Special Chapter 1

Start from the beginning
                                    

"BABY!" Tawag niya sa mga bata. Nagsitakbuhan naman sila upang salubongin ang ina. "Hephephep! Bawal pang magbuhat ang Mommy dahil may sugat pa alo sa tyan." Sabi ni Nica kaya napahinto ang apat.

Inangat naman ni Ice ang kaniyang damit upang makita ang sugat nito. "Mommy! Gusto ko pong mag doktor para gagamotin ko po kayo kapag nagkasugat kayo po." Inosenteng sabi ni Ice.

Napangiti naman si Nica dahil sa sinabi ng anak. "Aasahan ko 'yan ha." Sabi niya at tumango naman ng paulit-ulit si Ice.

"Ako, Mhie! Gusto ko maging si Uncle Kevin at ma protektahan ko po kayo paglaki ko." Proud na proud niyang sabi. Ginulo naman ni Nica ang kanilang buhok at ngumiti.

"Hihintayin ko ang araw na iyan." Sabi niya bago niyakap ang kambal.

Lumapit naman si Area at Alistair sa akin at niyakap ako. "I'm home." Sabi ko.

"Welcome back, Dad." Sabi nilang dalawa. Niyakap ko sila pa balik. "Good job for looking at your siblings, Alistair." Sabi ko.

"Sabi ko naman kasi Dad na maasahan niyo ako sa bagay na iyan." Sabi niya. Hinalikan naman ni Nicholas ang noo ng dalawa dahilan upang yakapin siya ng mgaa ito ng sobrang higpit. Natawa nalang niya dahil sa sobrang higpit noon.

____________________

"HAPPY ANNIVERSARY MAHAL KO!" Bati ko kay Nica at biglang umilaw ang napakadilim na langit dahil sa fireworks na ang mga anak namin ang nakaisip.

Nasa tabing dagat kami ngayon dahil naka outing kami at naisipan ng mga kambal na dito kami mag anniversary ng Mommy nila.

"Happy anniversary, Nico." Sabi nito sa akin at hinalikan ako sa labi.

Nagsigawan naman ang lahat sa unahan. Buhat buhat ni Kevin si Ice at buhat naman ni Alistair si Ace.

"Hindi parin talaga ako makapaniwalang pinakasalan mo ako, mahal ko." Seryosong sabi ko kaya naman natawa si Nica.

"Kita mo 'to?" Natatawang sabi niya sabay angat ng wedding ring na suot niya. "Umiyak ka pa nga sa simbahan habang sinusuot ito." At tuloyan na kaming natawa dahil sa kaniyang sinabi. Nakakabakla iyon ngunit hindi ako nagsisising umiyak ako sa dagat na tao ng araw na iyon. Gusto kong makita nila kung gaano ko kamahal ang babaeng 'to.

"MOMMY!! DADDYY!!" Sigaw ng mga anak ko.

"Tara na at tinatawag na tayo." Tumango naman si Nica at hinawakan ako sa kamay.

"Mamaya na kita ikakama." Bulong ko sa kaniya. Kita ko kung paano siyang natigilan at nagsitaasan ang mga balahibo nito sa katawa. Dinilaan ko pa ang kaniyang tenga.

"NICO ANO BA!" kunwaring inis na sabi niya dahilan para matawa ako.

"Later." Sabi ko at siniil siyang muli ng halik
bago kami naglakad pabalik sa kanila.

"Tara na, Dhie! Nagugutom na ako!" Maarteng sabi ni Area na ikinatawa ko.

"Oo nga, Dad. Mamaya niyo na ipagpatuloy 'yan." Sabi ni Alistair.

"Kumain muna tayo upang may lakas ang Mommy at Daddy niyo mamaya." Natawa naman ako ng kay bilis ang paglingon ni Nica kay Tres.

"Yung bibig mo—"

"Bakit saan kayo mamaya, Mhie?" Putol ni Area kay Nica. "Swimming kayo? Sama ak—"

"Matutulog tayo ng maaga. Wag kang KJ, Area." Ngumuso naman si Area dahil sa sinabi ni Alistair. Patago akong natawa dahil sa nahulaan niya ang sinabi ni Tres kanina. Manang mana sakin!

"Wag ka ng malungkot d'yan. 5:30am sasamahan kitang maligo sa dagat at panonoorin natin ang pagsikat ng araw!" Sabi ni Alistair na ikinangiti ng kapatid.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIIWhere stories live. Discover now