Chapter 68: Feeling of betrayal

207 17 6
                                    

Authors note: This Chapter is not edited.


Veronica's POV



Love Yumi
N: I'm on my way, Love. I'll pick you up.
(just now)

L: Okay, Nic.
(just now)

N: 5pm pupunta na sila Jared.

L: I can't wait! Miss ko na talaga sila!

WHAT THE HELL?!

Love?! May love love ka na pala tapos nakipag sex kapa sakin?! Ano ako baby maker?!

Pati sila Jared kilala ang babaeng 'to? Samantalang ako?! Wala man lang akong kaalam-alam sa babaeng 'to?! Putangina!

Nag-init ang bawat sulok ng mga mata ko. Nagsiunahan na sa pagtulo ang aking mga luha.

Alam kong ikakasakit ko ang pagba-backread ng pag-uusap nila kaya hindi ko na ito ginawa. Tangina mo, Nicholas!

"Queen? Okay ka lang?" Nagpapanic na si Kevin.

"Yeah, I'm okay." Pinunasan ko ang mga luhang hindi matapos tapos sa pag agos. "Just leave me alone, Kev." Sabi ko. Hindi naman siya nagdalawang isip na iwan ako.

Pumasok ako sa loob at humiga sa kama ko. May hinihintay lang ba siyang bumalik? Sino ang babaeng 'yon? Ex niya ba yon? Lintek ang sakit sakit ng puso ko. Ilang araw na akong hindi makatulog ng maayos dahil sa sobrang daming iniisip.

"Traydor ka, Nicholas! Isusumpa kita! Walang hiya ka!"

"Ginagago mo lang pala ako!" Walang hiya!

Hawak-hawak ko ang tyan ko ng makaramdam ako ng kirot. Ilang araw na itong sumasakit lalo na pag-umiiyak ako gabi-gabi.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Kevin.

"Que—"

"K-kev ang sakit ng t-tyan ko...a—ahhh!"

"Shit!"

Biglang bumukas ang pinto at nagmamadaling lumapit si Kevin sa akin. "Kev, m-may d-d-dugo!" Walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Yung anak ko!

Walang kahirap-hirap akong binuhat ni Kevin at nagmamadaling lumabas ng mansyon. Nagtaka ako ng walang mamataang tao sa baba—mamaya ko na iisipan iyan. Yung anak ko Diyos ko!

Habang nasa loob ako ng sasakyan patungong ospital ay bumibigat ang aking talukap. "Kev, inaantok ak—"

"Queen!" At kinain na ako ng dilim.


Nagising ako sa hindi pamilyar na silid. Kulay puti ang kulay ng buong kwarto. "Nasa ospital ako."

"Mabuti't gising ka na, Queen." Lumapit ito sa akin. "Ayos ka na ba? May masakit pa ba sa katawan mo? Nagugutom ka ba, Queen?" Nagaalalang tanong nito.

"Gusto ko ng mansanas na may asin." Tanging sabi ko at tumango siya at ngumiti. Hinimas pa nito ang buhok ko. "Ipapaalam ko lang si Doc Tina na gising ka na at kukunan nalang rin kita ng mansanas mo." Sabi nito at lumabas na.

Bakit nga pala ako nandi— shit!" Bigla akong napahawak sa tiyan ko. Para akong natanggalan ng tinik sa lalamonan ng maramdaman kong nasa loob ko pa ang mga anak ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Tina ng makapasok siya rito.

"Mabigat ang katawan ko, kamusta ang anak ko, Tin?" Tanong ko.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIIWhere stories live. Discover now