ML III: BAKIT HINDI MATAHIMIK ANG BESHY KO NA YARN?

172 36 26
                                    

MEMEI's POV

"Anong ginagawa niyo diyan?!" sita sa amin ni Kuya Ken--ang nakakatandang kapatid ni Alyza na nakasakay sa mio.  Huminto siya sa tapat namin. "Magsiuwi na kayo. Maggagabi na."

"Ikaw rin, Kuya Ken! Umuwi ka na. Huwag ka na magpa-cute kay Ate Monica!" pambabara dito ni Alyza.

Naghagikgikan kami.

"Kuya Ken, wala si Ate dito. Nasa Tita namin siya. Gusto mo bang sabihin kong kinakamusta mo siya?" humahagikgik na tanong ko.

Crush niya kasi si Ate Monica pero hindi naman siya ibinubuko sa Ate ko dahil nakiusap siya sa amin na huwag kami mag-ingay tungkol sa pagka-crush niya. Baka hindi na raw kasi siya pansinin ni Ate. Magkaklase pa naman sila, at laging magkasabay umuwi.

"Memei, taga-saan Tita mo na iyon? Pupuntahan ko," tumatawang ani Kuya Ken.

"Nasa Camiguin po sila nagbabakasyon!" sagot ko naman na siyang ikinasama ng mukha ni Kuya Ken.

Natawa na lang kami sa kaniya. Ang layo naman kasi no'n. Baka sira na motor niya bago pa siya makapunta don. At saka hindi kaya ng dagat ang motor niya. Baka lumubog lang yun doon at malibing na lang din doon sa sementeryo ng Camiguin na nasa ilalim ng dagat.

"Kuya Ken!" tawag ni Danilo. "Gusto mo bang tulungan ka namin dumiskarte kay Ate Monica hanggang sa sagutin ka niya?"

"Hoy, hindi ko tatanggihan iyan!" ani Kuya Ken, pinatay nito ang makina ng motor niya. Ipinarada niya iyon sa isang sulok at lumapit sa amin.

"Gusto ni Ate Monica ang matatapang," natatawang panimula ni Oliver. Natawa rin kami dahil alam na namin kung ano ang naiisip nilang ipagawa kay Kuya Ken.

"Oo nga! Kung ako man ang nililigawan, gusto ko rin ang matapang!" sang-ayon ni Chin.

"Gusto ko rin no'n pero dapat pogi katulad ni Brian!" segunda ni Gaile.

Napatingin ako sa nasa likuran kong si Brian. Nakangiwi na naman ang mukha niya habang nandidiring nakatingin sa nagpapa-cute sa kaniyang si Gaile.

"Iyon nga lang hindi matapang si Brian! 'Di ba nga--"

Tinakpan ni Lorraine ang bibig ng nagsasalitang si Chin. "Isasako na talaga namin kayo ni Gaile. Huwag na kayo maingay. Icha-challenge nga natin si Kuya Ken, eh!"

"Ano ba ipapagawa niyo sa akin?" natatawang tanong ni Kuya Ken.

Sabay-sabay naming itinuro ang bahay na itim. "Pumasok ka don!" sabay sabay din naming sabi, saka kami naghagikgikan.

"Kunin mo ang apat na nakaplastik. Kulay puti iyon, Kuya Ken," ani Danilo.

"Sasamahan kita, Kuya Ken!" ani Trese.

"Ako rin sasama!" taas-kamay ni Aeron. "Gusto kong makita kung ano ang itsura ng loob!"

"Ako, babantayan ko na lang motor ni Kuya Ken," ani Chad.

"Ikaw, Brian? Akala ko ba gusto mo sumama sa loob ng bahay na iyon?" tukso ni Alyza rito pero sa akin siya nakatingin. Mukang ako naman ang sinasabihan niya no'n.

"Sino nagsabing hindi kami sasama ni Brian? Sasama kami no!" aniko. Nilingon ko ulit si Brian. Umiiling ito habang nakangiwi.

"Talaga, Brian? Gusto mo rin pumasok sa loob ng bahay na itim?" nakangiting tanong ni Aeron.

Ang kaninang nakangiwing umiling na si Brian ay bigla na lang tumango habang unti-unting lumalapad ang pagkakangiti. Dahil don ay nainis ako. Hindi kay Brian. Kay Aeron!

"Sus! Ang dali naman ng pinapagawa niyo! Kahit huwag niyo na ko samahan. Ako na lang ang papasok!" ani Kuya Ken.

Dire-diretso na ito humakbang patungo sa loob ng bahay. Nagpakiramdaman pa kami nina Trese, Aeron at Brian kung sino ang mauunang sumunod kay Kuya Ken pero ni isa sa amin ay hindi nakahakbang. Parang mga pinako ang paa namin sa lupa sa sobrang takot.

Magandang LalakweOnde histórias criam vida. Descubra agora