Chapter 1

11 0 0
                                    

WHEN HE FELL OUT LOVE: Chapter 1





LUCRESIA MACEDO

"BES, ARE YOU OKAY? Kanina ka pa namin napapansin na ang tahimik mo, eh. Hindi ka naman ganiyan," pagtatanong ni Rocelyn sa akin.

Narito kami ngayon sa loob ng bahay nina Diashmer, inutusan kasi kami ng parents niya na bantayan namin si Diashmer at ang bahay nila.

Tumulo ang luha ko sa tanong niya. "W-Wala na kami... N-Nakipaghiway siya sa akin k-kanina lang." tila nagsusumbong na sabi ko sa kanila.

Agad akong niyakap ni Rocelyn. Mahina namang napamura si Diashmer bago nagtanong, "H-Ha? P-Paano? I mean, sobrang healthy ng relationship niyo. Anong nangyari?"

Hindi ako sumagot. Wala akong maisagot sa kaniya. Biglaan ang nangyari, masyadong mabilis at hanggang ngayon ay hindi na nagpo-proseso sa isip ko.

"Hush, Bes. Iiyak mo lang 'yan. Ilabas mo lang yan, we're just here for you, hm?" pagpapatahan sa akin ni Diashmer.

Tuloy-tuloy ang agos ng mga luha ko sa sinabi nila. Naninikip ang dibdib ko, masakit. Masyadong masakit!

"M-Masaya naman kami, 'di ba? A-Ayos naman kami. B-Bakit.. P-Paanong napunta kami sa hiwalayan?" tinignan ko ang mga kaibigan ko na ngayon ay nakatingin sa akin na puno ng awa.

"A-Ang healthy-healthy ng relasyon namin.. I-I never knew that he'll fall out love... I-I'm.." tuluyan na akong napahagulgol. "M-May nagawa ba akong masama? May hindi ba siya nagustuhan sa akin? Sa loob ba ng dalawang taon.. totoo ba ang mga pinapakita niya sa akin? M-Minahal nga ba niya talaga ako?"

Pareho akong niyakap ng mga kaibigan ko, hagulgol at pag-iyak lamang ang pinapamalas ko ngayon sa araw na 'to.

We were happy, we were contented. What happened to us?











ILANG BUWAN ANG LUMIPAS, walang araw na hindi ako umasang muli kong makikita si Pierre sa tapat ko habang sinasabing nagsisisi siyang hiniwalayan niya ako.

Pero kahit na ganoon, kahit na nahihirapan ako ay pinagpatuloy ko pa rin ang buhay ko kahit wala na siya sa tabi ko.

Normal akong pumapasok sa University kung saan doon rin siya pumapasok, at sa tuwing nagkakatagpo ang mga landas namin ay ito ang unang umiiwas.

Masakit, oo. Dalawang taon kaming nagsama, dalawang taon naming minahal ang isa't isa at karamay sa bawat dagok sa buhay namin, pero bakit nagkaganito kami?

"Lucresia, dear, I want to invite you for our son's party --- his graduation party. May pinagsamahan naman kayo ng anak ko, you've been his strength and energy that's why I'm inviting you to his party."

Napalunok ako sa sinabi ni Tita Paloma, ang nanay ni Pierre. It's been months since we lost in touch because of our sudden break up. And now, she's here, in front of me, inviting me for his son's party.

Napag-alaman ko na si Pierre ang nakakuha ng pinakamataas na marka sa buong Unibersidad at ngayon ay graduate na siya. I am happy for him, I am happy that finally, nakamit na niya din sa wakas ang isa sa mga pangarap niya.

"Dear," hinawakan ni Tita Paloma ang kamay ko saka hinaplos ng marahan. "I know that you and my son already broke up but, can you go? You know how much we missed you, at baka sa pagpunta mo sa party ay magkabalikan na ulit kayo ng anak ko. Alam mong gustong-gusto kita para sa anak ko, right?"

ALL I NEEDWhere stories live. Discover now