Chapter 12 - The Lost Mate Of An Immortal

2 0 0
                                    

The lost mate of an immortal | Chapter 3






Humahangos na napaupo ako mula sa pagkakahiga. Nilibot ko ang paningin sa paligid ko, nasa kwarto ako. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag at pinakalma ang sarili.

Ang lalaki sa panaginip ko...

Kumabog ng malakas ang puso ko sa naalala. Palagi akong binubulabog ng pamaginip na iyon. Walang gabing hindi iyon ang naging panaginip ko na siyang dahilan kung bakit halos kabisado ko na ang bawat senaryo tuwing natutulog ako.

Sumandal ako sa upuan at napatitig sa plato kong may lamang sinangag, tocino at bacon. Ano ba ang dahilan kung bakit iyon palagi ang napapanaginipan ko? May amnesia ba ako? Sino ba ang lalaking iyon?

Istriktang pumasok ako sa room kung nasaan ang class advisory ko. Isa akong high school teacher, mahigit dalawang taon na rin simula nang mag-umpisa ako rito.

“Good day, Ms. Palaez!” sabay na bati ng mga estudyante ko.

Binati ko rin sila pabalik saka inutusan ang isa sa mga estudyante kong si Lizzy, na i-distribute ang mga papel na chinikan ko kagabi.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone na nasa bulsa ko kaya nilabas ko ito. Ang co-teacher ko, nagchat sa gc namin.

“Class, this is Mr. Jerhomme Alabama, he's a practice teacher. At siya na rin muna ang magtuturo ng lesson for today sa inyo. Be nice to him, understood?”

Sumagot agad ang mga estudyante ko. Napangiti na lamang ako nang may mga ilan sa kanila na umangal at nagtanong kung saan daw ba ako pupunta ngunit nginitian ko lamang sila.

“Mr. Alabama, ikaw na ang bahala sa kanila ha?”

Tumango naman sa akin si Jerhomme. Mabait at magaling ang practice teacher na ʼto kaya may tiwala akong magiging malapit kaagad ang loob ng mga bata at nitong si Jerhomme sa isa't isa.

“Yes po, ma'am.” tugon nito.

Tinapik ko ito sa balikat. “Mababait naman ang mga batang iyan e...” kita ko kung paano siya nakahinga ng maluwag sa sinabi ko. Napangisi ako dahil doon, “Kapag tulog.” Nanlaki ang mga mata niya kaya napahaklakhak ako saka siya iniwan sa loob ng room.



“Nako, Ms. Palaez, ke-bago-bago mo pa lang dito sa school pero pinagkakatiwalaan ka na kaagad ng principal.” komento ni Tally, co-teacher ko.

Umiling na natatawa na lamang ako. Tama siya, pansin ko rin na lagi akong pinapaboran ni Mrs. Veloso dito sa loob ng eskuwela. Aniya pa ng mga co-teacher ko ay may anting-anting ako dahil napaboran ako ng Principal namin na ubod ng sungit at may pagka-istrikta.

“Nako, Celes, pinapatawag ka na ni Mrs. Veloso. Pumunta ka na raw sa loob ng opisina niya.” ani ng assistant ng Principal.

Agad akong tumalima at gumunyak paloob sa opisina ni Mrs. Veloso. Natigilan ako nang mapagtantong hindi lang pala si Mrs. Veloso ang narito sa loob ng opisina niya, bagkus ay narito rin pala ang panauhin namin.

“Ay nako, Ms. Palaez! You're finally here, come on in, sit down, iha.” pala-kaibigan na pag-anyaya ni Mrs. Veloso sa akin.

Nahihiyang naupo ako sa couch na tapat ng panauhin namin. Pasimpli kong pinagmasdan ang guest namin. May lahi ang lalaki, gwapo at paniguradong matangkad. Napatitig ako sa mga mata niya.

Ang mga mata niya ay...

Nanlaki ang mga mata ko. Halos hindi ako maubusan ako ng hininga nang gumawi ang tingin ng lalaki sa akin at matagal akong tinignan. Bumabog ng malakas ang puso ko. Bakit parang kilala siya ng puso ko?

ALL I NEEDWhere stories live. Discover now