Chapter 41 : Met

686 20 1
                                    

Chapter 41 : Met

Mikaela's POV

6:30pm

Nasa loob na ako ng kotse ko at pinaharurot iyon patungo sa mansyon ni Joshua. Hindi ko na siya pinapunta dito dahil gusto kong ako yung pupunta sa kaniya. Maginoo masyado.

6:37pm

Nakarating  na ako sa mansyon ni Joshua at natagpuan ko naman siyang pababa na sa grand staircase.

"You look so handsome, Josh." Sabi ko na pinipigilang hindi matawa. Bigla naman itong na-inis.

"Baliktad kasi dapat! Ako yung nandyan tapos hihintayin kitang makababa!" Inis na sigaw nito sa'kin. May distansya rin kasi ang layo namin kaya kailangan pang lakasan ang boses.

Hindi ko na mapigilan at tumawa na talaga ako ng malakas. "Laugh trip!" Sabi ko sa kaniya.

"Baliw!" Sabi nito at nag-iwas ng tingin.

Napalingon-lingon naman sa paligid at hinahanap si Jacov. "Si Jacov?" Tanong ko kay Joshua.

"Umalis na, bumalik ng States." Sabi niya at napatango naman ako. Sayang naman hindi ko siya nakasama at naka-kwentohan man lang.

"You're look so gorgeous, Angela!" Puri ni Joshua.

"Alam ko!" Sabi ko sa kaniya.

Sumimangot naman ang mukha nito. "What!?" Iritado kong tanong.

"Dapat yung sasabihin mo "Thank you, handsome" ganon!" Nilambingan niya ng boses yung 'Thank you, handsome' talaga at umaakto na parang babae.

"Magkamatayan man." Seryosong sabi ko at mas lalong humaba ang nguso nito.


"Nakakita ka na ba ng lalaking walang nguso, Josh?" Tanong ko sa kaniya.

"Huh? Wala pa." Inosenteng sagot niya.

"Ngayon makakakita ka na." Sabi ko at mabilis na inatake niya.

Umilag ito sa kamao kong patungo sa mukha niya at umatras ito ng kaonti. Sumugod naman ako ulit at akmang susuntukin siya. Bago pa dumapo ang kamao ko sa mukha niya ay pinag krus niya ang kaniyang dalawang braso para gawing depensa.

"Angela naman eh! Madudumihan ako! Bahala ka mapupunit talaga yang maganda mong dress." Sabi nito sa kalagitnaan ng pag atake ko sa kaniya.

Nakakita ako ng openning spot ay agad kong kinuha ang chance na yun para masuntok ko ang lalaking to sa bibig. Napapikit nalang ito at hihintay na dumapo ang kamao ko sa mukha niya ngunit agad kong binawi ang kamao ko.

"Psh!" Tanging sabi ko at naglakad papalabas ng mansyon.

"Yieeeee hindi niya tinuloy! Ayaw mong saktan ang mukha ko dahil ayaw mong pumangit ako. Yieeee!" Mas lalong uminit ang ulo ko dahil sa kayabangan ng lalaking to.

"Ayoko lang na mas lalong pumangit ang makakapareha ko sa party." Inis na sabi ko.

"Huuuuh??? Pangit? Ako pangit??!" Sabi niya at nag make-face pa talaga.

"Fuck you, Joshua Yee to the moon and back!" Sabi ko at sumakay na ng kotse.

Umikot naman ito at pumasok sa driver's seat. "Aba aba aba! Hindi ako pangit, for your information!" Sabi ko at tumango nalang ako para matapos na din.

Tahimik lang si Joshua na nagmamaneho at ganon din ako.

"Anong party ba ang dadalohan natin?" Tanong ko kay Joshua.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIIWhere stories live. Discover now