ML IV: BAKIT NAMBABAKOD ANG BESHY KO NA YARN

177 36 34
                                    

MEMEI's POV

"Memei, may ibabalita kami sa'yo!" anang humahangos na mga kaibigan ko. Hinila nila ako paupo sa kama ko.

"Sigurado akong matutuwa ka sa ibabalita namin sa'yo! Break na daw sina Aeron at Felina!" tuwang-tuwa ani Lorraine, na siyang ikinasimangot ko.  Hindi sila puwede maghiwalay. Kailangan maging mag-boyfriend-girlfriend ulit sila para sa akin na mabaling ni Brian ang atensyon niya.

"Hindi niyo na kailangan magpakahirap bumuo ng plano ni Brian. Kusa na silang naghiwalay," sambit ni Alyza.

"Alam mo ba, Memei? Si Felina ang nakipag-break kay Aeron dahil may bago na siyang crush!" dagdag ni Chin.

"Talaga? Sino?" kunot-noong tanong ko.

"E'di ang crush natin, si Brian! Kawawa nga si Aeron, eh, nasapawan ng kapogian ni Brian kahit na--" Hindi ko na pinakinggan pa ang ibang sasabihin ni Gaile. Tumayo ako sa aking kinauupuan at nagtatakbo palabas ng bahay namin.

Nahinto ako sa pagtakbo nang makita ko si Felina na nakatayo sa harap ng bahay nila Brian, may hawak siyang tupperware na sigurado akong pagkain ang laman. Nagdo-doorbell siya.

Nakahalukipkip at nakasimangot akong lumapit kay Felina. "Hindi tumatanggap ng pagkain si Brian. Ayaw niya ng galing sa babaeng mas malandi pa sa kaniya." Nilagpasan ko na siya at pumasok ako sa nakabukas naman na gate nila Brian. Kinandado ko iyon para wala nang makapasok na mang-aagaw at magbabalak pang mang-agaw ng bago kong crush.

"Memei!" tili ni Brian sa tapat ng tenga ko dahilan para magising ako mula sa pagbabalik-tanaw.

"Ha?" Napatingin ako sa mga babaeng kalaro nitong volleyball. Ang sasama ng mga tingin nila sa akin lalo na si Felina-- mukang gusto na nga niya ibato sa pagmumukha ko iyong hawak nitong bola.

Pero subukan lang niyang ibato sa akin iyon. Babalik sa pagmumukha niya iyon nang pabalik-balik hanggang sa maging flat na mukha niya.

Pairap ko na lang na binawi ang tingin ko kay Felina. Sa beshy crushy ko na lang inilipat ang tingin ko, at ngumiti nang pagkalapad-lapad.

"Lutang ka na namang babaita ka. Ang sabi ko, bakit ngayon ka lang? Natapos mo na ba clearance mo? Napapirmahan mo na ba lahat ng kulang mo? Ganern."

"Oo," pakling sagot ko, inalis ko agad sa pagkakabuhol ang ladladan ng sando niya. Naiinis ako 'pag may nakakakitang ibang babae sa pusod niya o kahit ano pang parte ng katawan niya. "Tara na, puro kabaklaan na naman iyang pinaggagawa mo."

"Hindi sabi ako bakla. Magandang lalakwe ako."

"Whatever. Tara na." Nagpatiuna na ako sa paghakbang palabas ng school gymnasium namin.

"Gorabels na ko mga babaita! See you na lang everywhere," paalam ni Brian sa mga kalaro niya habang nagmamadaling sumunod sa akin.

"Sige, punta na lang ako sa bahay niyo mamaya!" sigaw ni Felina.

"Kami rin!" anang iba pa niyang kalaro ng volleyball.

Napairap na lang ako sa kawalan. "Mga walang hiya. Sila pa talaga pupunta sa bahay ng lalaki?" Ikakandado ko talaga gate ng village namin mamaya.

"Memei!" Ukyabit sa braso ko ni Brian. "Bakit ka na naman ba nakasimangot diyan? Hindi ba bagay sa akin ang naka-crop top?"

"Hindi! Sobrang sagwa! Akin na nga iyang supel ko!" Hablot ko sa suot niyang headband dahilan para tumaklob sa noo niya ang kaniyang bangs.

Nakakainis! Mas gumwapo tuloy siya sa paningin ko. Mas nagmuka siyang malanding oppa ng buhay ko dahil sa pa-bangs niya. Hindi ako attracted sa mga Koreanong kinahuhumalingan ng mga kababaihan ngayon, lalo na sa may mga bangs na feeling oppa. Pero pagdating talaga sa beshy crushy ko. Ay, naku! Sukong-suko na ang puso't kaluluwa ko. Gosh!

Magandang LalakweWhere stories live. Discover now