Kabanata 7 : Hiking Trail Entrance

28 4 0
                                    

Matapos makapamili ng mga kagamitan sa pinakamalapit na pamilihan ay dumiretso na sila sa nadaanang hotel upang magpahinga nang kaunti. Bandang hapon nang tawagan muli ni Coach Caiden si Señor Gonzales upang ihatid sila sa hiking trail entrance ng Acatenango. Umambon nang kaunti nang naghintay sila sa labas ng hotel. Inilabas ni Rainzel ang kaniyang payong at sumilong na lamang sa kaniya ang dalawang lalaki.

"Hindi ba tayo mahihirapan na umakyat sa bulkan sa ganitong klima?" nag-aalalang tanong ng dalaga.

"Mahihirapan pero wala namang madali," tugon ni Mattia.

"Ang advantage lamang natin kapag rainy season ay siguradong kaunti lamang ang mga taong aakyat sa bulkan. Hindi tayo mahihirapan na kumilos. Isa pa kasama natin si Gonzales, nagtratrabaho siya sa tour agency at ilang beses na rin nakapag-hike sa bulkan. Kaya siguradong hindi tayo maliligaw." — si Coach Caiden.

"Posible kayang umakyat ang mga biktima na wala silang kasamang tour guide?" hinuha ni Mattia.

"Hindi posible. Iyon talaga ang ginawa nila at napakadelikado. Naka-private tour tayo kaya wala tayong makakasamang ibang tao sa biyahe. Dahil kapag may makasama tayong ibang hiking group siguradong mahihirapan tayong kumilos. Tandaan ninyo, sikreto ang bawat misyon. Hindi dapat pinapaalam sa kahit kanino na nandito tayo para mag-imbestiga. Sa ganitong paraan, hindi tayo mamomoblema sa mga chismosa," bilin pa sa kanila ng coach.

Maya-maya pa at dumating na rin ang hinihintay nila. Huminto ang kulay asul na van sa harap nila. Nagbusina muna si Señor Gonzales bilang pagsenyales bago ibinaba ang bintana ng kotse. Sinenyasan sila nito na pumasok na sa loob.

Nagpatuloy sila sa tahimik na biyahe. Pansamantalang naaliw si Mattia sa kagandahan ng tanawin sa labas habang nakapalumbaba sa bintana. Mula roon ay kitang-kita ang bulkan na pupuntahan.

"How many times have you gone to the top of Acatenango?" Inusisa naman ni Coach Caiden ang informant.

Nakabaling ang mga mata ni Gonzales sa pagmamaneho nang sumagot sa coach. "I lost count. But people don't hike at Acatenango because of the volcano itself. They want to see El Fuego, it is the volcano beside the Acatenango. It is the most active volcano in the world, it releases smoke from time to time."

"Really?" Nakuha nito ang interest ni Mattia, napakislot siya sa upuan. "I wanna witness that myself."

"You will." Saglit na luminga ang lalaki at ngumiti sa binatilyo. "They believe that the volcanoes are El Cadejo's territory because they guard it from humans."

Naalala ni Mattia ang tinuro sa kaniya ni Chubs bilang cryptozoologist. Ayon sa kaibigan, lahat ng nilalang sa mundo ay may teritoryo, may mga lugar silang tinatawag nilang tahanan na nais din nilang protektahan. "Have you ever seen El Cadejo?"

"Yes. You see, I have witnessed them, thus I believe in them."

"How?" untag ni Rainzel.

"Back then, I headed alone on my way home from base camp. I admit that I was drunk and didn't realize I was on the wrong path. I briefly stopped by the side of a tree and saw a black Cadejo with red eyes staring directly at me..." Luminga sa kanila ang ginoo at bahagyang ngumiti na tila ba nagbibiro. "But I'm lucky that I got away quickly."

"Oh..." iyon lamang ang tugon ng dalagita.

"We're almost there at Aldea La Soledad," pagbabago nito ng usapan at binalik ang paningin sa unahan.

Hindi naging madali ang pag-akyat ng sasakyan nila sa pataas na kalye. Kasabay ng pagtahimik nila ay ang pananalangin sa isip na nawa'y maging ligtas ang kanilang misyon.

