Chapter 1: Simula

3.2K 85 4
                                    

Chapter 1 : Simula

Mikaela's POV

NAGPAULAN ang dyos ng kamalasan at mukhang nasalo ko ito lahat. Namatay si Nanay at Tatay noong isang taon sa hindi malaman-lamang dahilan, at wala akong trabaho hanggang ngayon.

Malapit naring maubos ang pera na naiwan nila Nanay at Tatay. Tapos noong nakaraang buwan malalaman kong may sakit sa puso ang kababata kong kapatid.

"Ate, galing na si Marcela rito kahapon." Napalingon ko sa kapatid kong si Erica na nakaupo sa kaniyang kama rito sa loob ng maliit na apartment na inuupahan namin.

"Si Marcela?" Tanong ko sa kaniya.

"Oo ate, sabi pa niya 'pag hindi ka napapagbayad yang ate mo sa susunod na linggo ay magsimula na kayong maghanap ng bagong mauupahan'." Pangagaya niya sa boses ni Marcela.

"Oo nga pala kailangan na nating magbayad sa upa." Napakamot nalang ako sa aking batok.

Saan na naman kaya ako maghahanap ng pera ngayon?

"Sige bunso pumasok ka na ngayon sa iskwelahan ha at hahanap muna si ate ng trabaho." Sabi ko sa kaniya at tumango naman ito at naghanda para sa pagpasok.

Alam kong makakasama sa kalusogan niya ang pagpasok sa iskwela ngunit nagpupumilit ito dahil ayaw niyang huminto sa pag-aaral. Alam niya naman ang pwede at hindi pwedeng gawin kaya hindi rin ako masyadong nag-aalala.

Napagpasyahan ko namang maligo at magbihis ng pormal. Matapos kong kumain ay dinial ko ang number ni Katelyn.

[ON CALL]

Mika : Nasaan ka?

Katelyn : Nandito ako sa trabaho, bakit?

Mika : Pwede mo ba akong ipasok diyan?

Katelyn : Oo friend! Tamang-tama naghahanap si Boss ng mga bagong taohan. Kinulang kami sa tao dito eh.

Mika : Good! Sige pupunta na ako dyan.

[CALL ENDED]

Dali-dali akong pumara ng tricycle ng may dumaan sa harap ko at agad na sumakay.

Nagtatrabaho si Katelyn sa isang coffee shop dito sa Manila. Pagkarating ko doon sa pinagtatrabahoan niya ay nakita ko agad siya sa loob ng shop at may inaasikasong customer.

Matapos niyang kinuha ang order ng mga nito ay agad na lumapit ito sa cashier, kaya agad ko itong nilapitan.

"Oy friend andito ka na pala. Samahan kita kay Boss saglit lang." Sabi nito at binilin sa iba yung order ng customer at hinila niya ako papunta sa kung saan.

"Oy friend, kamusta na pala si Erica?" Tanong nito habang naglalakad kami sa isang mahabang hallway papunta ata sa opisina ng boss niya.

"Ayon delikado parin yung lagay niya pero nagpupumilit talaga pumasok eh." Sabi ko sa kaniya.

"Kung may pera lang talaga ako, friend. Ako na talaga magpapagamot sa kapatid mo. Naaawa na kasi ako, parang kapatid ko na rin ang isang 'yon eh." Sabi pa nito habang ang mga kamay nito ay nakapalupot sa braso ko.

Oo nga naman sobrang close nila ni Erica kesa sakin eh. Parang ako lang yung hindi kabilang sa kanila kapag namamasyal kami kasi parang sila lang dalawa ang nagkakaintindihan.

Hindi ko na namalayang nasa harap na pala kami ng opisina ng Boss ni Katelyn. Mahina itong kumatok, "Boss nandito na po si Mika." Sabi nito.

"Come in, Mika." Rinig kong sabi ng Boss ni Katelyn at soon to be my Boss at halata sa boses nito na babae ito. "Friend pasok na raw." Sabi ni Katelyn at pinagtutulakan pa ako nito papasok sa loob.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIIDonde viven las historias. Descúbrelo ahora