Chapter 11 - The Lost Mate Of An Immortal

0 0 0
                                    

The Lost Mate of an Immortal | Chapter 2







"Samuel, mahal na mahal kita," malamyos na sabi ng babae habang kausap nito ang kasintahan sa telepono.

Naiinís na dumampot ako ng popcorn mula sa mangkok na hawak ko. Nasa sala na ako ngayon ng bahay ko, nanonood ng movie patungkol sa dalawang taong nag-iibigan pero magkaiba ang mundo na ginagalawan nila.

Iyong babae ay nagmula pa sa past, pero ang lalaki naman ay nasa present. Pero kahit na ganoon ay nagtagpo pa rin ang mga landas nila, not physically though, but through phone.

"Ganoon rin ako sa iyo, mahal. Gusto na kitabg makita, pero paano naman natin iyon magagawa?" namomroblemang tanong naman ng lalaki.

Napangiwi ako sa sinabi nila. Ang cringe nila sa totoo lang, bakit ba kasi nila jinowa pa ang isa't isa kung alam naman nilang simulaʼt sapol ay magkaiba sila ng henerasyon?

Ganiyan ba talaga ang mga nagmamahal? Handang gawing imposible ang lahat basta sa minamahal nila? Na handa nilang suwayín at ibahin ang kapalaran nila para magtagpo at maging sila?




"What took you so long?"

Napalingon ako sa likod ko sa narinig. Nilibot ko ang paligid ko, nasa lumang kastilyo na naman ako. Mukhang nakatulog at ngayon ay nananaginip na naman ako.

"Matagal ka bang naghintay?" ang tanging nasabi ko lang.

Lumapit siya sa akin saka niyapós ang beywang ko palapit sa kaniya. Hinaplós nito ang pisngi ko saka pinagdikit ang mga noo namin.

"Sobra," maikling aniya.

Parang namang nalulunód ako habang nakatingin sa kulay lilang mga mata niya. Masyadong malalim. Nakakalúnod. Pero sapat na upang maramdaman ang malamig na haplós na hinahanap-hanap ko noon pa man.

Naglakbay ang kamay ko patungo sa braso niya saka lumingkís dito, ako na mismo ang nagdikit sa mga labí namin na siyang sinabayan niya ang ritmong una kong sinílaban.

"Mahal kita, Lenora--"









"I bought you some dresses," aniya.

Saglit akong natigilan nang mapagtantong nananaginip na naman ako. Sinipat ko ang sarili maging ang paligid ko, nag-iba na ng setting. Ibig sabihin ay nasa ibang lugar at ibang pangyayari na naman kami!

Takang tinignan ko siya. Pero nanatiling sa wine glass niya lamang siya nakatingin.

Para saan naman kaya ang dress na ʼyon? Aalis ba kami?

Tumikhim ito, "Just... a gift."

Tumango na lang ako at hindi na nagsalita pa. Pero deep inside, I want to ask. Para saan naman ang regalo na iyon eh hindi ko naman birthday.

"Don't think about it. It's just a gift, don't make it a big deal."

Nanlalaki ang mga matang tinignan ko siya, nagpupunas na ito ng napkin sa labi niyang may bahid na naman ng dugó. Masyado ba akong halata para sagutin niya ang mga katanungan ko sa isip?

Walang pasabing iniwan akong mag-isa at lumabas na ng dining area. Hindi ko talaga siya maintindihan. May sapák na yata ang talaga ang ulo niya.

Bumaba ang tingin ko sa pinggang may lamang fried rice, bacon and tocino. Ngumisi ako, at least alam niya kung ano ang favorite kong almusal. Oks na ako dito.

"Madam, ang ganda niyo talaga!" puri sa akin ni Helena, ang isa sa mga personal assistant ni Argo, iyong lalaking palagi kong nakakasama dito sa panaginip ko, na siyang lagi kong kasa-kasama sa kung saan-saan.

ALL I NEEDTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang