WHO IS THE KILLER

1 0 0
                                    

PROLOGUE


“SIGURADUHIN mong maayos ang pagkakaligpit mo sa isang 'yon,” ani ng lalaki sa kausap.

Natatakot man, nagawa parin niyang tumango nang walang emosyon, “Maayos at malinis ang pagdidispatya ko doon, boss.”

Ngising pumalakpak ng malakas ang lalaki, “Magaling kung ganoon! Hayaan mo, tutulungan kitang ipa-opera ang sakiting kapatid mo.”

Kumuyom ang kaniyang kamao sa sinabi ng kausap. Hindi siya masamang tao, pero alang-alang sa kapatid niyang may sakit, ay gagawin niya ang lahat para gumaling ito.

Sa kabilang banda naman, may isang dalaga ang kanina pang tumatangis sa pagkawala ng kaniyang nobyo, si Romel. Mahal na mahal niya ang nobyo niya, mabait at walang kaaway ang lalaki ngunit nagulat na lamang siya nang mabalitaang pinatay ang pinakamamahal niya.

Her kness wobbled while slowly walked towards her boyfriend. Dahan-dahan, nanginginig ang kaniyang kamay habang paunti-unti niyang tinatanggal ang kumot na nakasapin sa katawan ng kaawa-awang bangkay ng kaniyang boyfriend.

“S-Sino ang may gawa nito s-sayo, mahal?” naluluhang saad ni Lealyn matapos masilayan ang tadtad ng saksak na katawan ng kaniyang kasintahan.

Halos hindi na makilala ang mukha ni Romel; pipi ang noo na parang ilang ulit na pinukpok ng martilyo, wasak ang pisngi na animoʼy sinabuyan ng kumukulong mantika, tanggal rin ang isang mata nito na sa tingin ng lahat ay walang awang dinukot ito mula sa kaniyang mata. Samantala, tadtad naman ng saksak ang buo nitong katawan. Napag-alaman pa niya na marami ang bale na buto sa katawan ang boyfriend niya at mukhang ilang beses na sinagasaan pa ito gamit ng sasakyan.

Parang may galit ang sinumang pumatay kay Romel ayon sa paraan ng pagkamatay ng binata.

Hindi na kinayanan ni Lealyn ang sakit at agad siyang naduwal sa kinatatayuan, agad naman siyang dinaluhan ng matalik niyang kaibigan na si Charlotte at binigyan ng tubig ang kaibigang nagluluksa sa pagkawala ng pinakamamahal nito.

Ang araw na ito ay siyang hinding-hindi malilimutan ni Lealyn, dahil ang araw na ito ang siyang simula ng dagok sa buhay ng lahat.






• mystery | • thriller | • killer

___
AirChal

a/n:      this was actually written; the plot was brainstormed not just by me but also by my groupmates. hence, we made this short thrilling novel as our final project in Reading and Writing subject way back when we're still in Grade 11.

dyk?   ang mga names na ginamit dito sa maikling nobelang ito ay hango sa mga totoong pangalan naming magkakaklase? iyon lamang, salamat sa pagbabasa! ✨






ALL I NEEDDove le storie prendono vita. Scoprilo ora