours of layover kaya maghahanap muna tayo ng hotel. Pansamantalang mananatili roon bago tayo sumakay muli ng eroplano bukas papunta ng Guatemala," paliwanag sa kanila ng lalaki.

Parehong bumagsak ang balikat ng dalawang kabataan. Naalala nilang malayo pa ang kanilang lalakbayin. Isang eroplano at isang buong araw pa ang lilipas.

***

Pagkatapos makuha ang mga gamit ay dumiretso muna sila sa ATM. Tinuruan sila ni Coach Caiden kung paano gumamit ng debit card visa. Ang Debit Card Visa na ito ay ibinibigay ng HEAP sa mga paranormal experts na may international mission, upang hindi na sila mahirapan pang makipagpalit ng pera. First time din ni Mattia na makahawak ng American Dollars.

Adrenaline Junkies: El CadejoWhere stories live. Discover now