Chapter 13

1.7K 27 7
                                    

Chapter 13

"Do you have an extra shirt?" Eira ask soon as I sat beside her. Uminom siya ng tubig, halatang kakatapos niya lang mag-warm up.

Nilagay ko ang bag sa gilid ng bench. "Meron,"

I wear a sports bra, hindi naka-insert ang oversized shirt ko sa cycling para komportable.

"I have an extra jersey baka gusto mo?"

"Okay lang? Thank you!"

Kumuha siya ng jersey sa green bag na nasa gilid niya. Ito na lang susuotin ko for practice. Ang akin kasi sa competition ko pa gagamitin. Ilang sandali pa dumating na si Ches bitbit ang malaking bag. Namimilipit ata siya sa sakit, nakahawak siya sa likod niya na para bang matanda.

Kumunot ang noo ko, bakit hirap siyang maglakad?

"What happened?" Kinuha ni Eira ang bag niya at inalalayan siya.

"Masakit likod ko, na-dislocate ata." 

"May practice. . . masakit ba talaga?" Concern na tanong ko. Mabilis siyang umiling at umayos ng tayo.

"Hindi, pero masakit. Konti lang, makakapaglaro pa naman ako." She smiled as an assurance. 

Guess she's pretty determined to play.

"Ano ba pinaggagawa mo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Eira matapos ilagay ang bag ni Ches sa tabi ng kaniya.

"Oo nga?" Tumalikod si Ches at pinakita kung saan banda ang masakit, nasa ibabaw pala ng butt niya ang namimilipit.

"May nakita kasi ako sa tiktok, tinuro niya paano mag-twerk. Ang sabi ang butt daw ang iangat. E sa gusto kong matuto para i-sexy dance ko future husband ko," napangiwi ako. "Kaya sinubukan ko pero hindi ko makuha, ilang oras akong sumubok pero hindi talaga."

"Ay ang tanga mo pala," I shook, Eira laughed then she sat beside me. "Patingin ng twerk mo."

Ginawa naman ni Ches ang sinabi ko. Jusko! Para siyang tanga! Nag-bend siya at humawak sa hita, bawat subok niya hindi lang butt ang umaangat, pati na rin ang ulo niya. 

"Ang laswa tanga!" I laughed. "Para kang may kinakaldag!" 

Ang gaga parang aso na gustong lumipad!

Napahilot si Eira sa sintido nang lumingon sa 'min ang ibang players dahil sa pinaggagawa ni Ches.

"You look like an artificial robot with an error." 

Umiling si Eira at tumabi sa kaniya. Umayos na ng tayo si Ches, nahiya ata sa ginawa, pero laking gulat ko nang tarayan niya ang mga nakatingin sa kaniya dahilan para umiwas sila.

"Ikaw marunong ka ba?" She asked Eira.

"Yes, ang simple lang 'di mo makuha." Lumapit siya lalo kay Ches. Sa harapan ko sila pumwesto. 

Malakas ang kumpyansa na pumorma siya, 'yung dalawa niyang kamay ay nasa magkabilang hita. Napailing ako sa kahihiyan nang i-move niya ang likod imbes na ang butt.

"Tanga! Otso-otso 'yan!" Natawa si Ches.

Bakit ba kasi gusto nilang mag-twerk?! Ang dami kayang tao sa paligid!

Halata sa mga ka-grupo namin ang excitement, habang ang iba ay makikita ang pagod. Hindi ko sila masisisi, balita ko kahit may event may subs pa rin sila na may seat works na pinapagawa. 

Nasaan ang hustisya?

"Ikaw Jin marunong ka?" Balin nila sa 'kin matapos magbangayan.

"Hindi," bagsak ang balikat na lumapit sila. Baka magmukha akong tanga 'no!

Temporary (Amorist Series #2)Where stories live. Discover now