Tinalikuran ko na lamang ang aming bintana at nagsimula ng magluto dahil sa naubusan na kami ng gulay, kinuha ko na lamang yung lata ng sardinas para igisa. Abala ako sa pagluluto ng maramdaman ko na namang parang may nakamasid sa akin at dahil sa alam kong imahinasyon at guni-guni ko lamang iyon ay kumanta ako ng pagkalakas-lakas para mawala lahat ng mga negatibong iniisip ko.

Naabutan pa nga ako nila mama noon na kumakanta at ang akala nila ay nasusunugan na kami dahil sa sobrang lakas ng pagkanta ko, si Zariana naman ay sobrang lakas ng tawa dahil mukha daw akong papatayin at gagahasahin sa paraan ng pagkanta ko...kase nga, out of tune daw.

At dahil sa sobrang hiya ko hindi ko sinabi sakanila na natatakot ako dahil mukhang may nakamasid sa akin sa labas bagkus sinabi ko na feel ko lang kumanta sa mga oras na iyon.

Napaisip ako na kung kakanta ako ngayon dahil sa takot ko ay baka maabutan pa ako ni Stefano sa ganong lagay at baka habambuhay pa akong tawanan nun. Hindi naman kase ako biniyayaan ng magandang boses kagaya ng boses ni Gwyne Alcantara.

Hinanap ko ang mga album niya noong nakaraang araw at nakita ko na siya pala ang kumanta sa paboritong kanta na palaging pinapakinggan ni Zariana yung Love Is Just A Wind at siya rin yung kumanta sa kantang nagustuhan ko yung himig yung may pamagat na It's Just Me Or You.

May mga iba pa siyang kanta pero hindi na ako nabigyan ng kuryusidad para dinggin ang mga iyon dahil ang pinaksikat naman niya kaseng kanta ngayon ay yung dalawa na binanggit ko at may isa pa yung Lost Your Love yun yung sumisikat na album niya ngayon na masasabi kong maganda naman at hindi nakakairita at  nakakarindiring dinggin.

Pero hindi ko sinasabi na isa na ako sa mga fans niya, nakita ko lahat ng mga komento ng mga tagahanga niya patungkol sakanya at halos lahat yata ng komento patungkol sakanya ay isa ng papuri kagaya na lamang ng.

Walang ibang kasing ganda si Gwyne Alcantara.

Napakabait ni Ms. Gwyne at napakaganda talaga niya, para siyang isang angel sa lupa.

Napakaganda ng boses ni Ms. Gwyne hindi nakakasawang dinggin ang mga kanta niya, top one on my list yung mga kanta niya.

Mahal na mahal namin si Ms.Gwyne at sana magpakita na siya. We miss you so much Ms. Gwyne and may your broken heart be healed.

Marami pang iba pero tanging ang mga iyan lang ang mga nakatatak sa memorya ko.

Hindi rin naman ako interesado sa iba dahil mukhang pambabash na iyon sa aming dalawa ni Stefano like, kung hindi lang daw kasalanan ang pumatay ay matagal na akong pinatay ng taong yung dahil sa nanira ako ng relasyon ng may relasyon.

Tsk. Like who cares anyway. Hindi naman sila yung nasa sitwasyon ko kaya nasasabi nila ang mga ganong bagay. They judge because they don't know, they don't know anything yet they judge.

At pareho lang iyon.

At pareho lang na hindi bukas ang isipan ng mga tao sa mga nangyayari, at patuloy silang manghuhusga dahil sa tingin nila mali ang mga nangyari pero kung kukuha ka pa ng mas malalim na impormasyon, lahat ng akala mo, lahat ng mga panghuhusga mo ay isang malaking pagkakamali dahil sa hindi mo inalam lahat ng mga tunay na nangyari at bigla bigla ka na lamang na nagbibigay ng opinyon mo. Negatibong opiniyon pa.

Halos lahat naman yata ng tao sa mundo ganun, husga ng husga para namang perpekto sila at walang kakutyakutya e, kung titignan mo nga naman mas marami ka pang mahuhusgahan sa taong nanghuhusga.

Hindi ko nga alam kung nasisiyahan ba sila sa mga pinaggagawa nila, at kung dinadalaw o kinakain ba sila ng konsensya nila dahil kung hindi. Sigurado ako na mga wala silang pinag-aralan at mga walang matitinong pag-iisip.

Married To A Monster Where stories live. Discover now