***

Huminto sila sa Parking lot ng Aldea La Soledad. Isang maliit na pamayanan na nakatira sa ilalim ng bulkan. Pagbaba nila sa sasakyan ay muli silang humanga sa kagandahan ng lugar. Saan man sila tumingin ay kulay berde ang kanilang nakikita dahil sa mayabong na mga halaman at puno.

Ngunit sa kabila ng paraisong nakikita, napagtanto rin nina Mattia at Rainzel ang kahirapan ng buhay sa bansang nilalakaran. Katulad ng Pilipinas, naghihikahos din ang mga tao rito. Nakita nila ang pamumuhay ng mga simpleng mamamayan na nakatira sa lupain doon. Nagsusumikap silang lahat na makakita ng salapi upang may maihain lang sa pang-araw-araw na gastusin.

Naputol ang malalim nilang pag-iisip nang bumaba na rin si Señor Gonzales sa sasakyan at isinara ang pinto. Nasa likod ng lalaki si Coach Caiden.

"This is the place as far as the vehicle goes. Our hike will start from here. Are you ready?"

Tumango sila sa tanong nito.

"Kunin natin ang mga gamit sa likod ng sasakyan," bilin naman sa kanila ng Coach.

Nagsimula na silang mag-impake ng mga dadalhin. Nagsuot sila ng mga makakapal na jacket, hiking boots, compass at headlamp. Bitbit nila ang kaniya-kaniyang bagpack na naglalaman ng sleeping bag, first aid, flashlight, tubig, pagkain, bug spray, mapa at kutsilyo.

Bumili na lamang sila ng trekking poles sa mga nagtitindang mamamayan doon. At habang bumibili'y pinagpatuloy na nilang kausapin ang mga ito hinggil sa tatlong turistang nawala kamakailan.

"Yes, just be careful since there's a Cadejo scrolling up there every night," wika ng isang nagtitinda sa putol-putol na English. "If you encounter one, don't talk to them or they will make you insane."

Habang nakikipag-usap si Coach Caiden sa mga ito ay napadako ang tingin ni Mattia sa hindi kalayuan. Tanaw niya roon ang isang itim na jeep gladiator. May apat na lalaking nagkukumpulan sa likod ng sasakyan, malakas na nag-uusap at nagtatawanan. Napansin di niyang nag-iinuman pa ang mga ito at naninigarilyo. Hindi lamang niya sigurado kung ano ang hinihithit ng grupo. Inaamin niyang nakakairita ang ingay na nagmumula roon sapagkat ang mga iyon lamang ang bumubulabog sa kapayapaan ng paligid.

Natigilan ang isang lalaki na kulot ang buhok sa pagtungga ng alak nang mapansin ang mapanuri niyang tingin. Iniwas niya agad ang balitataw at ipinaling ang direksyon ng paningin sa kasamang informant.

"I thought there were no tourists today?" bulong niya kay Señor Gonzales.

"Don't look at them, ignore them and pretend you don't see them," simpleng tugon nito. Ni hindi man lamang ito tumingin sa kaniya at sa grupong tinukoy.

"Why?" kumunot ang noo ni Mattia dahil sa pagtataka.

"Just don't, Mattia. Let's go," anito at nauna nang tumalikod.

"Ano ba 'yon?" Naguguluhan pa rin ang binata na bumaling naman sa kay Rainzel.

"Sa tingin ko, mga gang members ang mga 'yon," hinuha ni Rainzel.

"Ha?"

"Pinag-iingat lang tayo ni Señor. Mahirap kalaban ang mga gang sa bansang ito. Katulad ng sinabi sa atin ni Coach kahapon, kahit mga drivers ng chicken bus, pinapaltos nila."

Hindi na tumugon pa si Mattia. Tinikom na lamang niya ang bibig sapagkat hindi rin naman niya alam kung anong sasabihin.

Maya-maya pa ay natapos na sa pagkausap si Coach Caiden sa mga nagtitinda ng trekking poles. Sumunod na sila kay Señor Gonzales na nauna nang maglakad sa bungad ng hiking trail.

***

Adrenaline Junkies: El CadejoWhere stories live. Discover now