CHAPTER 32

365K 8.9K 339
                                    


FRITS'S P.O.V.

"Saan pupunta si Luke?" Tanong ni Drek.

Nasa loob kami ng classroom namin. Nang makita naming nagmamadaling tumakbo palabas si Luke. Kakatapos lang kasi ng breaktime namin no'n.

"Ewan ko!" Sagot ni Patrick.

"Girls nakita niyo ba kanina si Allyson Ramirez yung naging Campus Princess last year?"

"Oh, Bakit?"

"Hinimatay daw!" Usal ng
classmate kong babae.

Nagkatinginan ang apat kong kaibigan. Tapos lumapit si Drek sa tatlong babae na classmate namin.

"Ahm... tama ba ang narinig ko mga pretty girls hinimatay si Ally?"

Kilig na kilig ang tatlo. Nang lapitan sila ni Drek,

"Ahh— Oo! Nasa clinic siya ngayon." Sagot ng isang girl.

Kumindat si Drek "Thank you girls."

"Kyaaah!" Sigaw ng tatlo.

"Nasa clinic daw si Ally, puntahan mo na Frits." Bungad ni Drek ng makabalik.

"Psh! Bakit ako?"

"Kunwari ka pa Frits. Concern ka rin naman kay Ally. Puntahan mo na!" ani Drek.

Kinuha ko ang libro ko At nagkunwaring nagbabasa. "Busy ako, kung gusto niyo kayo na lang."

Nagkibit-balikat ang tatlo. "Okay, sige ayaw mo kami na lang." Ani Troy.

Agad na Tumayo ang tatlo upang puntahan si Ally.

"Teka saan kayo pupunta?" Tanong ko. Kahit alam ko naman kung saan sila pupunta.

"Eh, di dadalawin namin si Ally." Ani Troy.

"Sasama ka ba?" Tanong ni Patrick.

"Fine, Sasama na ako!" sabi ko

"Kunwari ka pa. Sasama ka naman talaga." ani Troy.

Hindi ako kumibo. Tinapunan ko ng masamang tingin si Troy, pero sa sarili ko. Matinding pag-aalala ang nararamdaman ko para kay Ally. Kanina ko pa gustong tumakbo papunta sa clinic. Nahihiya lang ako sa mga kaibigan ko. Numero uno kasi ang mga iyon na alaskador.

Pagdating namin sa clinic tulog pa si Ally. Naroon si Luke at Zyruz at Dianne. Pumasok kaming apat kahit na nga pinagbabawal na maraming tao sa loob ng clinic.

"Anong nangyari kay Allyson?" Tanong ni Luke.

Tumulo ang luha ni Dianne. Habang nakatingin kay Ally. "Hinimatay siya. kasi na balitaan niyang namatay ang parents niya ngayon."

"Ha? Papaanong nangyari iyon?" Tanong ni Luke.

"Hindi ko alam Luke. Basta kanina may kausap siya sa cellphone niya. ang Tita niya yata iyon. Tapos umiyak na siya nang umiyak. Sabi niya patay na raw Mommy at Daddy niya. Kaya siya hinimatay."

Lumapit si Luke sa nakahigang si Ally. At hinaplos ang buhok. Bakas sa mukha ni Ally ang matinding kalungkutan kahit tulog.

"Kawawa naman si Ally." Ani Luke,

"Salamat nga pala sa pagpunta niyo dito." Sabi ni Dianne.

"Mommy... Daddy."

Napalingon kaming lahat ng magsalita si Ally. Hinawakan ni Dianne at Zyrus ang kamay ni Ally,

"Kaya mo yan Ally!"

"Mommy... Daddy. Wag niyo akong iwan." Umiyak nang malakas si Ally habang natutulog. Marahil nanaginip siguro siya. "Please! Hindi ko kayang mag-isa."

MAID AKO NG EX-BOYFRIEND KONG CASANOVA BOOK 1(Published Under PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon