Kahit mainit na kanin at mga hiniwang prutas pa lang ang nasa lamesa ay malakas ang kutob ni Keira na masarap ang ulam dahil amoy na amoy iyon pagkababa niya pa lang ng hagdan kanina.

"Mabuti naman po at nagustuhan n'yo, ma'am. Salamat po! Sige po, tulungan ko lang po si ser maghanda ng hapag. Sandali na lang po ito," paalam nito bago umalis.

Sakto namang bumalik si Ethan na may dalang tray na naglalaman ng isang basong gatas at tatlong puting botelya ng vitamins at supplements niya.

"I got your maternity milk and vitamins from your luggage earlier. Ipinalipat ko na rin kay manang kanina ang mga damit mo sa closet para hindi ka na rin mahirapang kumuha sa maleta mo. Baka maipit si baby sa tuwing yuyuko ka. I hope you don't mind," ani Ethan saka inilapag ang baso ng gatas sa kanang itaas ng placemat.

Ang mga vitamin at supplement niya naman ay inilagay nito sa bakanteng espasyong madali niyang maabot.

Napansin nga ni Keira kanina ang sinabi ni Ethan noong kumuha siya ng damit. Mabuti na lang at nag-check siya ng closet at nakitang naroon na ang mga damit nila ng kaniyang asawa.

A warm hand touched her heart. Masyadong concern ni Ethan sa kaniya at sa magiging baby nila. She chuckled.

"Maliit pa si baby. Hindi pa siya maiipit 'pag yumuko ako, but I really appreciate your kind thought and action. Thank you, Ethan."

Ngumiti ito at tumango bago naupo sa kabisera ng hapag.

"Anything for you and our baby."

Si Manang Weng na ang naghatid ng mga ulam habang si Ethan ulit ang naghain sa plato niya ng mga pagkain. Inaya pa ni Keira ang katiwalang sumalo sa kaniya ngunit nahihiya itong tumanggi, ayaw makaabala sa bagong kasal.

The two of them eat happily. Sinigurado ni Ethan na mauubos ni Keira ang gatas at maiinom niya ang mga vitamin at supplement bago sila umalis sa dining room.

"Do you want to stroll around the island? Puwede rin tayong mag-swimming kung gusto mo. Hindi pa naman gan'on kasakit sa balat ang sikat ng araw."

True enough, it was past seven in the morning. Akala niya kanina ay alas otso na nang magising siya dahil sa taas ng sinag ng araw ngunit alas sais pa lang pala iyon. Mabagal tumakbo ang oras sa isla.

Tamang-tama ang pag-aaya ni Ethan dahil gusto niya ring maligo sa dagat. Tila nagningning ang kaniyang mga mata nang lingunin ang asawa.

"Sure!" tumatangong aniya. "Bihis muna tayo tapos kuha ng kaunting gamit. I wanna tour the island, too. Balik na lang tayo before lunch."

Naaaliw siyang tinitigan ni Ethan bago ito nangingiting tumango.

"Sige. Let's go?" naglahad ito ng palad sa kamay ni Keira.

She accepted his hand and held it. Hawak-kamay silang umakyat sa kuwarto para gumayak.

Hindi na nagpalit ng dress si Keira ngunit nagsuot na lang siya ng kulay cerulean two-piece swimsuit sa ilalim niyon. She wore her beach hat and sunglasses, too. Inilagay niya ang mga kakailanganin nilang gamit ni Ethan sa transparent beach bag na kaniyang dala. Naroon ang towels, wallets, phones, sunscreen, hair clamp niya, maliit na first aid kit, at mga pamalit nilang damit mamaya.

"Para kang si Mommy. Kumpleto rin maghanda ng mga gamit. Are all women like that?" ani Ethan na nakasandal sa hamba ng sliding door habang nakahalukipkip at pinagmamasdan siya.

He was wearing matching blue board shorts and a white fitted shirt. Keira could see how ripped Ethan's body from that sinfully thin and fitted shirt. His hair was unruly, but it looked good on him. Sa gitna ng neckline ng suot na shirt ay nakasabit ang sunglasses nito.

Testing the WatersWhere stories live. Discover now