Chapter 34: Hans Jeric Corden

712 30 3
                                    

CHAPTER 34: Hans Jeric Corden

MIKA'S POV

Nagising ako sa hindi kilalang kwarto. Puti lahat ng nasa paligid at tanging kama at dextros ang naririto.

"Nasa langit na ba ako?" Sabi ko sa sarili.

Umupo ako sa kama at bigla akong napahawak sa leeg ko ng kumirot iyon. "What the fuck!? Ano to!? Naka benda!?" Inis na sabi ko.

Tinangal ko ang dextros na natusok sa likod ng palad ko at lumapit sa pinto.

Binuksan ko ito at nagulat ako sa nakita. Mga nakaitim na lalaki. Abala sila sa pag? Pag-aayos? Wasak ang buong paligid. "Anong nangyari?" Mahinang tanong ko pero naagaw ko lahat ng atensyon nila.

Nakita ko naman si Joshua na papalapit sa'kin. "Okay ka lang?" Tanong niya sa'kin.

Nagdadalawang isip akong tumango dahil napakaraming benda nito sa katawan.

"Anong nangyari sayo? Sinong gumawa niyan sayo? Sila ba?!" Inis na tanong ko at umiling lang siya.

"Nahulog ako sa third floor kanina." Sabi niya.

"Talaga? Bakit buhay ka pa?" Sabi ko sabay irap.

"Hoy kayo ba gumawa nito kay DARNA!?" Sigaw ko sa mga lalaking nakaitim.

"Hindi nga sila." Sabi pa ni Joshua.

"Sino nga kasi." Inis na sabi ko.

"Secret!" Sabi nito sabay behlat.

"Ikaw talaga Joshua eh no?! Nagpapaka feeling darna ka talaga! Nilunok mo ba talaga yung bato at nagfefeeling darna ka at tumalon doon sa ikatlong palapag? Sobrang taas ng tatlong palapang ng mansyon mo? Nababaliw ka na ba?" Inis na sermon ko sa kaniya at tumungo lang ito.

Napalingon naman ako sa paligid na halos sila ay umiiling. "Tignan mo! Dismayado sila sayo!" Inis na sabi ko kay Joshua at nilingon naman ang mga nakaitim na lalaki na agad na nagsitalikoran.

"Ano ba ang lugar na to? At ano ka ba?" Tanong ko kay Joshua habang ang mga mata ko ay gumagala sa kabuohan ng paligid.

"Lunga ko." Sabi niya.

"Malamang lunga mo to, sa mansyon mo to eh!" Inis na sabi ko. Kanina pa ako sigaw ng sigaw kaya kumukurot talaga yung sugat ko sa leeg.

"POTANGINA NAMAN KASI EH ANG SAKIT. SAKIT NG LEEG KO BWESIT!!" Inis na inis kong sigaw.

"Ikaw ba gumawa nito!? Ha!? Joshua!?" Inis na sigaw ko kay Joshua.

"O-oy anong ako! Siya yun!" Utal na sabi ni Joshua sabay turo ng isang nakaitim na lalaki.

Gulat na gulat ang mga mata nito. "So ikaw pala!"Sigaw ko at agad na lumapit sa lalaking yun at kwenelyohan.

"Tanginamo! Sino kang walangya ka at ginawa mo sakin to!?" Galit na sigaw ko.

Mas lalo akong nainis ng hindi sumagot ang lalaki. Sinapak ko ito sa mukha. Napahiga ito sa sahig habang hawak hawak ang panga. "Lagot ka, Julo!" Pang-aasar ni Joshua.

"Boss naman eh." Kumunot naman ang noo ko at napalingon kay Joshua.

"ANO!?" Sigaw ko at patakbong lumapit kay Joshua at inambahan ng suntok sa mukha.

"Ikaw pala nag utos eh!" Sigaw ko. Kahit marami itong sugat at hindi ko palalampasin ang ginawa niya sa leeg ko. What if magka peklat!? Tangina talaga!

"H-hindi ko siya inutusan." Utal na sagot nito. Tinulongan naman siya ng mga nakaitim na lalaki. Umupo nalang ako sa isang mono block dito sa loob at pinagkrus ang mga kamay ko.

BILLIONAIRE SERIES 1 : NICHOLAS CORDEN IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon