Chapter 46 : Busy Day

622 24 0
                                    

Chapter 46 : Busy Day

Mikaela's POV

Matiwasay naman kaming nakauwi kagabi. Oo nga pala lunes na ngayon at kailangan ng pumasok ni Erica. Kahit takot ito ay pinipilit palakasin ni Blake ang loob nito.


"Walang mananakit sayo pag kasama mo ako, okay?" Sabi ni Blake kay Erica at napatango-tango naman ang bata at yumakap sa kaniya.


"Bye bye ate!" Sabi ni Erica na kumakaway sakin. Kumaway rin ako sa kaniya at nagpalipad ng flying kiss at sinalo naman ito ni Erica.


Nang makaalis na ito ay bigla namang nagsalita si Kevin. "Magbihis ka na at pupunta tayo ng kompanya MO at pag-aralan mo paano patakbuhin ng mag-isa ang kompanya MO." May diin talaga sa word na "Mo". Napakamot nalang ako ng ulo bago kumilos.


Gaya ng sabi ni Kevin ay pumunta kami ng kompanya na sinasabi niya matapos kong magbihis. Paghinto ni Kevin ng sasakyan ay nasa harapan namin ang matayog na kompanya.


"Moon." Basa ko sa nakalagay sa entrada ng malaking kompanyang ito.


"Pumasok na tayo." Sabi ni Kevin at napatango-tango lang ako.


Nasa likoran lang ako nito at tahimik na sumunod sa kaniya. Wala naman akong alam sa lugar na 'to. Huminto ito sa harap ng gintong elevator at pinindot ang open button.


Pumasok naman siya at ganon din ako. Pinindot niya ang close button at pinindot ang 74 floor. Ang tayog! Ilang minuto rin ay nakarating na kami sa mismong floor na 'yon!


Naglakad kami sa kung saan, sobrang dami ng niliko namin at kung babalik ako sa elevator ay tiyak na maliligaw na ako.


Sobrang laki ng pasasalamat ko ng tuloyan ng huminto sa paglalakad si Kevin. Napatingin ako sa harap nito. Sobrang laki ng gintong pinto na may nakaukit na CEO sa gitna. "Ito ang opisina mo." Sabi ni Kevin.


Pumasok kami doon at kung namangha ako sa taas ng kompanyang to ay mas lalo akong namangha sa nasaksihan ko sa loob ng opisina ko raw.


Sobrang ganda at makikita mo talaga sa mga gamit doon na puro mamahalin. "Kev, ako ba may ari nito?" Hindi talaga ako makapaniwala.


Tumango naman ito. "Hindi lang ito, ang buong building ay sayo." Napalingon ako sa kaniya. Hindi talaga ako makapaniwala.


Nagikot-ikot muna ako sa buong opisina. May bookshelf. May sofa, mini table, side table with lamp at may napakalaking flat screen tv pa!


"Pwedeng-pwede na akong tumira dito." Natatawang sabi ko.


Lumapit naman ako sa isang pinto at binuksan iyon. "Banyo ba 'to?!" Nilingon ko naman si Kevin at tumango lang ito.


"Sobrang laki!!"


Nilibot ko ang buong silid na iyon. Nakakamangha talaga at hindi ako makapaniwala. "Andito ka na pala, Angela." Napalingon ako kay Jan.


"Eh ikaw bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya.


"Ako ang magtuturo sa'yo sa pasikot-sikot ng pagpapatakbo ng isang kompanya." Sabi nito sabay kindat.


"Pwede naman si Kevin ah!" Pagtataray ko.


"Busy person 'yan." Natatawang sabi ni Jan.


"Mauna na ako, I have a meetings to attend." Inirapan ko lang ito.


"Whatever." Umupo na ako sa swivel chair ko. Lumapit naman si Jan sakin na may dala-dalang papeles.


BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIIWhere stories live. Discover now