ML II: MAKALAGLAG PANTY ANG KAPOGIAN NG BESHY KO NA YARN

199 35 26
                                    

BRIAN's POV

Sa wakas fully recovered na rin ang putotoy ko. Nakapagsuot na din ako ng underwear at ng kahit na ano kong gusto.

Pero ang puso ko naman ang masakit ngayon dahil sa usap-usapang nadinig ko sa labas. May girlfriend na raw si Aeron pero wala akong pakialam don. Basta crush ko pa rin siya.

"Brian," tawag sa akin ni Daddy.

"Yes, I'm ready, Dad. Let's go na. Excited na ko lumabas ulit ng house after 1 or 2 or 3 weeks? Not sure, basta, gusto ko na ulit lumabas."

"Sigurado ka na ba talaga sa gusto mong gawin?" tanong ni Mommy.

"Yes, Mom and Dad. Let's go!"

Nanguna pa ako sa pagpunta ng garage namin. Sasakay na sana ako sa car namin nang makita ko sa harapan ng bahay nila si Memei na nakapalumbabang nakatulala.

Kawawa naman ang kampon ng difficult na ito. Sawing-sawi sa pagkakaroon ng girlfriend ni Aeron.

Okay, kakalimutan ko na ang naiisip kong pagganti sa kanila ng mga kaibigan niya. Kailangan ko siya sa plano ko, kailangan namin magsanib puwersa.

"Wait for a while, Mom, Dad!" sigaw ko, nagmamadali akong lumabas ng house namin.

Nilapitan ko si Memei. Nag-angat ito ng tingin sa akin. Tumayo siya para pamewangan ako at taasan ng kilay.

"Kung nandito ka para tuksuhin ako. Wala akong panahon makipag-usap sa'yo."

"Pero may panahon ka tumulala at pumalumbaba diyan sa tapat ng bahay niyo. Malas iyan, Memei. Imbis na magmukmok ka diyan. Bakit hindi kaya... mag-join force na lang tayo para--"

"Iyan din ang naiisip ko, Brian!" masiglang putol nito sa sinasabi ko, biglang umaliwalas ang mukha ng babaita. "Kaya nga ako nandito sa labas ng bahay namin. Iniisip ko kung pupuntahan ba kita o hindi. Kaya lang, baka awayin mo lang ako, eh."

"Excuse me, sa ating dalawa, kayo ng mga kaibigan mo ang nambu-bully sa akin!" Irap ko sa kaniya.

"E'di sorry. Sorry sa pambu-bully namin sa'yo."

"Hmmpft! Okay! Apology accepted! So, pumapayag ka ng maging partners in crime ko?"

Tumango siya at saka unti-unting ngumiti sa akin. "Oo, partner na tayo! Mamayang hapon, magpunta ka sa bakanteng lote, ipapakilala kita sa mga kaibigan ko bilang bago naming kaibigan."

"Okay, 5pm ako pupunta. Alis muna kami ngayon. See yah later na lang! Bye my former enemy... my new frenlalou."

MEMEI's POV

"Totoo ba talagang magkaibigan na kayo ni Brian?" hindi makapaniwang tanong sa akin ni Lorraine.

"Oo nga! Paulit-ulit naman kayo, eh. Bati na kami ni Brian," nakangiting aniko sa kanila.

"Kung kaibigan mo na siya. E'di kaibigan na rin namin siya!" tuwang-tuwang sambit ni Gaile.

"Oo nga. Muka naman siyang mabait, eh. Masungit lang talaga siguro siya sa nang-aaway sa kaniya at masama kung tumingin. Tulad ng ginawa mo sa kaniya, Memei, nung una kayong nagkakilala. Ang kuwento mo 'di ba sa amin, tinawag mo siyang kampon ng sindikato!" tumatawang sabi ni Alyza.

"Nag-sorry na nga ako sa kaniya kanina. Kaya mag-sorry din kayo sa pagdating niya, ha!" bilin ko sa kanila.

Sumang-ayon naman sila sa sinabi ko.

"Uy, tignan niyo! Tignan niyo! May poging naligaw sa village natin!" Kinikilig na sambit ni Gaile.

Tinignan na lang namin iyong tinuturo niyang batang lalaki na kay guwapo ngang talaga, papunta siya sa kinaroroonan namin.

Magandang LalakweWhere stories live. Discover now