ML I: PAANO KAMI NAGKAKILALA NG BESHY KO NA YARN?

228 38 12
                                    

MEMEI'S P.O.V

Buhat sa nakabukas na pinto ng aming school gymnasium lihim kong kinukuhanan ng video ang beshy crushy kong si Brian. Kasalukuyan niyang inaayos sa pagkakabuhol ang ladladan ng kaniyang puting sando. Magmuka lang siyang naka-crop top tulad ng mga babaeng kalaro.

Saglit din niyang inayos ang suot na headband at saka tinira ang bola na papunta sa direksyon niya na may kasamang tili. Napunta ang bola sa kabilang koponan ngunit ni isa ay walang nakadepensa rito.

"Winner!" tuwang-tuwang ani Brian, nakipag-apir ito sa mga kakampi niya.

Nag-hands off na ang mga kalaban nito. Ibig sabihin, suko na sila at tapos na sila maglaro.

"Oras na para ako'y um-entrance," aniko sa aking sarili. In-stop ko na iyong pagkuha ng video at sinave iyon sa secret album kong 'My beshy crushy Brian'. 

Mabilisan kong in-open ang front camera ng cellphone ko para tignan kung may dumi ba ang mukha ko. Wala akong pinapahid sa mukha ko, kahit na simpleng polbo. In short, kahit sa personal wala akong ginagamit na filter para lang gumanda. Siyempre, ganoon din picture ko online. 'Di bale ng konti ang reactors at mag-friend request. Ang mahalaga, natural ang ganda ko, walang halong chemicals.

Pinagkadilat-dilat ko ang mata ko para tignan kung may muta ba ako. Wala naman. Pinalaki ko butas ng ilong ko para tignan kung may kulangot ba ako, nakasalabit na sipon o lumabas na buhok. Wala naman. Ngumiti ako nang wagas para tignan kung may tartar o tinga ang ngipin ko. Wala naman. Hiningahan ko ng paulit-ulit ang cellphone ko at bigla itong namatay.

"Grabe ka naman! Ang bango kaya ng amoy ng maanghang na dilis!" Mahina kong tampal sa screen ng cellphone ko. "Isang Linggo kitang ikukulong sa cabinet ko bilang parusa sa ginawa mo! Iyong bago ko munang cellphone ang gagamitin ko." Inis ko pang sabi sa cellphone ko. Pinamulsa ko na ito.

Lumabas ako sa aking pinagtataguan at tahimik na pumasok sa gymnasium para sunduin ang beshy crushy kong si Brian. Bago pa ito dagitin ng kung sinong epal sa tabi-tabi.

"Memei!" tili ni Brian nang makita akong papalapit.

Tila nag-slow mo na naman ang lahat sa akin nang muli kong masilayan ang napakaaliwalas na guwapo nitong mukha. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti at muling magbalik-tanaw sa kung paano kami nagkakilala...

Year 2014, Summer vacation

"Sige, hukayin pa natin ang soil hanggang makita natin ang kayamanan ni Yamashita!" ani Lorraine habang patuloy ito sa pagbubungkal ng lupa  sa bakanteng lote-- matatagpuan sa pinakadulong bahagi ng village namin.

"Totoo ba talaga ang Yamashita treasure? Sigurado ka ba talagang nandito lang iyon, Lorraine?" nakangiwing tanong ni Alyza, diring-diri ito sa paghawak sa sanga ng kahoy na ginagamit nito pang hukay.

"Oo, totoo iyon!" Huminto sandali si Lorraine para ayusin ang suot nitong salamin na may grado. Nagpatuloy na ulit ito sa paghuhukay. "Nabasa ko iyon kagabi sa librong Philippine history!"

"Kapag nahanap ko talaga ang Yamashita treasure na iyan. Babayaran ko principal ng school natin para gawin na tayong High school. Ayoko na maging elementary. Ayoko na mag-Grade 5 sa pasukan. Gusto ko na maging high school tulad ni Ate Monica. At saka iyong sobra, ipapambayad ko sa Mommy at Daddy ni Aeron..." aniko.

"Bakit, Memei? May utang ka kila Tita?"  tanong ni Chin. Kadarating lang nito galing bahay nila para kumuha ng gloves.

Gumulong-gulong naman si Gaile papunta sa pinaghuhukayan ko. Muka na itong taong batang grasa sa sobrang dungis nito. "Memei, ano inutang mo kila Mommy? Sabihin mo lang sa akin para masabi kong bigyan ka ng discount!"

Magandang LalakweUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum