Chapter 38: Demonic International School

483 8 0
                                    

Chapter 38: Demonic
International School


Kevin's POV

Nang makarating kami ng Demonic International School ay agad kaming bumaba ni Blake sa kotse at inalalayan ko naman si Erica na makababa.

Hawak ni Erica ang kamay namin ni Blake ng pumasok kami ng DIS. "Natatakot ako." Sabi niya.

"Wag. Wala kang dapat katakotan rito, ikaw ang maghahari rito." Sabi ni Blake na agad kung binatokan.

"Hindi siya kagaya ni Veronica!" Saway ko at napakamot naman siya ng kaniyang noo.

Nagpatuloy uli kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa Admin office.

"Good Morning, Kevin, Blake," Bati ni Zoey na ngayo'y nagpapatakbo ng iskwelahan. "Hello, young lady." Sabi niya at nilingon si Erica at yumuko rito.

Gulat naman si Erica dahil sa ginawa ni Zoey. "Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Tanong ni Zoey samin.

"We need to transfer Erica here in this school. It's too dangerous for her outside." I said at tumango naman siya.

"She will be safe in here. I won't let them touch her." Zoey said at tumango naman ako.

"Here, ito lahat ng papeles niya." Sabi ko sabay abot ng lahat ng papeles na nakuha ko kahapon sa dating school ni Erica.


"Okay. Here's her new schedules and her classroom." Sabi ni Zoey sabay abot sa akin ng isang ⅛ sized na bondpaper at nakalagay doon ang lahat ng schedule niya at sa toktok n'on ay ang kaniyang printed na pangalan at section.


Erica Marie Sarmiento
4th Grader Nephrite



Nakalagay din doon kung anong building, floor at room kaya madali lang namin siyang maihahatid ni Blake.


"Magpapakabait ka rito, Erica." Sabi ko kay Erica ng marating namin ang kaniyang classroom. Wala pa namang guro kaya okay lang.


"Opo, Kuya Kevin." Sabi niya at ginulo ko lang ang buhok niya.

"Ikaw na ang bahala rito, Blake." Sabi ko at tumango naman si Blake at umalis na ako.


Pagkabalik ko ng mansyon ay natagpuan ko silang apat sa living room kasama ang dalawang leon ni Angela. "Kev, pwede ba akong maligo ng pool? May nakita akong pool sa labas eh." Sabi niya.


Nilingon ko naman ang tatlong nasa gilid nito at napabuntong hininga. Hindi niya nga pala alam na Doctor din itong si Thunder.


Lumapit ako sa kaniya at tinignan ang sugat niyang humihilom na. "Pwede na 'yan." Sabi ko at sabay pa silang nag YEY apat at isama niyo nalang din ang dalawang leon para anim na silang lahat tumakbo naman si Angela patungo sa labas at tumatakbo namang sumunod ang dalawang leon at ang tatlong bulate nito.


Narinig ko nalang mula sa labas ang tawanan nila at ang ingay ng tubig sa pool. Napailing-iling nalang ako. Inabot ko ang remote ng tv at agad na pinatay iyon. Aalis na sana ako ng makita ko ang cellphone ni Angela na nagriring.

Kinuha ko iyon at tinignan ko sinong tumatawag. Hiro


The seventh born of Corden. Hiroshima Corden. I heard that her mother is a Japanese actress.


Kinuha ko ang cellphone ni Angela, hindi para sagotin ang tawag kondi buksan iyon at sinave ko lahat ng contacts niya maliban sa pangalang Nicholas at pinalitan ang simcard para wala ng makakatawag sa kaniya. Unless siya ang unang tatawag.


BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIIWhere stories live. Discover now