"Tulala ka nanaman, Maxine Matt," bigla niyang sabi.

Umiwas ako ng tingin at saka siya tinitigan ng masama. "Ikaw nga itong nakanganga, eh!" Angal ko.

Ngumisi siya. "I know right, you just look so majestic," tugon niya.

Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa tiyan ko, at nagsimulang uminit ang pisngi ko.

"Baliw... tara na, bago pa magbago isip ko," palusot ko at saka naglakad palabas.

Narinig ko siyang tumawa. "Bago ka magbago ng isip? Pero naglakad ka palabas," asar niya.

Nilingon ko siya at kumunot ang noo. "Ayaw mo?" tanong ko saka naglakad pabalik."Then I'm coming back inside—" 

Mabilis niyang hinila niya ang bewang ko at hinila ako palapit. "No, you're not. Let's go."

Isang pulgada na lang ang lapit ng mukha namin, at ramdam ko ang hininga niya sa pisngi ko. Bahagya siyang ngumiti habang umaatras, at hinawakan ang kamay ko habang naglalakad kami patungo sa sasakyan niya. 

Tahimik akong nakaupo sa loob ng sasakyan niya habang nilalaro ang mga daliri ko. Sinubukan kong tumingin sa kanya, pero sa tuwing ginagawa ko iyon, parang baliw ang puso ko sa pagtibok.

Ano ba kasing pinakain niya sa akin para makaramdam ako ng ganito?!

Ay alam ko na, yung ano niya—masarap na luto kasi, Maxine! Hindi ko pa nga natitikman yung ano niya, eh.

"Saan mo gustong kumain?" Bigla niyang tanong kaya napatingin agad ako sa kanya.

"Kahit saan, ikaw bahala," sagot ko.

Tumingin siya sa akin at saka hinawakan ang kamay ko. "Gusto mo bang pumunta sa K restaurant?"

K restaurant is a very famous restaurant in London owned by a Japanese young man named Kai. I have known him since I've read some articles about his restaurant.

Ngumiti ako sa kanya at tumango. "Gusto kong subukan iyong mga pagkain nila,"

Nag-drive si Andre papunta sa K restaurant, at masasabi kong napaka-fancy ng lugar. Napakaganda nito kaya masasabi ko ang kaibahan nito sa ibang ordinaryong restaurant.

Lumabas si Andre ng sasakyan habang naglakad naman sa kabilang side para pagbuksan ako ng pinto. Bubuksan ko nanaman talaga sana iyong pinto, naunahan lang niya ako.

"I know the owner of this place, so I reserved the whole place for us," Sabi niya sabay hawak sa kamay ko.

Gulat na gulat akong napatingin sa kanya. "Andre, hindi mo na kailangang gawin iyon, napakalaki ng lugar oh. Hindi ka dapat gumagastos ng malaki para lang sa'kin," Sabi ko sa kanya habang naglalakad kaming dalawa papasok ng restaurant. 

"Maxine, basta gusto kitang mapasaya, dapat mag-effort ako, at konting effort lang 'to, 'wag kang mag-alala," bahagya niyang pinisil ang kamay na may nakakapanatag na ngiti sa labi.

Napabuntong hininga na lang ako at ngumiti sa kanya. Naiintindihan ko naman na gusto niyang mag-effort para ligawan ako. Pero sobra sobra naman ang ginagawa niyang effort, at hindi ako materyalistikong babae na mahilig sa ganito.

"Andre... you're spoiling me so much," sabi ko habang hinihila niya ang upuan para sa'kin.

"I know right, that's how much I love you, Maxine," sarkastikong sabi niya sabay smirk.

"Pero hindi ko gusto kapag ginagastos mo ang pera mo para sa akin ng ganoon kalaki," matapat kong sabi.

Tumingin lang siya sa akin at ngumiti. "Fine then, whatever my wife wants," nang-aasar niyang sabi.

Lost Love In Silence | College Series 1Where stories live. Discover now